Chapter 11

532 6 0
                                    

"Mom?" Nagaalalang sabi nito ngunit ang kanyang mga mata ay nakakatitig sa kanyang ama. Lumapit ito kay Gabby upang umupo sa tabi nito nang nakita nya ang kanilang telebisyon. Pamilyar sya sa kantang pinapatugtog habang ipinapalabas ang closing credits ng pelikula. Tumayo ito at hinarap ang kanyang ina.

"Mom! You're watching this again? Pang eight hundred seventy five times mo na napapanuod to pero humahagulgol ka pa din sa pagiyak?" Kaswal na sabi ni Katharine. Alam na alam nya ang pelikulang ito dahil paborito talaga ito ng kanyang ina.

"Akala ko pang limang libong beses nya nang napanuod yan." Natatawang sabi ni Matthew. Lumapit ito sa mag ina at nginitian ang kanyang anak. Bumalik sa pagkakaupo sa tabi ni Gabby si Katharine at inakbayan ang kanyang ina.

"Mummy, kahit na ilang beses mo panuorin yan, hindi iiwan ni Hubble yung bago nyang asawa. Ano ka ba naman." Seryosong sabi ni Katharine. Nagulat sya ng bigla syang batukan ng kanyang ina.

"Ano ba naman?" Pasigaw na sabi ni Katharine.

"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kami tawag ng tawag sayo ha? Ano? Nakalimutan mong may magulang ka? Kung umuwi ka kaagad hindi ako iiyak iyak dito para manuod ng The Way We Were!" Pasigaw na sabi ni Gabby. Biglang bumalik sa isip nya na galit nga pala sya sa kanyang anak dahil masyado ng gabi ito umuwi. Hindi pa nagpaalam sa kanya ito. Napakamot na lamang si Katharine sa kanyang ulo dahil hindi nya alam ang kanyang sasabihin. Hindi naman sya pinapagalitan ng kanyang ina kapag nalalaman nito na mayroon syang date pero sa ngayon ay hindi talaga sya kumportable na sabihin sa kanyang ina ang buhay pag ibig nya.

"Eh ano e. Naipit ako... Sa... Ano kasi yung thesis namin kailangan namin tapusin tonight." Natatarantang sabi ni Katharine. Tiningnan sya ng masama ng kanyang ina. Alam nya sa kanyang sarili na kahit na gano sya kagaling magpalusot, hindi sya uubra sa kanyang ina kailanman.

"Talaga?" Maikling sabi ni Gabby habang nakataas ang kanan nyang kilay.

"Oo, mommy. Matutulog na ko ha? Maaga pa ko bukas e." Biglang tumayo si Katharine upang halikan sa pisngi ang kanyang ama. Hinalikan nya rin ang kanyang ina at dali daling dumeretso sa kanyang kwarto.

Naiwang magkasama si Gabby at Matthew sa sala at dahan dahan bumalik sa kanilang isip ang kanilang napagusapan bago dumating si Katharine. Uupo sana si Matthew sa tabi ni Gabby ngunit bigla itong tumayo.

"Matthew, gabi na. Umuwi ka na." Malamig na sabi ni Gabby. Nagsisisi syang sinabi nya ang kanyang nararamdaman. Matagal nya ng itinago ang lahat ng ito sa kanyang dibdib, bakit kailangan nya pang banggitin lahat iyo kay Matthew? Tiningnan lamang ni Matthew ang dating kasintahan at ngumiti. Gusto nya pang magtagal sa kanilang bahay ngunit alam nyang wala ding patutunguhan kung pakikiusapan nya si Gabby. Lumapit ito at hinalikan sa pisngi si Gabby.

"Thank you for tonight. I had fun, even though it was cut short." Nakangiting sabi ni Matthew. Hindi na sumagot si Gabby, sinuklian nya na lamang ng malaking ngiti si Matthew. Hinatid nya ito sa labas ng kanilang bahay, hinintay nyang makaalis ang sasakyang dala ni Matthew bago sya pumasok.

Paakyat na sana ng kanyang kwarto si Gabby ngunit bigla nyang naisip na puntahan ang kanyang anak. Hindi na ito kumatok, dirediretao ito sa pagpasok. Hindi pa natutulog si Katharine. Halatang may kausap ito sa kanyang kompyuter dahil napakalaki ng ngiti nito sa kanyang labi.

"Sino naman yang kausap mo?" Nangiinis na sabi Gabby. Nagulat si Katharine kaya't bigla nyang nasara ng malakas ang kanyang laptop.

"You're going to kill me!" Malakas na sabi ni Katharine. Nakahawak ito sa kanyang dibdib upang ipakita sa kanyang ina na talagang nagulat ito sa pagpasok sa kanyang kwarto.

"O, e bakit mo isinara yung laptop mo?" Mataray na sagot ni Gabby.

"Mom. Can I ask you something?" Seryosong sagot ni Katharine. Itinabi nya ang kanyang kompyuter sa lamesa sa kanyang kwarto at lumapit sa kanyang ina.

Until It Beats No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon