Chapter 26

728 11 11
                                    

Palabas si Gabby galing sa kanyang opisina nang makita nyang iniintay sya ni Matthew sa lobby ng kanilang building. Nakapikit ang mga mata nito habang nakaupo ito sa isa sa mga sofa. Lumapit ito sa kinaroroonan ng kanyang nobyo at hinalikan ito sa pisngi. Hindi nagising si Matthew kaya't hinawakan nito ang mga pisngi ng lalaki, napangiti si Gabby habang tinititigan nito ang natutulog na mukha ni Matthew. Inilabas nya ang kanyang telepono at kinuhaan ng larawan ang kanyang nobyo habang ito'y natutulog. Tinapik nya sa braso si Matthew at agad itong nagising. Nagulat sya nang makita nyang nakaupo sa kanyang tabi ang kanyang nobya. Hinalikan nya ito sa labi at niyakap ng mahigpit.

"Buti nakita mo ko dito." Sabi ni Matthew habang kinakamot nito ang kanyang mga mata.

"Kung hindi baka nasaraduhan ka na dito." Sagot ni Gabby habang tumatawa ito ng malakas. Tumayo ito at kinuha ang kamay ni Matthew. Niyaya nya na itong lumabas dahil gusto nya ng umuwi.

"Did you bring your car?" Tanong ni Gabby habang naglalakad silang dalawa nang magkahawak ang kamay.

"No. Hinatid ako ng driver. I thought we'd drive home together."

"Home?" Tanong ni Gabby.

"Yes. Sabi ko sa driver sunduin na lang ako sa bahay mo." Nakangiting sagot ni Matthew. Kinuha ng lalaki ang susi ng kotse kay Gabby at binuksan ang pintuan para dito. Pagkatapos nyang alalayan sa pag upo ang kanyang nobya ay dumiretso ito sa driver's seat at agad pinatakbo ang sasakyan.

Pagdating nila ng bahay ay naabutan nilang nanunuod ng telebisyon si Katharine habang kumakain ito ng pizza. Umupo ang dalawa sa tabi ng kanilang anak at nanuod ng telebisyon.

"Don't you get tired of each other's faces? Araw araw kayo magkasama." Tanong ni Katharine sa kanyang mga magulang.

"Hindi yata ako magsasawa sa mukha ng mommy mo kahit kailan." Sagot ni Matthew sa anak.

"If you spend every waking hours together why don't you just move in with us dad." Tanong ni Katharine sa ama. Nanlaki ang mga mata ni Gabby nang marinig ang sinabi ng kanyang anak. Tumayo ito at dumiretso sa kanilang kusina upang kumuha ng kape. Umupo ito at nanatiling nakatingin lamang sa kanyang kape ng matagal na oras.

"Ang tagal bumalik ni mom a." Sabi ni Katharine sa ama. Ngumiti lamang si Matthew at tumayo ito upang sundan ang kanyang nobya. Pagdating nya sa kusina ay nakita nyang nakaupo lamang si Gabby nang walang ginagawa. Lumapit ito sa nobya at hinalikan sa pisngi. Tiningnan lamang sya ni Gabby ngunit hindi ito nagsalita.

"What's wrong?" Tanong ni Matthew.

"Nothing." Sagot ni Gabby. Ininom nito ang kanyang kape.

"We need to talk about whatever it is that's bothering you. Hindi na tayo bata, you can't just stop talking to me whenever you feel uncomfortable." Sabi ni Matthew. Umupo ito sa tabi ni Gabby at kinuha ang kanang kamay nito.

"Baba. Ang bilis ng mga nangyayari. Hindi ka pa pwedeng tumira dito." Sagot ni Gabby. Hindi nya matignan sa mga mata si Matthew dahil ayaw nyang makita ang reaksyon ng nobyo.

"I'm not rushing you. Ofcourse gusto ko magkasama tayo araw araw and there's nothing I want more than to wake up next to you every morning pero kung ayaw mo pa then okay lang. Wag mo problemahin. As long as I know that you'll never stop loving me then okay na ko dun." Sabi ni Matthew.

"All my life it's just me and Katharine. I was with Peter but we never thought about moving in together. Hindi ko lang alam kung paano mag aadjust kapag hindi na lang kaming dalawa na mag ina ang magkasama dito sa bahay." Sabi ni Gabby.

"I'm willing to wait." Maikling sagot ni Matthew. Sa totoo lamang ay gusto nya ng yayain si Gabby na manirahan na lamang sa isang bahay ngunit mukhang hindi ito matutuloy ngayong nalaman nya ang nararamdaman ni Gabby.

Until It Beats No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon