Chapter 3

614 14 0
                                    

Nagpasyang mamasyal na lamang sa mall ang mag ama. Tanong ng tanong si Matthew kay Katharine kung ano ang gusto nyang bilhin dahil baka hindi na maulit ang pagkakataong ito. Hindi pa sigurado si Matthew kung gaano katagal sya mamamalagi dito sa Pilipinas. Nakapagbakasyon lamang sya dahil malubha ang sakit ng kanyang ama at sinabi nya sa sarili nya na hindi nya mapapatawad ang kanyang sarili kung hindi sya makakabalik para makita ng huling beses ang kanyang ama. Kahit na hindi masyadong maganda ang relasyon nila ay malaki pa rin ang pasasalamat ni Matthew sa kanyang ama dahil ito ang nagpalaki at nagpaaral dito. Lumaki syang lahat ng kailangan at kagustuhan ay naiibigay, alam ni Matthew sa sarili nya na kung hindi dahil sa ama ay wala sya sa kung nasan man sya ngayon.

"Dad, that's not necessary. I'm just glad we get to hang out." Sabi ni Katharine ng may napakalaking ngiti sa mga mukha.
"Hindi naman ako papayag na hindi kita maiibili ng kahit na ano. Tara na. San mo ba gusto magshopping? Gusto mo sa Forever21? O sa Mango, wag ka mahiya madaming pera ang daddy mo." Sabi ni Matthew sa anak. Hindi sya nagbibiro ng sinabi nya ito. Madami syang pera kaya't gusto nyang ibili sa anak lahat ng gusto nya.
"I've too many clothes dad. Pero if you insist to buy me something... Then fine, shopping tayo ng make-up." Sabi ni Katharine sa ama na talaga namang ikinatuwa ni Matthew. Napakasaya nya ngayong araw na ito. Unang beses nya pa lamang nakakasama ang kanyang anak pero para bang walang bago sa ginagawa nila ngayon. Parang ayaw nyang mawala ang ganitong klaseng pakiramdam.
Pumasok ang mag ama sa Mac Cosmetics. Nung una ay nahihiya pa si Katharine dahil kung bibilin nya ang lahat ng gusto nya ay baka abutin ng higit P50,000.00 ang gastusin ng kanyang ama. Kaya't pinigilan nya ang kanyang sarili at pumili lamang ng dalawang lipstick, isang liquid foundation, pressed powder, mascarra at brow palette. Handa ng pabayaran ni Katharine ang kanyang ama ngunit nakita nitong kumuwa ng dalawa pang lipstick si Matthew. Isang may pagka dark red at isa namang may pagka pale na pink lipstick. Kinalabit sya ng kanyang anak at tinanong bakit sya kumukuwa ng lipstick.
"Dad are you gay?" Tumatawang tanong ni Katharine sa kanyang ama. Ginulo ni Matthew ang buhok ng anak at umakbay dito.
"No, I was thinking baka bagay ito kay Gabby. Give this to her later okay." Sabi ni Matthew sabay ngumiti sa kanyang anak. Sigurado syang hindi ito tatanggapin ng kanyang ina kapag nalaman na galing kay Matthew ito.

Ngumiti na lamang si Katharine at niyaya ng kumain si Matthew. Kanina pa syang nagugutom talaga pero pinipigilan nya lamang magyaya dahil naexcite sya sa pagshopping nila ng kanyang daddy.

Pumasok sa restaurant ang dalawa, agad umorder si Katharine dahil pakiramdam nya'y binubutas na ang kanyang tyan sa gutom. Natatawa naman si Matthew dahil hindi man lamang nagsasalita ang kanyang anak kanina, gutom na pala ito.

"Anak, do you have a boyfriend?" Tanong ni Matthew sa anak. Tiningnan sya ni Katharine na para bang hindi alam ang isasagot. Kakagaling nya lamang sa relasyong nauwi sa hiwalayan. Hindi nya alam kung ikukwento nya ba ito o hindi. Ngumiti na lamang ito at sinabi sa amang wala syang boyfriend.
"Aba, ang tanga naman pala ng mga lalaki ngayon? Sa ganda mong iyan, wala kang mahanap na manliligaw sayo?" Inis sa kanya ng kanyang ama. Tuwang tuwa si Matthew kapag iniinis nya si Katharine dahil kuwang kuwa nito ang mga expressions ni Gabby. Naaalala nya lahat ng tungkol kay Gabby kapag nakikita nya ang pagkakapareho ng mag ina.
"Dad it's alright. I'm too young anyway. I'm only 21. Makakahanap din ako. Don't worry." Mabilis na sabi ni Katharine dahil hindi talaga sya kumportableng pinaguusapan ang kanyang buhay pagibig.
"I'm not worried anak. Masaya nga ako't wala ka pang boyfriend." Maikling sabi ni Matthew. Nagdadalawang isip talaga sya kung itatanong nya ba ang tungkol kay Gabby at ang kanyang boyfriend. Ayaw naman ni Matthew na isipin ni Katharine na umaasa pa rin sya kay Gabby.
"Me too. I'm trying to be happy by myself." Sabi ni Katharine na para bang proud na proud sya sa kanyang sarili. Ngumiti lamang si Matthew. Hindi nya napigilan ang sariling magtanong...
"So... Si Gabby matagal nya ng boyfriend si Peter?" Tanong ni Matthew na para bang nagsisisi sya sa kanyang sinabi. Bakit ba hindi nya mapigilan ang kanyang sarili. Ilang taon ang lumipas nang natiis nyang wala si Gabby sa kanyang buhay. Bakit ginagawa nya nanamang kumplikado ang lahat ngayon.
"Uhm. I'm not sure kung matagal. I'd say mga 1 year na silang magboyfriend-girlfriend. I'm really not sure. Di naman open si mommy before sa love life nya e. Last year nya lang inintroduce si tito Peter so I'd assume mas matagal na sila ng one year." Sagot ni Katharine. Masaya sya sa pagtatanong ng kanyang ama. Para bang nararamdaman nyang gusto pa rin nito ang kanyang ina. Mukhang may pag asa pang matupad ang kanyang pangarap.
"Ah. Matagal na din pala." Sabi nito kay Katharine habang umiinom ito ng juice.
Nguniti at tumango lamang si Katharine. Pagkatapos nilang kumain ay nagyaya manuod ng sine ang kanyang ama pero sinabi ni Katharine na next time na lang dahil may pasok nga sya bukas. Hinatid ni Matthew ang kanyang anak sa bahay, umaasang nakauwi na si Gabby para magkita silang muli ngunit wala pa ito nang dumating sila.

"I had so much fun, anak. Can we do this again tomorrow?" Tanong ni Matthew.
"Ofcourse! My out tomorrow's 6, dad. You can pick me up by then." Masayang sagot si Katharine. Hindi sya makapag hintay na makasama muli ang kanyang ama.
"Anak I have to meet my parents tomorrow, okay lang ba na sunduin kita ng 7 to 7:30?" Tanong nito sa anak. Gusto man nyang dumating agad bago umuwi ang anak ay kinakailangan nyang kitain ang ama at ina sa kanilang bahay bukas. Naintindihan naman sya ni Katharine kaya't pumayag na rin ito. Nagpaalam na si Matthew at tuluyan ng umuwi.

Until It Beats No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon