Chapter 23

590 9 16
                                    

Pagbaba ni Gabby ay nakita nyang nakahilata ang kanyang anak sa kanilang sala. Nanunuod ito ng telebisyon at kumakain ng chichirya.

"Namahinga ka yata sa bahay ngayon. Wala kang lakad?" Tanong ni Gabby sa kanyang anak.

"Wala. Bakit gusto mo umalis ako?"

"Just wondering." Sagot ni Gabby. Tinapik nito ang mga paa ni Katharine at umupo sa tabi nito.

"I'm just really tired. Gusto ko magpahinga for the whole weekend." Sabi ni Katharine sa kanyang ina. Ngumiti si Gabby dahil matagal na silang hindi nakakapag bonding ng kanyang anak at gusto nyang makasama ito ng isang buong araw.

"Di ka niyaya ng boyfriend mo?" Tanong ni Gabby sa anak.

"I don't have a boyfriend, mom." Mahinang sagot ni Katharine.

"I have a boyfriend." Natatawang sagot ni Gabby. Tiningnan sya ng masama ni Katharine at sinipa ng mahina sa kanyang binti.

"I know. Wala ka na ngang time for me e. Hindi ka ba nagsasawa sa mukha ni dad? Araw araw kayo magkasama."

"Hindi naman araw araw." Sigaw ni Gabby.

"OA ka naman maka react jan." Natatawang sagot ni Katharine. Ibinaling na lamang ni Gabby ang kanyang tingin sa pinapanuod ni Katharine at napangiti ito dahil isa ito sa kanyang mga paboritong pelikula.

"Oh my goodness! When Harry Met Sally! I love this movie." Nakangiting sabi ni Gabby.

"Rom-Com junkie." Maikling sagot ni Katharine.

"Let's order pizza and watch movies all day... You like?"

"Okay. Do you wanna ask dad to come over?" Tanong ni Katharine sa ina.

"Kakasabi mo lang na nagsasawa ka na sa mukha nya e. Besides, namiss talaga kita anak. Let's spend the day together."

"I was just kidding. Invite mo na si dad."

Tumayo si Gabby upang kuhanin ang kanyang telepono. Ngumiti ng malaki si Katharine kaya't natawa ang kanyang ina.

"I'm ordering food. Anong nginingiti ngiti mo jan?" Natatawang sabi pa rin ni Gabby. Ngiti lamang ang isinagot ni Katharine at nagpatuloy ito sa pag nuod sa kanilang telebisyon. Nagulat ito nang marinig nya ang pagtunog ng kanilang doorbell. Excited itong tumayo at tumakbo papunta sa kanilang pintuan. Pagbukas nito ng pinto ay nagulat ito dahil hindi nya inaasahang makita ang tao sa kanyang harapan ngayon.

"Where's your mom?" Malakas na sabi ni Amelya.

"Hi grandma. She's in the kitchen." Sagot ni Katharine. Naglakad sya papunta sa kanyang ina. Sumusunod sa kanya si Amelya at kahit na nasa likod nya ito ay nararamdaman nya ang paginis ng kanyang lola.

"Mom." Sabi ni Katharine. Sinenyasan nito ang kanyang ina na para bang may parating na lindol. Nakanuot lamang ang noo ni Gabby dahil hindi nya maintindihan ang kanyang anak. Pagtingin nito sa likod ni Katharine ay nagulat ito sa presensya ng kanyang ina.

"Mom!!" Gulat na sabi ni Gabby sa kanyang ina.

"I need to talk to you." Sagot ni Amelya. Tumitingin tingin ito sa paligid ng bahay ng kanyang anak. Makikita mo sa kanyang mukha ang pagka disappoint nito dahil sa dumi ng bahay ng kanyang anak at apo.

"Now?"

"Yes."

"Mom, Katharine and I are actually going out. Mag aayos na lang kami and then we're off. Can we talk some other time na lang?" Natatarantang sabi ni Gabby.

"No. This cannot wait." Maikling sagot ni Amelya. Tiningnan nito ang kanyang apo at inirapan ito.

Sumenyas si Gabby sa kanyang ina upang magtungo sila sa kanilang sala. Umupo si Amelya sa sofa at hinintay umupo sa kanyang harapan ang kanyang anak. Nakatayo lamang si Gabby dahil hindi nito alam ang kanyang gagawin ngunit sinenyasan sya ni Amelya na umupo.

Until It Beats No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon