Chapter 14

534 12 2
                                    

Naghihintay si Katharine sa kanilang sala ng tumunog ang doorbell ng kanilang bahay. Tumayo ito upang buksan ang pinto. Nang nakita nya ang kanyang ama ay agad nitong hinalikan sa pisngi.

"Mom's taking too long to prepare." Inis na sabi ni Katharine.

"Well... You know her." Natatawang sabi na lamang ni Matthew. Sumimangot si Katharine dahil katulad ng kanyang ina ay ayaw na ayaw nya rin ng naghihintay. Sumigaw ito upang tawagin ang kanyang ina ngunit wala syang narinig na sagot. Aakyatin nya sana si Gabby sa kanyang kwarto ngunit narinig nila ang malakas na pagbaba nito ng hagdanan.

"Ano ka ba naman? Hindi ka ba marunong maghintay?!" Galit na sabi ni Gabby.

"I got it from you!!!" Inis na sabi din ni Katharine. Tawa ng tawa si Matthew dahil naisip nya na ganito sila siguro palagi. Tiningnan ni Gabby at ni Katharine ng masama si Matthew dahil sa lakas ng tawa nito.

"Anong nakakatawa?!" Masungit na sabi ni Gabby. Ngumiti lamang si Matthew dahil masaya sya sa kanyang nakikita.

Dumiretso palabas ng bahay ang tatlo. Paglabas nila ng bahay ay nagpahuli ng lakad si Gabby dahil ayaw nyang sumakay sa harap ng kotse ni Matthew. Naunang naglakad ang mag ama ngunit umupo agad sa likod si Katharine. Nagmadali si Gabby upang tabihan ang anak ngunit agad nilock ni Katharine ang pinto. Ibinaba nito ang bintana at nginitian ang ina.

"Dad's doing us a favor. Wag mo naman syang pagmukhaing driver. Dun ka umupo sa harap." Mahinang sabi ni Katharine. Hindi na nito hinintay na makapagsalita si Gabby dahil isinara agad nito ang bintana ng kotse.

Naglakad papunta sa harap ng kotse si Gabby. Pagupo nito ay tumingin sya kay Matthew. Hindi nya alam kung bakit ngunit parang napakanormal lamang ng mga nangyayari. Mayroon syang konting alinlangan pero pakiramdam nya ay dapat dati pa sana silang ganito ng kanyang pamilya.

Malapit na sa bahay nila Amelya at Rodolpo ang tatlo nang biglang tumunog ang telepono ni Gabby. Agad nitong sinagot ang tawag dahil si Peter ang tumatawag.

"Honey. I miss you." Mabilis na sagot ni Gabby pagpindot pa lamang nito ng kanyang telepono. Hindi maiwasan ni Matthew ba tingnan ang dating kasintahan at hindi rin mapigilan ni Katharine na tingnan ang kanyang ama. Natutuwa ito dahil halatang nagseselos si Matthew pero naaawa rin ito dahil alam nyang hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin ng kanyang ama si Gabby.

"We're almost here!" Malakas na sabi ni Matthew. Napatingin sa kanya si Gabby at nilakihan ito ng mata.

"Yeah. Matthew's with us right now." Maikling sabi ni Gabby.

Itinigil ni Matthew ang sasakyan sa harap ng bahay nila Amelya at Rodolpo.

"Mom let's go!" Malakas na sabi ni Katharine.

"Honey I have to go. Do you still have time later? I'll call you okay? Goodbye. I love you honey." Hinintay lamang ni Gabby ang sagot ni Peter bago nya ibinaba ang telepono. Tumingin ito ng masama kay Katharine.

"Hindi ka ba makapaghintay? Alam mo naman na ang tagal na namin hindi nakakapagusap e." Malakas na sabi ni Gabby habang pababa ito ng sasakyan. Tiningnan nito ng masama si Katharine at nang hindi ito sumagot ay dumiretso si Gabby sa harap ng pinto ng kanyang mga magulang. Pinindot nito ang doorbell at wala pang isang minuto ay binuksan agad ni Amelya ang pintuan.

"You're late." Kaswal na sabi ni Amelya.

Hindi sumagot si Gabby. Dumiretso ito sa sala ng bahay at umupo sa sofa. Tumabi ito sa kanyang ama na nagbabasa ng dyaryo.

"Gabby. Kakadating nyo lang? What drink would you like?" Sabi ni Rodolpo. Hindi nito inalis ang kanyang tingin sa dyaryo ngunit halatang naghihintay sa sagot ng kanyang anak.

Until It Beats No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon