Chapter 21

731 13 3
                                    

"Kelan nga ulit yung leave mo?" Tanong ni Gabby kay Russell habang papabalik sila sa opisina. Naglunch ang dalawa sa paborito nilang kainan malapit sa kanilang opisina.

"Next month pa naman." Maikling sagot ni Russell.

"O e bakit mumomoment ka jan? Ano nanaman problema mo?" Nakasimangot na tanong ni Gabby.

"Wala teh. Tagal ko ng di nakikita si boyfie e." Malungkot na sagot ni Russell.

"Wag ka magalala. Papakita din sayo yun soon." Nakangiting sagot ni Gabby. Pagdating nila ng kanilang building ay dumiretso si Gabby sa kanyang opisina. Umupo ito sa kanyang upuan at kinuha ang kanyang telepono. Tinawagan nya si Matthew dahil naisip nito na kailangan nilang magusap.

"Miss me already?" Bungad na tanong ni Matthew pag sagot nito ng telepono.

"Not really. Just thought you might want to have dinner with me tonight." Nakangiting sagot ni Gabby.

"You don't miss me yet? And of course, I'd love to have dinner with you."

"You called me two hours ago. How can I miss you?" Natatawang sagot ni Gabby. Pumasok sa kanyang opisina si Russell kaya't agad na itong nagpaalam kay Matthew. May dala dalang mga papeles ang kanyang assistant. Inilapag ito ni Russell sa lamesa ni Gabby at umupo ito sa sofa.

"Teh. Blooming ka ah. Anyare?" Tanong ni Russell.

"Matagal na kong blooming." Maikling sagot ni Gabby.

"Okay na kayo ni Peter?" Tanong ni Russell sa amo.

"I broke up with him yesterday." Sagot ni Gabby.

"Eh bakit ang laki ng smile mo? Sino kausap mo ngayon lang? Tumiteen ager ka nanaman teh. Lagpas kwarenta ka na sumusweet sixteen ka pa?" Malditang sabi ni Russell.

"Hoy. Gusto mong bigwasan ko yang pagmumukha mo? Wag mong sirain araw ko ha." Natatawang sabi ni Gabby. Hindi nito magawang magalit kay Russell dahil alam nyang may pinagdadaanan ang kanyang kaibigan. Kahit na gaano kasarap inisin si Russell ay pinipigilan nya ang kanyang sarili. Palaging nandyan para sakanya ang assistant kapag may dinaramdam ito tungkol sa kanyang pamilya, kay Peter at pati na rin kay Matthew.

"So kayo na ulit ni Matthew?" Seryosong tanong ni Russell.

"Yes." Sabi ni Gabby. Nakataas ang mga kilay nito dahil gusto nyang marinig ang sasabihin ni Russell.

"Mabuti naman. Kilalang kilala na kita. Nagiinuman pa lang tayo alam ko ng babalikan mo sya e. Atsaka nakausap ko na rin sya. Patay na patay sayo teh. Ano pinakain mo?"

"Patay na patay ba? Okay lang patay na patay rin naman ako sakanya e." Natatawang sagot ni Gabby. Nagulat si Russell sa mga pinakawalang salita ni Gabby. Kahit kailan ay hindi nya narinig yun sa amo nung sila pang dalawa ni Peter. Napangiti ng malaki si Russell dahil alam nyang masayang masaya ngayon ang kanyang kaibigan.

"I'm happy for you teh." Sabi ni Russell.

Ngumiti lamang si Gabby at tiningnan ang mga papeles na inilapag ni Russell sa kanyang lamesa. Habang binabasa nya ang isa sa mga kontrata ay nagulat ito dahil nakita nya ang pangalan ng business ng pamilya ni Matthew.

"Problema mo jan?" Tanong ni Russell.

"Trinidad Oil Shipping Company... Kila Matthew to." Mahinang sabi ni Gabby. Binasa ni Russell ang nasa kontrata. Nakalagay dito na gusto ng kumpanya na ang insurance company nila Gabby ang mag insure ng mga assets ng kumpanya sa loob ng isang taon.

"Baka sinuggest ni Matthew." Sagot ni Russell. Bumalik ito sa sofa. Halatang wala syang interes sa nakita nito kaya't iniba nya ang usapan.

"Teh pag di ako natuloy sa HongKong tayo na lang ang umalis." Sabi ni Russell sa amo. Tumingin sa kanya si Gabby ng nakanuot ang noo nito.

Until It Beats No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon