Kumakain sila Matthew at Gabby sa Tuscano, isang Italian restaurant na paborito nilang pareho. Dito sila palaging kumakain noong magkasintahan pa silang dalawa. Umorder si Matthew ng isang malaking pepperoni pizza dahil ito ang paborito ni Gabby. Habang naghihintay sila ng pagkain ay napakatahimik nilang dalawa. Nagkakatinginan silang dalawa dahil pareho silang naghihintayan ng kung sino ang unang magsasalita. Nang mahuli ni Gabby ang tingin ni Matthew ay ngumiti ito ng napakaganda, sinuklian naman ni Matthew ito ng malaking ngiti.
"Gano na kayo katagal ni Philip?" Seryosong tanong ni Matthew. Napatawa si Gabby ng malakas. Kinuha nito ang juice sa kanyang harapan at ininom ito.
"Hindi ko boyfriend si Philip." Natatawang sabi nito. Nagulat si Matthew sa sinabi ni Gabby.
"But Katharine said you're with him." Nagtatakang sabi nito ulit.
"Oh! You're talking about Peter. He's my boyfriend." Natatawang sagot na lamang ni Gabby.
"Peter. Not Philip." Maikling sabi ni Matthew. Hindi nya maintindihan ang kanyang sarili. Bakit nya pa kailangan itanong ito kay Gabby. Kahit anong sagot nito sa kanya, sigurado syang masasaktan lamang sya.
"Yup. We've been together for six years." Mahinang sagot ni Gabby. Biglang nahiya sya sa kanilang pinaguusapan.
"Six years. Wow." Manghang sagot ni Matthew. Hindi sya makapaniwala na mayroong relasyon si Gabby ng ganuong katagal habang sya ay wala pa ring nahahanap na mamahalin nya ng lubos kagaya ng pagmamahal nya kay Gabby.
"Yeah. Ikaw may girlfriend ka ba?" Kinakabahang tanong ni Gabby. Sigurado syang mayroon na itong kasintahan. Sa itsura ba naman nito, napakabait at talaga namang nakakatawa pa sya.
"Wala." Nakangiting sabi ni Matthew. Parang bigla syang nakaramdam ng awa sa sarili nya. Pwede naman syang makahanap ng ibang mamahalin, sa totoo lang madami naman talagang nagkakagusto sakanya pero mayroon syang hinahanap na hindi nya makuwa sa mga babaeng nakakasalimuha nya. Kung ano man yong hinahanap nya, mukhang mamamatay na lamang sya ng hindi ito nahahanap.
"Pa-date date ka na lang, ganon?" Pang iinis na sabi ni Gabby.
"Not really. I am just focused in my work, I guess." Seryosong sagot nito. Hindi nya alam kung bakit hindi na lang sya sumang ayon sa sinabi ni Gabby para hindi sya mukhang kawawa.
Tumango lamang si Gabby sa kanya dahil hindi alam nito ang kanyang sasabihin. Dumating na ang mga pagkain na inorder nila. Agad hinati ni Gabby ang pizza. Kada kasi kumakain sila ni Matthew sa Tuscano noong magkasintahan pa lamang sila ay gustong gusto nya na hinahati ito para kay Matthew. Tatlong slice sa kanya at lima naman para kay Matthew. Nangiti ng malaki ang lalaki nang makita nya ang ginawa ni Gabby. Mukhang naaalala nya pa ang mga date nila dati dito.
"What brings you home pala." Tanong ni Gabby habang kumakain ito.
"My dad's very sick. I don't think I'll ever forgive myself kung hindi ko sya makasama this time." Sabi ni Matthew. Naramdaman ni Gabby ang lungkot sa boses nito. Hindi maganda ang relasyon ni Gabby sa magulang ni Matthew pero awa ang naramdaman nito nang malaman nyang mahina na nga ang katawan ng ama ni Matthew.
"Be sure to send my greetings. Dad mo pa ba? Kayang kaya nya yan." Nakangiting sabi ni Gabby. Nagpasalamat lamang si Matthew sa kanya. Pagkatapos ng lahat ng pangyayari sa pamilya nya at pamilya ni Gabby ay natutuwa naman sya na gusto nya pang iparating sa kanyang ama ang pangangamusta ni Gabby.
Biglang tumunog ang telepono ni Gabby. Pagtingin nito ay tumatawag si Katharine sa kanya. Agad nitong sinagot ang telepono.
"Where are you?" Pagmamadaling tanong ni Katharine sa ina.
"We're in Tuscano. Where are you?" Nagtatakang tanong ni Gabby. Lagpas 9pm na, napakabilis ng oras at hindi nya namalayan ito.
"Cool! I'm driving, I'm in the Fort din, mommy. I will be there in ten minutes. See you!" Masayang sabi ni Katharine. Hindi man lamang nasabi ni Gabby na kasama nya ngayon si Matthew. Baka magtitili sa tuwa ang anak pag nakitang magkasama silang pareho ni Matthew.
"Katharine's on her way here." Nakangiting sabi ni Gabby.
"That's great! I was really sad kala ko di na tuloy yung pagkikita namin but either way super okay naman. Atleast we got to bond tonight diba." Tumatawang sabi ni Matthew.
Kung ano ano na ang napagusapan ng dalawa. Nagtanungan sila tungkol sa kanya kanyang trabaho. Naitanong na rin nilang pareho kung ano ang ginagawa nilang recreational activities lately. Nagtatawanan sila ng biglang pumasok sa restaurant si Katharine. Gulat na gulat ito nang makita ang kanyang mga magulang na kumakain pareho, nagtatawanan pa ng malakas. Naglakad ito patungo sa table ng dalawa, ni hindi man lang sya napansin ng mga ito. Nagkunwaring umuubo ito para maramdaman ni Matthew at Gabby ang kanyang presensya. Tumayo si Matthew upang halikan ang anak, bumeso naman si Katharine sa kanyang ina habang nakaupo ito.
"Mom, I thought you were with tito Peter." Nagtatakang tanong nito. Gusto nyang maging masaya na magkasama ang kanyang mga magulang pero pinipigilan nya ang kanyang sarili dahil alam nyang inlove na inlove si Gabby kay Peter at masasaktan lamang sya kapag ipinagpatuloy nya ang kanyang pag asa.
"Peter is really busy, anak." Hindi pa naikukwento ni Gabby kay Katharine ang tungkol sa promotion ni Peter. Gusto nya ng sabihin ngayon pero nakakahiya namang i bring up pa ito sa harap ni Matthew.
"Yeah I saw on facebook. CEO na pala sya mommy." Masayang bati ni Katharine. Ngumiti lamang ito sa anak dahil ayaw nya talagang pagusapan ang tungkol kay Peter ngayon. Nananatiling nakaupo lamang at hindi nagsasalita si Matthew sa kanyang upuan. Halatang hindi sya kumportable sa topic ng mag ina.
"Do you wanna eat?" Tanong ni Matthew sa kanyang anak.
"No dad I've eaten already." Maikling sagot ni Katharine.
"Well then, let's go. It's getting really late. Baka malate ka nanaman ng gising bukas." Natatawang sabi ni Gabby. Tiningnan lamang sya ni Katharine ng masama.
"I guess I'll just drive home alone." Sarkastikong sabi ni Katharine. Tinitingnan nya lamang kung sabay pa rin uuwi si Gabby sa kanyang ama o sakanya ito sasabay.
"I'll drive. Pagpahingahin mo na si Matthew." Natatawang sabi na lamang ni Gabby. Sobrang okay ang paguusap nilang dalawa kanina ngunit nang dumating ang kanyang anak ay lahat naging awkward na.
"You know what, since hindi ko pa sya nakakausap all day, I'll just drive her home." Nakangiting sabi ni Matthew. Gusto nya pang makasama si Gabby kaya't naisip nya na kapag hinatid nya pauwi ang anak ay sigurado syang iimbitahan pa sya nito sa kanilang bahay.
"That's not necessary. Okay lang talaga we'll just drive home together. You can go out naman tomorrow, diba anak?" Tanong ni Gabby kay Katharine. Hindi nya alam ang kanyang isasagot dahil gusto nya pang makausap ang kanyang ama ngunit baka nga naman mapagod pa ito at mas praktikal nga kung sumabay ito sa kanyang ina dahil pareho lamang ang kanilang uuwian.
"Yeah dad. Let's just go out tomorrow." Sinabini Katharine sa kanyang ama. Isa pa, napapagod na rin ito at gusto nya na ring magpahinga na.
Sabay sabay silang tatlo na lumabas ng restaurant. Hinatid na lamang ni Matthew ang kanyang mag ina sa paradahan ng kotse at saka ito tumuloy sa sarili nyang sasakyan upang umuwi.
BINABASA MO ANG
Until It Beats No More
FanfictionCast: Gabby Javier - Regine Velasquez Matthew Trinidad - Aga Muhlach Katharine Javier - Sarah Geronimo Peter Maske - Ariel Rivera Jess Aguilar - Gerald Anderson Russel - Sweet Lapus Amelya - Celia Rodriguez Rodolpo - Eddie Garcia