Chapter 9

564 11 4
                                    

"Hi!" Binati ni Jess si Katharine nang nakita nya itong naglalakad habang nagbabasa ng libro. Nagulat si Katharine kaya't napatalon sya at nahulog ang librong kanyang hawak. Pinulot ito ni Jess at iniabot sa kanya.

"Hi back. You scared me half to death." Maikling sabi ni Katharine.

"I'm sorry. Hindi ka kasi dapat nagbabasa habang naglalakad ka. Baka masagasaan ka." Natatawang sabi ni Jess.

"We're in school. Pano ko masasagasaan." Inis na sagot ni Katharine.

"I really had fun with you last night. You think we could go out again sometime?" Pacharming na tanong ni Jess.

"Where are we going next?" Nakangiting tanong na lamang ni Katharine.

"Wherever you want! After class later?" Seryosong tanong ni Jess.

"Okay." Maikling sagot lamang ni Katharine. Tumingin ito kay Jess at natawa ito nang nakita nya ang reaksyon ng lalaki. Parang gulat na gulat ito nang narinig nya na pumayag si Katharine na lumabas ulit kasama sya.

"Okay! Do you wanna watch a movie?" Magiliw na tanong ni Jess kay Katharine.

"I'm not really a movie type of person. If you want, we could eat again. Or we could..." Pinutol ni Jess ang mga salita ni Katharine at itinaas ang kanyang kamay. Halatang may naisip sya na suhestyon na siguradong ikatutuwa ni Katharine.

"Alam ko na! I'll meet you later here after your last class okay?" Masayang sabi ni Jess.

"Can you tell me where we're going?" Nakangiting sabi ni Katharine.

"It's a surprise. See you later! 5:30?" Sabi ni Jess habang nakatingin ito sa mga mata ni Katharine. Hindi ito nakangiti ngunit makikita mo sa kanyang mga mata ang kanyang kasiyahan. Nagsabi si Katharine na pupunta sya sa kanilang tagpuan na agad naman ikinatawa ni Jess. Nagpaalam sila sa isa't isa na may ngiti sa kanilang mga bibig. Excited si Katharine dahil mahilig sya sa mga surprises, hindi nya man alam kung ano ang binabalak ni Jess pero sigurado syang magiging masaya sya sa kanilang magiging date.

-------

Papasok si Gabby sa kanyang opisina nang bigla syang salubungin ni Russel. May dala dala itong kape na paborito ng kanyang amo. Iniabot ito ni Russel kay Gabby at ngumiti ng malaki. Tumigil si Gabby at tiningnan ng masama ang kanyang assistant. Ginagawa lamang ito ni Russel kapag may kailangan syang hilingin sa kanyang amo. Madalas ay iniiwan nya lamang ang morning coffee ni Gabby sa kanyang lamesa kasama ng mga papeles na kailangan pirmahan ng kanyang amo.

"Anong kailangan mo?" Masungit na sabi Gabby. Dire diretso itong naglakad papasok sa kanyang opisina at agad naman itong hinabol ni Russel.

"Ito naman. Parang binigay lang sayo yung kape mo may kailangan agad? Ganyan ba kasama tingin mo sakin?" Maarteng salita ni Russel. Umaarte syang nagtatampo ngunit hindi sya pinapansin ni Gabby. Naghintay sya ng matagal ngunit wala syang narinig na sagot sa amo kaya't umupo ito sa sofa ng opisina ni Gabby.

"Hay... Nakakapagod talagang magtrabaho araw araw no? Katulad ko... Nakalimutan ko na yata ang huling pagkakataon na nagleave ak..." Madramang sabi ni Russel ngunit pinutol ni Gabby ang kanyang mga salita.

"No." Maikling sabi ni Gabby. Ni hindi man lamang ito tumingin kay Russel. Pinipigil nya ang kanyang ngiti at tawa para pahirapan ang kanyang assistant.

"Wala pa nga akong sinasabi nag no no ka kaagad dyan!! Pano pag nalaman mo na niyayaya ako ng jowa ko na magpunta ng hongkong, no pa din isasagot mo? Bilis na teh. Five days leave lang. Parang awa mo na. Lahat ng gusto mo ibibigay ko. Yung katawan ko gusto mo? Wala pang nakakatikim na babae sakin. Try mo teh!" Nagmamakaawang sabi ni Russel. Kulang na lamang ay lumuhod ito sa harap ni Gabby. Nagkukunwari itong humahagulgol para maawa sa kanya si Gabby. Pinipigil pa rin nito ang kanyang tawa.

Huminga na malalaim si Gabby upang makapagsalita sya ng hindi tumatawa. Hindi man lamang napapansin ni Russel na pigil na pigil ang pagtawa ng kanyang amo dahil sa kanyang kakaarte. Nagsimulang umupo si Russel sa lapag at niyakap ang binti ni Gabby.

"Sige na teh. Bilis na. Ngayon lang to habang di pa sya nauuntog! Gusto kong makarating sa ibang bansan na hawak hawak ako ng dyowa ko. Ano ba. Porket ba meron kang Peter nagiging mapagdamot ka na sa mga baklang katulad ko? May pinapatunayan ka ba? Teh. Bilis na. Dadalhan kita ng kape araw araw, promise! Pababa ka pa lang ng kotse mo iintayin na kita sa parking space mo na parang aso." Tuloy na arte ni Russel.

"Hoy! Napakaarte mong bakla ka. Tumigil ka nga! Sino gagastos? Ipon ka ng ipon tapos ipangbabakasyon nyo lang ng jowa mo! Hindi pa kuntento yung jowa mo sa pagpapaaral mo sakanya? Nako? Wag syang abuso ha subukan lang magpakita sakin nyan iipitin ko talaga ang ano nyan..." Pangiinis na sabi ni Gabby sa kanyang assistant. Tumayo si Russel at inayos ang kanyang sarili. Tiningnan nya ng seryoso si Gabby at inirapan ito.

"Pinapaaral ko sya para sa aming future teh. Kinukwestyon ko ba ang pagpapaaral mo sa anak mo? Ha? Sumagot ka!" Palabas ng opisina si Russel ngunit hinila sya pabalik ni Gabby.

"Bakla ka. Kinwestyon mo pa pagpapaaral ko sa anak ko. Gaga ka talaga. Sige na! Pag lumagpas ka ng five days tingnan mo kung may babalikan ka pa. Madaming baklang mas maganda sayo na nagaapply para maging assistant ko." Dirediretsong sabi ni Gabby na talaga namang ikinalaki ng mga mata ni Rusell. Huminga ito ng malalim at halatang magsasalita ngunit itinaas ni Gabby ang kanyang daliri at winagwag ito sa harap ng mukha ni Russel.

"Wag ka na magsalita. Hindi ko iaapprove ang leave mo. Lumabas ka na nga at baka magbago pa isip ko." Mataray na sabi ni Gabby. Niyakap sya ng mahigpit ni Russel at hinalikan sa pisngi ng paulit ulit na ikinatawa ni Gabby.

"Love you teh! Uwian kita promise. Anong gusto mo?" Maligalig na tanong ni Russel.

"Wala!!" Sigaw ni Gabby.

Until It Beats No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon