Sumakay kaagad ng kanyang sasakyan si Matthew. Dumiretso ito sa kinaroroonan ni Gabby at ni Russell. Napakabilis ng kanyang pagpapatakbo sa sasakyan. Hindi sya sigurado kung dahil ba ito sa siguridad ni Gabby o dahil ba gusto nya lamang talagang makita ang dating kasintahan.
Pagdating nito sa URBN Bar & Kitchen ay hinanap nya kaagad si Gabby. Kahit saan ito tumingin ay hindi nya mahanap ang babae. May sumigaw ng kanyang pangalan. Boses ito ng isang bakla. Paglingon nito ay nakita nya si Gabby na natutulog sa kanyang upuan. Nakabukas ang kanyang bunganga habang ang kanyang kasama ay sinesenyasan sya na lumapit sakanila.
"Russell?" Tanong ni Matthew.
"Yes, boyfriend!!" Malakas na tili ni Russell. Natawa ng malakas si Matthew.
"Bakit ganyan itsura nyan?"
"Lasinggera talaga tong ex jowa mo e. Pinoproblema pag alis mo. Tumiteen ager talaga si madam." Sabi ni Russell. Tinagayan nya ang dalawang shot glass at iniabot ang isa kay Matthew. Humindi nung una si Matthew ngunit pinilit sya ni Russell.
"Pag gising mamaya ni Gabby kailangan mo ng lakas ng loob. Mas maldita yan pag gising ng may hangover. Nako, ako na nagsasabi sayo." Seryosong sabi ni Russell.
"Alam ko na yan." Tawang tawa na sabi ni Matthew. Ininom nya ang alak na inabot sa kanya ni Russell ngunit hindi nito nagustuhan ang lasa.
"Ano ba naman tong iniinom nya. Pangbakla!" Sigaw ni Matthew.
"E bakit bakla naman tong jowa mo ah!" Malakas na sagot ni Russell.
Ngumiti lamang si Matthew dahil parang musika sa kanyang tenga ang sinabi ni Russell.
"Sana. Halika na at ihahatid ko na kayo." Hinawi ni Matthew ang buhok na nakakalat sa mukha ni Gabby at binuhat ito palabas ng bar. Sumunod si Russell dahil kinailangan nya pang bayaran ang kanilang bill. Katulad ng dati ay kinukuha nya ang credit card ni Gabby sa kanyang wallet.
"Malapit lang naman ako dito. Kung gusto mo hatid muna natin si Gabby tapos samin ka na matulog!" Malakas na yaya ni Russell kay Matthew. Tumawa ito ng malakas at sinagot si Russell ng "asa ka."
Hiniga ni Matthew si Gabby sa likod ng kanyang kotse kaya sa harap umupo si Russell.
"Lagi ba kayong ganito?" Tanong ni Matthew kay Russell.
"Hindi. Pag may problema lang si Gabby. Minsan sinasamahan nya ko pag iniiwan ako ng jowa ko. Pero madalas umiinom kami pag sya yung may problema."
"Ano ba daw ang problema nya?" Pasimpleng tanong ni Matthew.
"Ikaw!" Diretsong sagot ni Russell. May tama na rin kasi ito kaya't hindi na nya napagtatakpan ang kanyang amo.
"Ako? Pano ko naging problema e alam nya naman na lahat ibibigay ko bumalik lang sya sakin." Seryosong sabi ni Matthew.
"E bakit ka kasi aalis? Kawawa naman si ateng. Nadepress na nga nung umalis ka dati tapos babalik balik ka, yun pala iiwan mo lang din pala... Ulit." Sabi ni Russell. Kahit na palagi itong nagbibiro ay seryoso ang kanyang pagkakasabi dito. Hindi sya masayang nakikita na palaging wala sa mood ang kanyang amo. Napakabait na tao nito. Kahit na palagi itong may topak ay masasabi ni Russell na si Gabby ang pinakamapag bigay na tao na nakilala nya.
"Wala akong nagawa dati e." Maikling sagot ni Matthew.
"E ngayon? Wala ka bang magagawa?" Tanong ni Russell. Nagkatinginan ang dalawa. Hindi nakita ni Matthew na may padaan na aso sa kalsada kaya pumreno ito ng malakas. Nahulog si Gabby sa lapag ng kanyang kotse kaya tawa ng tawa si Russell.
"Gago to. Ibalik mo nga sa upuan." Natatawang sabi na lamang ni Matthew. Sinubukan ni Russell na buhatin ang amo ngunit hindi nya ito nakaya.
"Bayaan mo na yan jan. Ginusto nya yan e."
BINABASA MO ANG
Until It Beats No More
FanfictionCast: Gabby Javier - Regine Velasquez Matthew Trinidad - Aga Muhlach Katharine Javier - Sarah Geronimo Peter Maske - Ariel Rivera Jess Aguilar - Gerald Anderson Russel - Sweet Lapus Amelya - Celia Rodriguez Rodolpo - Eddie Garcia