Chapter 24

589 15 4
                                    

Lumabas si Gabby sa kanyang kwarto eksaktong alas otso ng gabi. May usapan sila ni Matthew na magkikita sila ngayong gabi. Naghanda ng mabuti si Gabby dahil excited itong makita ang kanyang kasintahan. Pagbaba nito ay nakita nyang naguusap ang kanyang mag ama sa kanilang sala. Dumiretso ito kay Matthew upang halikan ito sa kanyang labi. Nginitian sya ng kanyang boyfriend ngunit hindi ito tumigil sa pakikipag usap sa kanyang anak. Tumayo si Gabby upang yayain na si Matthew na umalis dahil nagugutom na ito ngunit itinaas ni Katharine ang kanyang kamay upang senyasan ang ina na mamaya nya na yayain ang kanyang ama.

"Puputulin ko yang kamay mo, Katharine. Kanina pa ko nagugutom. Mamaya na kayo magusap please." Nagmamadaling sabi ni Gabby. Hinihila na nito ang braso ni Matthew ngunit hindi pa rin gumagalaw ang lalaki palabas ng kanilang bahay.

"Mom, you're acting like a child. We're talking!" Malakas na sagot ni Katharine.

"Gabby, five more minutes. Umupo ka muna dito." Sabi ni Matthew. Umupo si Gabby at sumimangot na parang bata na naiinip sa paghihintay. Naguusap ang mag ama tungkol sa bagong season ng NBA. Nagtatalo ang dalawa dahil magkaiba ang kanilang sinusuportahan na basketball team.

"Dad, I understand that you like them pero wala na si Lebron dun, I bet you a hundred thousand na hindi na sila makakapasok sa finals." Mayabang na sabi ni Katharine.

"Lebron is a good player but Heat is a great team. I bet you my two fingers na pwedeng makapasok ang Spurs sa finals but they will not win." Mayabang na sagot din ni Matthew. Huminga ng malalim si Gabby at sumimangot muli. Tumayo ito ngunit hinila ni Matthew ang kanyang kamay.

"Kukuwa lang ako ng tinapay. Gutom na gutom na ko e. Pwede ba? Ha?" Sarkastikong sabi ni Gabby na ikinatawa ni Matthew. Tumayo na rin ito at inakbayan si Gabby.

"Anak, we'll go ahead na. Your mom turns into a diva when she's hungry."

"Yeah and she becomes really rude when you ask her to wait for ten seconds." Natatawang sabi ni Katharine. Inirapan sya ni Gabby at sinenyasan na susuntukin nya ito. Dinilaan sya ni Katharine. Guguluhin sana nito ang buhok ng anak ngunit hinila na sya palabas ni Matthew.

"Bye anak." Sabi ni Matthew habang hinihila nya palabas si Gabby.

"Bye Matilda." Natatawang sabi nya sa kanyang ina. Babalikan nya sana muli si Katharine ngunit hinila sya muli palabas ni Matthew.

Habang palabas sila ay tawa ng tawa si Matthew dahil sa ipinakitang ugali ni Gabby.

"Anong nakakatawa?" Tanong ni Gabby habang nakatitig ito sa mga mata ni Matthew. Binuksan nito ang pintuan ng kotse upang makapasok si Gabby. Inalalayan nya ito upang makaupo ng maayos sa passenger's seat at agad umikot papunta sa kanyang upuan.

"Nakakatuwa lang kayong mag ina. Para kayong magkapatid lang." Nakangiting sabi ni Matthew. Tiningnan nito si Gabby at nakita nyang namumuo rin ang ngiti sa labi nito. Hinalikan nya ito sa labi at niyakap ng mahigpit.

"Baba mamaya ka na mag sweet sweetan. Gutom na gutom na kasi talaga ako e." Nakasimangot na sabi na ni Gabby. Tumawa na lamang si Matthew at nagdrive na papunta sa kanilang kakainan.

-----

Habang naghihintay ng kanilang pagkain ang dalawa ay pilit na pinapatawa ni Matthew si Gabby dahil sumisimangot na ito dahil sa pagkagutom. Hinahalikan nito ang kamay ng kanyang nobya ngunit hindi sya nito pinapansin.

"Kasi naman baba dapat pinabayaan mo na kong kumuha ng tinapay kanina." Naiinis na sabi ni Gabby.

"The food will be here in five minutes. Tell me about your week."

"I have bad news but I promise to get you out of it." Seryosong sabi ni Gabby. Napatingin lamang sa kanyang mga mata si Matthew at naghintay na sabihin nya ang kanyang masamang balita.

"Mom's asking you to join us for Friday night dinner next week." Sabi ni Gabby habang nakanuot ang noo nito.

"That's your bad news?" Seryosong tanong ni Matthew. Nag alala ito dahil akala nya ay may napakasamang balita si Gabby na makakasira ng kanilang relasyon.

"Yes. Do you think that's a good news?"

"It's not a good news, but it's really not a bad news, baba. They're your parents. I kind of figured out na kailangan ko silang makausap ulit especially now that we're back together. It's really okay. Tell them I'll be there." Sabi ni Matthew.

"No, no, no. It's okay. Katharine and I will get you out of the dinner." Malakas na sabi ni Gabby. Winawagayway pa nito ang kanyang mga kamay.

"Gabby. Call your mother and tell her I'll be there. It comes with the territory. It gives me the chance to prove to them that I'm the right guy for you." Seryosong sagot ni Matthew. Magsasalita pa sana si Gabby at magpoprotesta sa nobyo ngunit pinigilan sya ni Matthew at tinakpan ang kanyang bibig.

"Call your mom." Utos ni Matthew kay Gabby.

"I will call her tomorrow." Nakasimangot na sagot ni Gabby.

Dumating na ang kanilang pagkain at agad agad kumuha si Gabby at naglagay sa kanyang plato. Napakabilis nitong kumain at halatang hindi pa ito nakakakain ngayong araw na ito. Nakatingin lamang sa kanya si Matthew kaya't napatigil si Gabby sa pagnguya.

"Baba stop it."

"Bakit kasi hindi ka kumain ngayong araw." Seryosong tanong ni Matthew.

"I told you nakatulog ako the entire day." Sagot ni Gabby habang ngumunguya ito ng pagkain.

Ngumiti na lamang si Matthew at kinain ang kanyang pagkain.

-----

Tumawag si Gabby sa kanyang ina habang pauwi na sila ni Matthew. Wala pang dalawang ring ay sinagot agad ito ni Amelya.

"Yes, Gabby?" Sagot ng kanyang ina. Umirap na lamang si Gabby.

"Matthew will join us on Friday." Kalmadong sabi ni Gabby.

"Good. I'll see both of you on Friday."

"Bye." Maikling sagot ni Gabby.

"Don't be late." Pahabol na sabi ni Amelya. Hindi na sumagot si Gabby at agad ibinaba ang kanyang telepono.

"I can't believe how horrible my mom is." Inis na sabi ni Gabby kay Matthew.

"She's just looking out for you." Mahinang sagot ni Matthew.

"You don't have to be there on Friday. She's just going to be rude to you." Nagaalalang sabi ni Gabby.

"I don't really have a choice. Mas lalo lang silang magagalit kung hindi ako pupunta diba?" Sabi ni Matthew kay Gabby.

"Can you promise me something?" Tanong ni Gabby habang nakatingin ito kay Matthew.

"Anything."

"Whatever happens on Friday, promise me you will never leave me, okay?" Sabi ni Gabby kay Matthew. Inihinto ng lalaki ang kotse sa tabi ng kalsada at tiningnan sa mga mata si Gabby. Hinawakan nito ang mga kamay ng kanyang nobya at hinalikan ito ng madiin sa kanyang labi.

"Kahit na balatan nila ako at pagulungin ako sa asin. Kahit na tusukin nila ng injection ang pusod ko. Kahit na kuryentehin nila ako. Kahit anong gawin nila, I will never leave you." Tuluy-tuloy na sabi ni Matthew. Napangiti na lamang si Gabby kaya't ipinatong nya ang kanyang ulo sa balikat ni Matthew. Pinaandar nitong muli ang sasakyan ng may malaking ngiti sa kanyang mukha.

Until It Beats No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon