Papasok si Katharine sa susunod nyang klase ng bigla syang tawagin ni Jess. Tumakbo ito papunta kay Katharine na mayroong malaking ngiti sa kanyang mukha.
"Ms. Ansong is looking for you." Halatang sabik si Jess na marinig ang isasagot ni Katharine sa kanya. Tumingin lamang ito sa lalaki na para bang nagtataka, bakit naman sya ipapatawag? Nagawan na kaya ito ng paraan ni Jess? Makakakuwa kaya sya ng make up quiz?
"Why?" Maikling sagot lamang nito.
"Come on! She's waiting." Pagpupumilit ni Jess sakanya.
"I have another class! I don't wanna be late again." Sabi nito kay Jess. Alam nyang meron pa syang sampung minuto bago magsimula ang susunod nyang klase pero kinakabahan sya at natutuwa dahil mukang makakakuwa sya ng exam pero kung ganuon nga ang mangyayari mukhang kailangan nyang lumabas kasama ang mayabang na damokong na ito.
"Okay. If you don't want to take the make-up q..."
"Tara na." Pagputol ni Katharine kay Jess. Ayaw nya ng maginarte dahil kailangan nya ding isipin ang kanyang grado.
----
Lagpas 7:30 na ng gabi ngunit wala pa rin sa Katharine sa opisina ng kanyang ina. Naiwan nyang naka do not disturb ang kanyang telepono kaya't hindi nagriring ang kanyang phone nang tumatawag si Gabby. Halos lagpas sampung beses ng tumawag ito sa anak ngunit hindi talaga ito sumasagot hangga't nakita nya na lang na nagriring ang kanyang phone.
"You better be on your way over here." Mataray na sabi ni Gabby. Ang pinaka ayaw nya sa lahat ay ang pinaghihintay sya. Pagurin mo na sya ng todo todo, hindi magrereklamo ito pero paghintayin mo ng limang minuto ay nanggagalaiti na ito sa galit.
"Mom I can't go but I sent someone to drive you home. I can't explain right now but I'll tell you everything later. Okay?" Mahabang sabi ni Katharine. Halatang natatakot sya sa kanyang ina habang nakikipagusap ito.
"You should have told me right away Katharine! Dapat sinabihan ko na lang si Peter na sunduin ako. I can't believe you." Naiiritang sabi nito. Tumingin ito sa labas at nakita ang Jeep Wrangler na tumigil sa harap. Ibinaba ng may ari ang bintana ng kotse at gulat na gulat si Gabby ng nakita nyang nasa labas ng kanyang opisina si Matthew.
"You have got to be kidding me." Hindi makapaniwalanang sabi ni Gabby sa anak.
"Mom I'm sorry. I promise I'll tell you everything tonight!!" Nagmamadaling sabi ni Katharine at tuluyan nitong ibinaba ang telepono dahil alam nyang sisigawan sya ng kanyang nanay.
Bumaba ng sasakyan si Matthew at binati ng may malaking ngiti si Gabby. Yayakapin nya sana ito ngunit agad itinulak ni Gabby si Matthew palayo sa kanya.
"Mukhang hindi ka masaya na makita ako ah." Nangiinis na sabi ni Matthew sakanya. Napakalaki ng ngiti sa mukha nito, halatang itinatago nya ang kanyang pagkasabik na makasama si Gabby pero hindi nya mapigilan na magmukhang excited.
"Hindi mo na ko kailangan ihatid. Sige na umalis ka na." Pangiinis na sabi din ni Gabby. Halatang kinikilig sya ng kaunti kaya naman natuwa si Matthew. Mukhang may pag asa na makasama nya ngayong gabi si Gabby.
"Taxi ka na lang?" Sinabi ni Matthew habang pabalik ito sa kanyang kotse. Lumingon ito kay Gabby dahil akala nya ay susundan sya nito ngunit nanatili sya sa kanyang kinalalagyan. Bumalik si Matthew at tumawa ng malakas. Nangingiti din si Gabby ngunit pinipigilan nya na ipakita ito.
"Magjijeep ako. Bakit? May angal ka?" Makling sabi ni Gabby. Naisip nya, bakit ba sya nakikipag asaran dito kay Matthew, masyado na silang matanda para magpakipot pa sya. Isa pa, ihahatid lamang sya nito pauwi. What's the big deal.
"Wala." Natatawang sabi ni Matthew.
"Tara na nga."
Inalalayan ni Matthew si Gabby sa pagsakay sa kanyang sasakyan. Inintay nyang makaupo ng maayos ang kanyang dating kasintahan bago ito bumalik sa driver's seat.
"Where do you wanna go?" Nakangiting tanong ni Matthew sa kanya. Hindi ito makatitig ng matagal kay Gabby dahil baka mabangga sila.
"Where do I wanna go? Seryoso ka ba? Ihahatid mo lang ako pauwi. Akala mo lalabas pa tayo? Lakas din ng tama mo e no." Seryosong sabi ni Gabby. Malaking bagay na para sakanya ang ihatid sya ni Matthew. Parang kahapon lamang ay hindi pa sya handang makita ang ama ng kanyang anak pero ngayon ay kasama nya pa sa sasakyan ng silang dalawa lamang. Dapat ay galit sya at hindi nya pinapakitaan ng kabaitan si Matthew pero hindi nya maialis sa sarili nya na matuwa kahit kaunti. Lahat ng nagawa nitong kasalanan noon ay nakalimutan nya nang makita itong muli.
"I'm really hungry. Dapat kakain kami ni Katharine kaya hindi ako kumain maghapon. Excited pa naman ako, tapos ikaw lang pala makakasama ko." Natatawang sabi ni Matthew. Pabiro nyang sinabi ito at kahit na ang mga salitang iyon ang lumabas sa kanyang bibig ay maganda pa rin itong pakinggan dahil maski si Gabby ay alam ang nararamdaman ni Matthew. Halatang masaya sya sa pagsasama nilang muli.
"Ah ganon?!" Natatawang sabi ni Gabby.
"Mahilig ka pa din ba sa pizza?" Seryosong tanong ni Matthew.
"Secret." Ilang na sabi ni Gabby.
Ngumiti lamang si Matthew dahil kahit na nararamdaman nyang okay na si Gabby sa kanya ngayon, mukhang ayaw talaga nito sumama sa kanya sa pagkain.
"Gabby. I really want to speak with you. Hindi yung ganito. Hindi yung joke time lang. I've been imagining this moment dati pa kaya lang na-ambush ako ni Katharine, ayoko naman na magpedicab ka pauwi." Sabi ni Matthew kay Gabby nang itinigil nito ang kanyang sasakyan. Tiningnan nya si Gabby at halatang iniiwas nito ang kanyang tingin kay Matthew. Mukhang naluluha sya pero pinipigilan nyang huwag matuluyan ang kanyang pag iyak dahil ayaw nyang isipin ni Matthew na hanggang ngayon ay hindi pa rin sya nakaka move on. Naka move on na sya, alam nya yun sa kanyang sarili pero hindi nya mapigilang maiyak dahil pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanila ay nandito si Matthew sa kanyang tabi at wala syang ibang nararamdaman kung hindi kasiyahan. Hindi nya alam kung kasiyahan ito na para sa kanyang anak o para sa kanya. Hindi ba dapat galit ang nararamdaman nya.
"Are you okay?" Nagaalalang sabi ni Matthew kay Gabby. Napakatagal na nilang magkakilala, alam nyang may nararamdaman si Gabby.
Ngumiti lamang ito at tiningnan si Matthew.
"I'm really happy that you're here. Lahat nabigay ko na kay Katharine and I know that she's a perfect kid pero nung dumating ka dun ko lang nakita na kumpleto na talaga sya. Wala ng kulang sa kanya and for me that's the only wish that I have. Yung maging masaya sya ng sobra, hindi yung palaging hinahanap nya yung kulang sa buhay nya.""You have no idea how much that means to me." Maikling sagot ni Matthew. Wala syang ibang masabi dahil ayaw nyang umiyak sa harap ni Gabby, at dahil kilalang kilala nya na ito, alam nyang hindi iyon palalagpasin ng dating girlfriend. Iinisin talaga sya nito.
"I still like pizza." Sabi ni Gabby, bigla itong tumingin sa bintana.
"Pizza it is, then." Nakangiting sabi ni Matthew.
BINABASA MO ANG
Until It Beats No More
FanficCast: Gabby Javier - Regine Velasquez Matthew Trinidad - Aga Muhlach Katharine Javier - Sarah Geronimo Peter Maske - Ariel Rivera Jess Aguilar - Gerald Anderson Russel - Sweet Lapus Amelya - Celia Rodriguez Rodolpo - Eddie Garcia