Chapter 19

598 13 7
                                    

Pagdating ni Gabby sakanyang bahay ay nakita nyang naghihintay sa kanyang sala si Peter. Nagulat ito at nilapitan ang kanyang boyfriend. Hinalikan sya ng madiin ni Peter sa labi at sinuklian nya ito ng isa pang halik.

"I dropped by your office this morning but Russell said you're not feeling well." Sabi ni Peter. Hinawakan nya ang mukha ni Gabby at pinisil ang ilong nito.

"Yeah. I wasn't feeling well." Ngumiti si Gabby at inilapag ang dala nyang pagkain sa kanilang lamesa. Kinakabahan na ito dahil hindi nya alam ang kanyang gagawin. Ayaw nyang dumating si Matthew at makitang nasa kanyang bahay si Peter.

"I took the day off. I'm going to take care of you."

"I'm a grown up. You don't need to do that." Sagot ni Gabby.

"You're not happy to see me." Mahinang sabi ni Peter. Tumingin ito sa pagkain na inilapag ni Gabby sa kanyang lamesa.

"I am. I'm just..."

"Are you expecting someone?" Tanong ni Peter. Nakakunot ang noo nito.

"Yes. Matthew's on his way here." Mahinang sagot ni Gabby. Kahit kailan ay hindi sya marunong magsinungaling, lalong lalo na kay Peter. Mas gugustuhin nya pang manggaling sa kanya na magkikita sila ni Matthew sa kanilang bahay kaysa magulat ito sa pagdating ng dating kasintahan.

Huminga ng malalim si Peter. Hindi nya alam ang kanyang sasabihin kaya't tumitig na lamang ito kay Gabby. Nakakunot ang kanyang noo. Naghihintay sya sa iba pang sasabihin ng kasintahan ngunit hindi ito nagsasalita.

"Should I be worried?" Sabi ni Peter. Hindi nya tinatanggal ang tingin nya kay Gabby. Hindi ito makatitig ng deretso kay Peter kaya't nakababa lamang ang kanyang ulo. Itinaas ni Peter ang mukha ni Gabby at hinintay itong magsalita. Huminga ng malalim si Gabby at nagsimulang tumulo ang mga liha sa kanyang mga mata.

"I know it's my fault. I haven't been here for you for the last few weeks. But... I can make more time for you. If you want me to leave my job I'll do it for you. Just tell me what to do." Malakas na sabi ni Peter. Nagagalit ito sa kanyang kasintahan ngunit hindi nya magawang sisihin ito. Kilala nya si Gabby. Alam nyang mahal sya nito at lahat ng kailangan nyang gawin upang magbago ang isip nito ay gagawin nya.

Hindi pa rin nagsasalita si Gabby. Hindi nya alam kung bakit hindi nya masabi kay Peter kung ano ang kailangan nitong gawin. Ayaw nyang sabihan ito na umalis sa kanyang trabaho dahil alam nyang ito ang buhay ni Peter. Matagal nya ng pinangarap na makuha ang trabaho na mayroon sya ngayon.

"Gabby. Talk to me." Pagmamakaawang sabi ni Peter.

"Peter. I don't... I don't know what to say." Nagaalinlangang sagot ni Gabby.

"May nangyari na ba sainyo ni Matthew?" Galit na tanong ni Peter.

"Nothing! Nothing happened. We're just... Hanging out." Sigaw ni Gabby. Hindi nya matanggap na nagawang isipin ni Peter na kaya nyang gawin iyon sa kanya.

"Do you love him?" Tanong ni Peter.

"I do." Mabilis na sagot ni Gabby. Hindi sya nagsisisi na maging totoo sa kanyang nararamdaman.

"Do you still love me?" Tanong ulit ni Peter.

"I do."

"Are you leaving me?" Hinawakan ni Peter ang mga kamay ni Gabby at tinitigan ito ng diretso sa kanyang mga mata. Hindi sumagot si Gabby kaya't inulit nya ang kanyang sinabi. Tumulo muli ang mga luha ni Gabby ngunit napatigil ito ng marinig nya ang pagbukas ng pinto. Napatigil din si Matthew sa paglakad ng makita nya si Peter at Gabby na magkahawak ang kamay. Nakita nyang umiiyak si Gabby. Gusto nyang lumapit at yakapin ito para matigil sa pagluha ang kanyang mga mata ngunit pinigilan nya ang kanyang sarili. Alam nito ang pinagdadaanan ng dating kasintahan. Masaya si Gabby at Peter nang dumating sya at lahat ito ay nagulo nang umamin sya sa tunay nyang nararamdaman.

"You can leave now. We're talking." Malakas na sabi ni Peter. Huminga ng malalim si Matthew at inilapag ang mga ipinamili nyang DVD's at mga bulaklak sa lamesa. Tumalikod ito at dumiretso sa paglabas ng bahay. Sinundan sya ni Gabby palabas ng bahay at hinawakan nito ang mga kamay ni Matthew. Tumango lamang sya at nginitian si Gabby.

Bumalik si Gabby sa kanyang bahay at nakitang naghihintay si Peter. Ang mga mata nito ay galit, halatang nasaktan sya nang sundan ni Gabby si Matthew.

"I don't want you to see him anymore." Sabi ni Peter

"You're not my dad. You can't tell me what to do." Malakas na sagot ni Gabby.

"I can tell you what to do! You're my girlfriend!" Sigaw ni Peter

"I'm your girlfriend. But I have been waiting for years, Peter. Hanggang dito na lang tayo? Your job will always be your first priority. And I don't want to wait anymore." Naiiyak na sabi ni Gabby. Ngayon nya lamang nailabas ang tunay nyang nararamdaman.

"Then marry me! I'll quit my job. We'll live in a different country. Tell me what to do because I will do it Gabby!" Sigaw ni Peter.

"We both know that's not what you want." Mahinang sagot ni Gabby. Alam nyang hindi magiging kumpleto ang buhay ni Peter kung hindi ito nagtatrabaho. Ito ang nagpapasaya sa kanya at matagal nang alam ni Gabby na kahit kailan ay pangalawa lamang sya sa buhay nito.

"It's not what I want but I'll do it for you."

"Hindi ayun ang gusto ko Peter! Don't you understand! I don't want you to settle! I want you to marry me because you love me not because you think you're losing me! I'm not your possession..."

"We were doing great. Bumalik lang si Matthew nagkaganyan ka na. You never complained about my job. You never complained about anything at all! Ngayon lahat na lang nirereklamo mo."

"I just realized I could have something better. I don't need to wait for someone everyday because they can't make an effort to see me."

"You're breaking up with me? You're choosing someone who left you over me?" Tanong ni Peter.

"I'm choosing someone who I know will do everything he could to make me happy."

"You will regret this. He will leave you again and when he does... I won't be here anymore." Mayabang na sabi ni Peter. Napailing na lamang ito sa ginawang desisyon ni Gabby. Lumabas sya ng bahay at ibinalabag ang pinto ng malakas.

Until It Beats No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon