Chapter 30

665 15 9
                                    

"Dad, mom's acting like a four-year-old." Sabi ni Katharine habang kausap nito ang kanyang ama sa telepono. Tinawagan kaagad ni Katharine si Matthew pag talikod ni Gabby habang nag uusap sila.

"Bakit?" Maikling tanong ni Matthew sa anak.

"Seryoso dad. Parang batang maldita. It's funny now pero pag tumagal pa yung away nyo I don't think it'll stay cute." Paliwanag ni Katharine.

"She talked to Peter!" Sigaw na sagot ni Matthew. Ikinatawa naman ito ni Katharine dahil parehong ayaw magpatalo ng kanyang mga magulang. Pareho silang nag aasal bata. "Anong nakakatawa anak?" Tanong muli ni Matthew upang tumigil sa pagtawa si Katharine.

"Dad you're being immature as well. Nakakaloka kayo para kayong mga teenager. Can you just kiss and make up. I don't wanna plan a wedding wherein hindi naguusap yung bride and groom." Sabi muli ni Katharine.

"I just don't understand. Bakit kailangan nya pa makipagusap kay Peter." Malungkot na tanong ni Matthew.

"Dad kilala mo naman si mom. May pagka maldita sya pero deep down she's very nice. She can't ignore tito Peter especially when she knows how much she has hurt him. You should trust her. She's not gonna do anything to hurt you. Pagdating mo pa lang dito ayaw nya na makipagkita sayo because she knows after how many years she still has feelings for you. You should be secured with your relationship with her." Mahabang paliwanag ni Katharine sa kanyang ama. Natuwa si Matthew sa kanyang mga narinig. Alam nya sa sarili nya na hindi sya iiwanan ni Gabby para kay Peter ngunit hindi nito mapigilang isipin na mayroon pa rin nararamdaman si Gabby sa dati nitong nobyo.

"Fine. I'm sorry anak. Parehong immature ang magulang mo. Umalis na ba ang mom mo?" Tanong ni Matthew.

"Nope. Kaka akyat nya lang. I think she's still taking a bath which means she'll still be here for about an hour and a half." Natatawang sagot ni Katharine.

"Okay. I'll see you anak. Punta ako sa house nyo." Pagpapaalam ni Matthew.

"You'll see mom. I need to go to school. Toga fitting today. Have fun today! And amuhin mo si mom. It won't be easy kaya don't give up okay! Love you dad." Mahabang sabi ni Katharine. Pagkatapos nitong kausapin ang kanyang ama ay kinuha na nya ang kanyang bag at dumiretso sa kanyang sasakyan upang pumunta sa kanilang eskwelahan.

Wala pang tatlumpong minuto ay dumating si Matthew sa bahay nila Gabby. Nakapang tulog pa ito at halatang hindi pa naliligo. Dumiretso sya sa kwarto ni Gabby at nakitang nag aayos ang kanyang nobya. Tumingin lamang sa kanya si Gabby ngunit hindi ito nagsalita. Masaya sya na bumalik ang kanyang nobyo ngunit ayaw nyang sya ang gumawa ng paraan upang magkausap silang muli.

"Baba." Paunang salita ni Matthew. Hindi nya alam ang kanyang sasabihin kaya't tumigil ito at tumingin lamang kay Gabby. Itinigil ng babae ang kanyang pag memake up at humarap sya sa kanyang nobyo. Naghihintay ito sa mga sasabihin ni Matthew ngunit wala itong narinig kung hindi ang kanilang tawagan lamang.

"Are you mad?" Tanong ni Matthew.

"You're a four year old, Matthew!" Sigaw ni Gabby. Hindi nya mapigilan ang kanyang sarili. Gusto nya talaga sigawan si Matthew sa inasal nito.

"I'm sorry baba." Seryosong sagot ni Matthew.

"You can't do that anymore. Pano kapag mag asawa na tayo tapos we had another misunderstanding, magwowalk out ka ulit? Alam mo bang halos hindi ako makatulog kagabi. San ka nagpunta?" Tuloy tuloy na pagsigaw ni Gabby. Napangiti si Matthew dahil ayun pala ang ikinagagalit ng kanyang nobya. Buong akala nito ay nainis si Gabby dahil sa mga tanong nya tungkol kay Peter. Nakita sya ni Gabby na nakangiti kaya't lalong uminit ang ulo nito. Lumapit sya kay Matthew at hinampas ito ng malakas gamit ang kanyang unan.

Until It Beats No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon