Chapter 2

796 16 0
                                    

Nakaupo si Katharine sa kanilang sala nang bumaba si Gabby galing sa kanyang kwarto. Nakasuot ng napakagandang dress at mataas na sapatos ang kanyang ina. Nakakulot ang buhok at naka make up ng maganda. Nakatitig si Katharine kay Gabby simula nang bumaba ito hanggang sa malapit na ito sa kanyang kinauupuan. Pumalakpak sa harap ni Katharine ang kanyang ina dahil sa tingin nito ay nakatulala si Katharine.

"Hoooy! Ganyan ka ba ka-excited na makita ang daddy mo na natutulala ka na?" Sabi ni Gabby sakanyang anak.
"Why do you look like that? Nagprepare ka ba talaga kasi baka maabutan ka ni dad?" Pangiinis na sabi ni Katharine kay Gabby. Nagulat ang kanyang ina sa sinabi nito. Umupo ito sa kinauupuan ni Katharine at inakbayan sya.
"Nababaliw ka na ba? Kapag dumating ang dad mo at nandito ako, magtatago ako sa kwarto ko. Kahit lagyan nyo ng bomba yung pintuan ko hindi ako lalabas." Galit na sabi ni Gabby. Halatang hindi pa talaga handa ito sa pagkikita nila ng ama ng kanyang anak. Hindi sya nagiinarte at nagpapakipot, talagang hindi pa lang nya alam ang nararamdaman nya sa pagkikita nila ni Matthew.
"Well, what's so special about tonight? Lagi naman kayo umaalis ni tito Peter but you never dressed and looked like that." Sabi ni Katharine.
"Hindi ko talaga alam, anak. Ang sabi lang sakin ni Peter I should look exceptionally beautiful tonight because it's a special date." Sabi ni Katharine na may pahawi hawi pa ng kanyang buhok. Feel na feel nya ang pagsasabi ng 'exceptionally beautiful' dahil talaga namang na-excite sya nang sabihan sya ng ganun. Tumatawa tawa si Katharine nang nakita nyang nagiinarte ang kanyang ina. Hinawakan nito ang buhok ni Gabby at ginulo ng kaunti. Natawa si Gabby sa ginawa ng anak kaya't ginulo din nito ang buhok ni Katharine. Tumayo si Gabby upang tumingin sa salamin at ayusin ng kaunti ang buhok nang narinig nyang tumunog ang doorbell. Nagulat ito dahil alas siyete pa lamang at ang usapan nila ni Peter ay 7:30 ng gabi. Nagkatinginan ang mag ina na para bang hindi alam ang gagawin. Sinabihan agad ni Gabby ang anak na buksan ang pinto, kapag si Matthew ang nasa labas, sabihin na lamang nya na wala sya dito at umalis sila kaagad. Kapag naman si Peter ang nagdodoorbell, patuluyin na lamang ito sa kanyang kwarto.
Dali-daling binuksan ni Katharine ang pintuan. Nakita nyang naghihintay sa labas si Peter, ang boyfriend ng kanyang ina. Nakasuot ito ng Amerikano at slacks na para bang may pupuntahan importanteng event. Bumeso si Katharine kay Peter at pinapasok na lamang ito. Hindi pa nakakapasok ng tuluyan ang dalawa nang may pumindot nanaman ng doorbell. Lumingon ang dalawa at tumakbo si Katharine para yumakap sa taong dumating. Si Matthew. Nagulat si Peter dahil hindi nya alam kung sino ang kayakap ni Katharine.

"Tito Peter, this is my dad! Dad this is tito Peter, he's mom's boyfriend." Sabi ni Katharine na halatang halatang napakasaya sa pagkikita nila ng kanyang ama. Ngumiti si Peter kay Matthew at kinamayan ito. Muntikan ng makalimutan ni Katharine na ayaw pa nga palang makita ng kanyang ina si Matthew kaya't dali dali nitong niyaya palabas ang kanyang ama.

"Dad let's go!! I can't wait to go out with you. Dali na." Sabi ni Katharine na halatang halata na may itinatago. Makikita mo sa mukha ni Matthew na masaya sya sa ipinapakita ng kanyang anak ngunit gusto muna nitong magpaalam kay Gabby at baka isipin pa nito na wala syang respeto sa pamamahay nila.

"Katharine let's say goodbye to your mom first." Sabi ni Matthew sa kanyang anak. Pinipilit sya ni Katharine na wag na lamang magpakita at umalis na sila ngunit hindi magpapatalo si Matthew. Desidido syang makita si Gabby ngayong gabi na ito. Nagpaalam si Peter na pupuntahan si Gabby sa kanyang kwarto upang makita kung naka handa na ito para sa kanilang lakad. Pinilit ni Matthew na umupo muna sila sa sofa habang hinihintay si Gabby. Hindi alam ni Matthew kung bakit napakaimportante para sakanya na makita ang dating kasintahan. Mula noon pa man alam nya naman sa sarili nyang si Gabby lang talaga ang minahal nya ng tunay. Bata pa lamang sila nuon kaya't hindi nya naipaglaban ang relasyon nilang dalawa.

Kumakatok si Peter sa pintuan ni Gabby. Nagtataka sya bakit naka lock ito ngayong gabi. Madalas kasi ay nakabukas lamang ang pintuan nito. Sumigaw si Gabby at nagtatanong kung sino ang nasa labas ng kanyang pintuan. Nang narinig nyang si Peter ito, agad agad nyang binuksan ang pintuan at hinalikan ito ng madiin sa labi. Tiningnan ni Peter ang kanyang kasintahan at wala itong masabi dahil talaga namang napakaganda nya ngayon gabi. Maganda naman talaga si Gabby kahit wala itong ayos, ayun nga ang nagustuhan nya dito, napakasimple nito pero kayang kaya nyang dalin ang kanyang sarili, ngunit ngayon gabi, hindi nya maexplain sa sarili nya pero parang dyosa si Gabby sa kagandahan. Hindi sya makapaniwala na meron syang girlfriend na ganitong kaganda.

"Do you like it?" Nakangiting sabi ni Gabby habang tinuturo ang kanyang suot. Ngumiti ng napakalaki si Peter at hinalikan muli sa labi si Gabby. Lumayo si Gabby at bumalik sa kwarto upang tingnan ang sarili sa salamin. Nakita nitong nasira na ang lipstick sa kanyang labi kaya pinatungan nya muli ito. Habang nagaayos si Gabby ay binanggit ni Peter na nasa baba ang ama ni Katharine. Nagulat si Gabby dahil hindi nya alam ang kanyang sasabihin.
"Do you wanna say hi to him before we leave?" Sabi ni Peter sakanya.
"Sure." Sabi ni Gabby habang naglalakad sila palabas ng kanyang kwarto. Kinuwa ni Peter ang kamay ni Gabby at inisuot ito sa kanyang kamay. Kinakabahan si Gabby dahil hindi nya talaga gustong makita si Matthew ngayong gabi dahil hindi pa sya handa ngunit ayaw naman nyang isipin ni Peter na hindi pa sya nakaka move on sa nasirang relasyon nila ni Matthew.
Kumakabog kabog ang dibdib ni Gabby nang pababa na sila ng hagdanan. Hindi nya alam kung paano nya kakausapin si Matthew. Tumitingin na lamang ito kay Peter at ngumingiti kapag napapansin nyang nakabaling sa kanya ang tingin ng kanyang kasintahan.

Tumayo si Matthew nang narinig nyang pababa na si Gabby. Kinakabahan sya. Alam nya na baka hindi maganda ang magiging pakitungo sakanya ni Gabby ngunit okay lamang ito sakanya. Excited lang talaga syang makita ito. Habang bumababa si Gabby ay nakatitig lamang si Matthew sa hagdanan. Natulala sya nang nakita nya si Gabby. Napakaganda pa din nito hanggang ngayon, sabi nya sa kanyang isip. Tinapik sya ni Katharine dahil ayaw nya namang sirain ang gabi ng kanyang ina at ng kanyang boyfriend dahil baka magselos ito kay Matthew gawa ng mga titig nito kay Gabby.

Pagbaba ni Gabby ay nag hi ito kay Matthew. Umasta syang wala lang sa kanya ang kanilang pagkikita. Bumeso pa nga ito at ipinakilala ang kanyang boyfriend.

"Kamusta ka na? It's nice seeing you again." Sabi ni Gabby habang nakangiti ito ng napakaganda kay Matthew. Hindi agad sya nakasagot kaya tumingin ito kay Katharine na para bang nagtatanong kung bakit ganito ang kanyang ama. Tinapik ni Katharine sa likod si Matthew at biglang tumingin ito sa anak.

"Dad they're leaving na. Say goodbye please I'm so hungry na." Sabi ni Katharine na para bang nagpapaawa sa kanyang ama. Tumango si Matthew at nagpaalam nang muli kila Gabby. Sinabi nitong masaya rin sya at nagkita silang muli. Niyaya na ni Gabby si Peter para mauna silang lumabas at hindi na nila makasabay pa si Matthew. Humalik ito kay Katharine at sinabing wag umuwi ng masyadong gabi dahil may pasok pa ito bukas. Nagpromise si Katharine at tuluyan na silang naghiwalay.

Until It Beats No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon