Chapter 32 (FINALE)

769 16 7
                                    

Dumating na ang araw ng kasal nila Gabby at Matthew. Magkahiwalay sila ng kwarto na pinaghihintayan kaya't nahihirapan si Katharine dahil pabalik balik ito sa kanyang ina at ama upang tingnan kung mayroon silang kailangan o kung maayos na ba ang lahat.

"You don't look nervous at all. Mom's about to have a nervous breakdown and you're here... Just chilling." Natatawang sabi ni Katharine sa ama.

"Your mom's not used to this. I'm not sure if she told you but when we were still young... You weren't in the picture yet. She told me na ang dream wedding nya ay just the two of us getting married in an old church in Zurich. She said she doesn't want anyone else, we don't need a witness kasi she believes that it should just be between the two of us. I thought to myself, this is an odd woman. Lahat yata ng babae ang pangarap ay ikasal sa pinakamagandang wedding gown habang pinagtitinginan sya ng libu libong katao. But your mom, she's different. She knows what she wants and she goes for it. You know what changed her mind though?" Tanong ni Matthew sa kanyang anak.

"What?"

"You! Kung wala ka I don't think anyone would know that we're getting married."

"Well grandma should thank you for my existence. She won't be able to witness this wedding if it weren't for me being born. Grandma's so obsessed about mom getting married." Natatawang sabi ni Katharine.

"Don't I know it. She has already planned your mother's wedding even before you were born." Sagot ni Matthew. Ngumiti lamang si Katharine at hinalikan ang kanyang ama sa pisngi.

"I'll see you later, dad. I love you." Nakangiting sabi ni Katharine sa kanyang ama. Lumabas ito ng pintuan at huminga ng malalim. Ito na ang oras na pinakahihintay ng lahat. Sa ilang minuto lamang ay ikakasal na ang kanyang mga magulang.

-----

Nagsimula ng tumugtog ang paboritong kanta ng magkasintahan. Pinili ni Gabby ang kantang "For the First Time" ni Kenny Loggins para tugtugin habang naglalakad sya sa altar. Hindi nito mapigilan ang pag agos ng luha sa kanyang mga mata nang makita nito si Matthew sa kabilang dulo ng kwarto. Lalo pa itong napahagulgol nang makita nyang lumuluha rin ang kanyang kasintahan. Nang magtagpo ang kanilang mga mata ay sabay silang ngumiti. Sa isip ni Gabby. Sa tinagal tagal ng panahon hindi nya inakala na ang taong minahal nya ng lubos, ang taong dumurog sa kanyang puso at ang taong muling nagbigay sa kanya ng tunay na kasiyahan ay ang taong makakasama nya na rin hanggang sa dulo ng kanyang buhay. Gusto nyang tumigil ang panahon ngunit hindi rin sya makapaghintay na maging asawa ni Matthew. Nagpasalamat sya sa Panginoon dahil hindi nya alam kung anong ginawa nya upang mabiyayaan ng ganito. Pagdating nya sa kinaroroonan ni Matthew ay agad silang naghawak ng kamay.

-----

Sa reception ng kasal ni Gabby at Matthew ay makikita mo kung gaano kasaya ang mga taong dumating. Iilan lamang sila ngunit ito ang dahilan kung bakit naging mas masaya pa ang babae. Nagsasayaw ang mga tao sa tugtog ng banda. Maririnig mo ang tawanan at hiyawan. Halos lahat ay nasa dance floor maliban na lamang sa bagong kasal. Nakaupo lamang sila sa presidential table, magkahawak kamay, nagiibigan.

"Baba. You have no idea how happy I am right now. Totoo ba to?" Sambit ni Matthew. Hinalikan nito ang kamay ni Gabby.

"Totoong totoo ito baba. Hindi mo rin alam kung gaano ako kasaya ngayon. Biruin mo? Sa lahat ng pinagdaanan natin sino makakapagsabi na dito pala ang ending natin?" Nakangiting sabi ni Gabby.

"Alam kong ikaw lang talaga ang para sa akin Gabby. Mahal na mahal kita."

"I know. And I love you, too. I want you to know that whatever happens, you have my heart... Until it beats no more."

Until It Beats No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon