Chapter 3

106 4 0
                                    

"Pinsan mo ang captain ng Fukoradani?!"

Gulantang na tanong ng team nang makabalik kami ni Azumane sa bench. Nilapag ko ang bags ng bottled water na binili namin kanina at inilagay sa chiller.

"He-he Oo, hindi ko alam na nasa Fukurodani na pala siya..." Malay ko bang makikita ko 'yun dito.

"E' 'yung captain ng Nekoma at 'yung setter nila?" tanong ni Azumane

Tae- nakita niya nga pala kami kanina. Ayoko na mag-sinungaling. Bahala na si batman.

"Ah- D-dati ko silang kaibigan. Noong nandito pa ako sa Tokyo nag-aaral."

Since I was in grade school, dito na ako sa Tokyo nag-aral since nandito ang mga kalahi namin. Kaya kahit wala ang parents ko ay may tumitingin parin sa akin. Mostly, nakila Kotarou ako nakatira kaya ganiyan na lang kami kadikit kahit ilang taon na kaming hindi nagkikita. Grade school ako when I started playing volleyball, si Kotarou ang nagimpluwensya sa akin. Palagi niya akong hinahatak sa mga training niya oh di kaya ang mag one-on-one game. Sa huli, kinahiligan ko narin ang paglalaro kaya noong Junior High naging starter agad ako ng team. Hindi kami pareho ng junior high na pinasukan ni Kotarou kaya naging mahirap sa akin ang pagiging sociable.

One time, nagpapractice ako mag-isa sa school grounds. Nilapitan ako ni Tetsurou. 'yun ang una naming pagtatagpo. Buntot buntot niya si Kenma at ang dalawa pa nitong kaibigan na sina Kourai at Rintarou. Inaaproach nila ako para makipag practice dahil nakita nila ang game play ko noong tournament. Talented ang apat lalo na si Hoshiumi Kourai, dahil kahit maliit siya para sa height ng laro niya ay iba ang liksi at galling nito sa paglalaro. Naaalala ko sa kaniya si Hinata kaso ang batang 'yon e' parang kulang pa sa experience at training. Si Suna Rintaroy naman ay Middle blocker nung mga panahong 'yun. Maliit siya para isang middle blocker pero mas persistent blocker siya kaysa sa iba. Powerhouse ang school na pinasukan namin kaya mas nag-improve ang skills naming lima.

Simula nun palagi na kaming magkakasama, Si Rintarou na tahimik lang pero napakaraming chika tungkol sa kani-kanino. May proof pa siyang ilalabas kapag hindi kami naniwala. Si Kourai na napaka ingay at napaka kulit, ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang 'little' at dapat nagugulat ka sa gameplay niya tuwing match kasi raw "kapag maliit, minamaliit". Si Kenma naman na puro games ang inaatupad, pero hinala ko naman na kakagames nito mas gumagana ng matino ng isip nito e' kung tatanggalan mo'to ng games baka anong mangyari pa sa kaniya. Habang si Tetsurou naman, parang Kotarou version 2 rin ito e'. Wala nga lang emo-mode, madali lang siyang kasundo at palaging nanjan sa aming apat.

Pero simula noong naging magkalapit kaming lima, simula narin ng delubyo sa buhay ko. Walang araw na hindi ako binuyo ng mga kateam mates ko at ng ibang mga babae sa school.

'Malay ko bang F4 pala ang mga ugok na'yon'

Pero hindi ko na pinaalam 'yun kina Kenma dahil ayoko na silang mag-alala noong mga panahong 'yon dahil kapwa kami nakapasok sa finals. Ayokong maapektuhan ang laro. Huling taon ko naman na sa junior high at sa loob ng taong ito nakapaloob pa kung saan kami naging magkakaibigan. Kaya dapat okay ang lahat!

Wala ring kupas ang sugat at mga salitang natatamo ko. Wala naman akong ginagawa sa mga gagang 'to bakit ako ang inaabangan'

Gusto kong sabihin 'yan, pero hindi ko magawa. Gusto kong humingi ng tulong pero hindi ko magawa.

Natalo ang team namin nung finals, hindi ako naging starter dahil sa kawalang kwentang dahilan nung captain namin. Hindi ako ipinasok dahil sa kung anong bagay ang inuuna mga punyeta. Imbes na memorable ang huling taon , alam mo 'yun kahit sana matambunan ng pagkapanalo 'yung ginawa nilang 'yun pero hindi.

Hinatak nila ako sa likod ng gym, medyo masukal at dapit hapon na nuon kaya walang masyadong tao. Isang bakal ang tatlong beses na humampas sa katawan ko dahilan ng pagsusuka ko ng dugo.

One Special MeetingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon