Chapter 1

1.5K 32 3
                                    

"My, I'll be out late tonight." Sabi ni Katharine habang kumakain sila ng tanghalian ng kanyang ina sa isang mamahaling restaurant sa Makati. Hindi sumasagot si Gabby dahil nakatutok ang mga mata nito sa kanyang telepono
"Mommy!!" Sigaw ni Katharine sa kanyang ina. Gulat na gulat si Gabby kaya't napasigaw ito. Tiningnan nito ng masama ang kanyang anak at agad ibinaba ang kanyang telepono sa lamesa.
"Ano ba 'yon? You'll give me a heart attack." Inis na sabi ni Gabby sakanyang anak. Uminom ito ng tubig habang naghihintay ng sagot sa kanyang anak.
"I said I'll be home late tonight." Dahan-dahang ulit ni Katharine sa kanyang ina.
"Anak, may pasok ka bukas. Just go out some other time." Sabi ni Gabby sa kanyang anak. Agad nyang hinawakan muli ang kanyang telepono na para bang may hinihintay na tawag o text. Nakatitig si Katharine sa kanyang ina ng masama at nagdabog na parang bata.
"My naman e." Sabi ni Katharine na para bang paiyak na. Hindi sumasagot si Gabby sakanya kaya't inagaw nito ang cellphone mula sa kanyang ina.
"Give it back!" Sigaw ni Gabby sa kanyang anak. Galit ang mukha nito kaya't hindi na nagawang mang inis pa ni Katharine. Ibinalik nya agad ang telepono kay Gabby dahil baka lalo syang hindi payagan lumabas mamayang gabi.
"Jeez, what's with your phone anyway. Are you waiting for someone's call." Tanong ni Katharine sa ina. Tinitigan lamang sya ni Gabby at inilagay ang telepono sa kanyang bag.
"San ka pupunta mamaya?" Mahinahong tanong ni Gabby. Nagtataka sya dahil hindi naman madalas magpaalam sa kanya ang kanyang anak. Nakikita nya na lamang to minsan na umuuwi ng madaling araw na dahil galing ito sa party. Hindi nya naman mapigilan ang kanyang anak dahil napagdaanan nya na rin ang ganoong edad. Pinagsasabihan na lamang nito si Katharine na gamitin ang isip dahil malaki na sya at alam nya ang tama sa mali. Hindi rin nya pinipigilan ang anak dahil naniniwala syang maganda na mayroon syang healthy na social life, hindi naman naaapektuhan ang kanyang mga grado sa eskwelahan kaya't okay lamang sakanya.
"Dad's asking me out tonight." Sabi ni Katharine na para bang naghihintay ng reaksyon sa kanyang ina. Biglang lumaki ang mga mata ni Gabby dahil hindi nya alam na bumalik na pala ng Pilipinas ang ama ni Katharine. Kita kita sa muka nya ang gulat kaya't inulit ni Katharine ang kanyang sinabi sa ina.
"Your dad?" Tanong ni Gabby sa kanyang anak. Alam nya na ang sagot dito ngunit hindi nya mahanap ang mga salita na gusto nyang sabihin.
"I'm not in the habit of calling other people's dad "dad"." Sarkastikong sabi ni Katharine sa kanyang ina. Matagal nya nang alam na babalik ang kanyang ama na si Matthew galing sa Amerika. Hindi nya lamang ito nababanggit sa kanyang ina dahil lahat ng bagay ay kumportable nilang napaguusapan, bukod lamang sa kanyang ama.
"Oh." Tumango si Gabby at tumingin ng matagal sa kanyang anak na para bang iiwan na sya nito. Matagal nya ng takot ito. Nasanay na sya at ang kanyang anak na mamuhay na silang dalawa lamang.
"Mom, can I go?" Ulit ni Katharine. Alam nyang hindi magiging masaya ang kanyang ina sa balitang ito, kaya nga't nagpapaalam sya dahil ayaw nyang mabigla ang kanyang ina kapag may nakapagsabing iba na bumalik na si Matthew at lumalabas pa silang dalawa.
"Ofcourse! Hindi mo na kailangang magpaalam, ano ka ba. Just don't skip school tomorrow." Sabi ni Gabby na para bang okay na okay lamang sa kanya ang mga nangyayari ngayon. Alam nya kung gano kagusto ni Katharine na magkaroon ng magandang relasyon sa kanyang ama kaya't ayaw nyang sya pa ang maging dahilan para hindi maging masaya ang kanyang anak ngayon. Hindi sya tututol kahit anong mangyari. Kung san masaya ang kanyang anak, doon lamang sya lulugar.
"Do you wanna go with us?" Tanong ni Katharine sa ina. Masayang masaya sya na okay lamang sa kanyang ina ang pagbabalik ng kanyang ama. Bata pa lamang sya, iisa lang ang pinapangarap nya sa buhay, ang magkaroon ng buo at masayang pamilya. Habang lumalaki sya ay nawawalan na sya ng pagasa sa pagkakaroon ng buong pamilya ngunit hindi naman sya makapagrereklamo dahil lahat ay ginagawa ni Gabby para maging maayos at masaya ang kanyang buhay. Palaging tinatanong ng mga kaibigan ni Katharine kung bakit napakaganda ng relasyon nya sa kanyang ina at ang palagi nyang sagot ay mag best friends muna sila ni Gabby bago maging mag-ina.
"I'd love to kaya lang I have a date with Peter tonight, hon." Matipid na sabi ni Gabby sa kanyang anak.
"Okay. Well, dad's picking me up sa house naman e. You can say hi." Sabi ni Katharine sa kanyang ina habang nakangiti ng malaki.
"I'm not sure that's a good thing, Katharine." Sabi ni Gabby na para bang natatakot sa magiging reaksyon ng kanyang anak.
"Why?" Malungkot na sabi ni Katharine. Alam nya namang ito ang isasagot ng kanyang ina, minabuti nya lamang na subukan dahil baka biglang pumayag si Gabby.
"It's not yet the right time. I'm not yet ready to see him." Ngumiti si Gabby sa anak. Malaki na si Katharine, she's already 22. Kayang kaya nya ng intindihin ang mga desisyon nya sa buhay.
"I understand." Sabi ni Katharine sa ina. Ngumiti ito at hinawakan ang kamay ni Gabby.
Kumain na lamang sila at hindi na nakapagusap hanggang sa umuwi na sila.

Until It Beats No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon