Chapter 28

836 17 7
                                    

"Me-marriage?" Nauutal na sagot ni Gabby sa kanyang kasintahan.

"Pag ba tinanong kita kung gusto mo ko pakasalan ano ang isasagot mo?" Tanong ni Matthew. Nakatingin sya sa daan ngunit maya't maya ay sumasaglit sya ng tingin kay Gabby. Napangiti sya nang makita nyang nanlalaki ang mga mata ni Gabby. Hindi ito sumasagot kaya't nagkunwaring umubo si Matthew upang iparamdam sa nobya na sya ay naghihintay ng sagot.

"Are you proposing to me right now?" Mahinang tanong ni Gabby.

"What if I am?"

"A proposal should be magical! Gusto ko merong isang libong bulaklak. Gusto ko may tumutugtog ng mga songs na pareho natin gusto and there should be a horse. I don't know why I want a horse in the proposal pero siguro dapat nakasakay ka dun." Mabilis na sabi ni Gabby. Wala syang ibang gusto kung hindi pakasalan si Matthew ngunit hindi nya inaasahan na ganun lamang ang ginawang pagtatanong ng kanyang nobyo.

"Kabayo? Seryoso?" Natatawang sagot ni Matthew.

"It's not funny." Seryosong sagot naman ni Gabby.

"Forget it. I wasn't proposing. Tinatanong lang kita because that's what I want. It doesn't need to happen now." Sabi ni Matthew. Halata ang pagbabago sa tono ng lalaki.

"Baba that's what I want too."

"So kung magpopropose ako you will say yes?" Tanong muli ni Matthew.

"Why don't you just do it? Walang thrill kung alam mo na yung sagot diba." Naiinis na sagot ni Gabby.

"Okay. Well nandito na tayo sa bahay mo. Do you want me to stay?" Sabi ni Matthew habang itinitigil nito ang kanyang sasakyan. Tumango si Gabby upang sagutin ang tanong ni Matthew. Bumaba ang lalaki upang pagbuksan ng pintuan ang kanyang nobya. Pagpasok nila ng bahay ay naabutan nila si Katharine na nanunuod ng telebisyon. Hindi nito binati ang kanyang mga magulang pagkakita nito sakanila.

"Hi kid." Sabi ni Matthew sa anak. Hinalikan nito si Katharine sa pisngi at ginulo ng kaunti ang buhok nito. Tumitig lamang ang kanyang anak sa kanya at hindi nagsalita.

"Galit ka pa din?" Tanong ni Gabby. Naiintindihan nya kung saan nanggagaling si Katharine ngunit naguumpisa na itong mainis dahil napaka immature ng kanyang anak. Hindi ito marunong umintindi at palaging sarili nya lamang ang kanyang iniisip.

"Not really. I don't care anymore." Malditang sabi ni Katharine.

"Great." Sagot ni Gabby. Nagdabog ito patayo at diretsong naglakad papunta sa kanyang kwarto. Inaasahan nyang susundan sya ng kanyang nobyo ngunit nanatili si Matthew sa tabi ng kanyang anak.

"Why are you making this hard for your mom?" Tanong ni Matthew sa anak.

"Why are you making this hard for me? Kung hindi nyo kaya maghiwalay then sumama ka samin. Bakit kailangang ako yung mag suffer?" Malakas na sabi ni Katharine.

"Anak. Don't be selfish please. Gusto mo ba talaga na sumama ang mommy mo sayo? Her life is here. She has a job that she loves, all of her friends are here. She's not young anymore hindi sya pwedeng magsimula muli dun. She will not get a job there that pays the same, hindi sya makakakilala ng mga kaibigan na katulad ng meron sya ngayon and I she will never be happy there kasi habang nagtatrabaho sya dun maaalala nya yung buhay na kinailangan nyang iwanan para lang alagaan ka. Napakalaki mo na hanggang ngayon hindi mo pa rin kayang mag isa? If you love your mom you will not make this hard for her. I want you to apologize to her." Mahabang sabi ni Matthew. Hindi nya na napigilan ang kanyang sarili. Mahal nya si Katharine ngunit alam nyang kaya ganuon na lamang ang asal nito ay dahil lahat ng tao ay bine baby sya. Walang nagpapamukha sa kanya ng reyalidad sa buhay. Lahat ng gusto nya ay palaging nasusunod at lahat ng ayaw nito ay walang gumagawa. Mabait na bata si Katharine ngunit hindi ito sanay ng nakikita nya ang mga bagay na ayaw nyang mangyari. Naghihintay ng sagot si Matthew sa anak ngunit wala itong narinig. Tumayo ito upang dumiretso sa kwarto ni Gabby.

Until It Beats No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon