Chapter 6

21.2K 305 12
                                        






F R E Y A








"Ma? Asan si Craige?" Tanong ko kay mama.











Nandito kami ngayon sa bago naming bahay na binili ni Craige. If I'm not mistaken Mr. Sandoval owned this subdivision and all houses here are luxury and pricey.









"Ang bilin niya sa akin, Anak, makikipagkita daw siya sa kaibigan niya. Hayaan mo muna ang kambal mong 'yon na magsaya, total kakarating palang namin dito. Siguro gusto niya lang maglibot-libot kasama ang mga kaibigan niya." Tugon ni mama kaya tumango nalang ako.










Hindi parin ako makapaniwalang nakatira kami ngayon sa isang malaking bahay na tila isang mansion. I'm happy that we're all comfortable here and find it a home to stay, but yet Mama and Papa still love our simple home in the province. Doon kasi sila nasanay, kahit hindi masyadong maganda at kalaki ang bahay namin do'n, marami ka namang makikitang mga halaman at bulaklak.









For the sakes of Mama binilhan ko siya ng maraming paso ang ibat-ibang uri ng bulakalak para may pagkakaabalahan siya dito sa mansion. Si Papa naman nasanay na sa kakapanood ng TV. Kahit na araw araw siyang tumingin sa TV at manood ng mga action movie, boxing, basketball at iba pa ay ok lang 'yon sa kanya.









I am relieved that we are all comfortable here. New house is a new life for us.








Tatawagan ko na sana si Pinky upang makipag-kita sa kanya nang biglang mag ring ang cellphone ko.










I cocked my brows when Craige name registered in the screen of my cellphone.










Bakit naman kaya napatawag ang Craige na'to? Baka lasing tong lalaking to at makikisuyo sa aking susunduin siya. Huwag siyang magkakamali, makikita niya talaga na dadapo itong kamao ko sa mukha niya.









"Hello?" Bagot kong tanong. He chuckled in the other line at mukhang hindi naman lasing.










Mabuti nalang dahil hindi ako pinanganak upang magbuhat ng lalaking lasing.









"Princess?" Mahina niyang sabi sa kabilang linya.









Kumunot ang noo ko habang inaabangan ang susunod niyang sasabihin. Nasanay na akong princess ang tawag niya sa akin, prinsesa niya raw kasi ako, eh. Kahit papaano sweet naman itong si Craige. Bossy ngalang minsan kapag alam niyang mali na ginagawa ko, but he's the best brother in the world.









"Dress up may erereto ako sa'yo."









"What!?" Malakas kong tanong sa kanya. Kailan pa siya naging cupid sa buhay ko? "Are you kidding me, Craige?"








"No. I'm deadly serious, Princess. Bilisan mo na. Magkita kayo sa pinakamalapit na Starbucks diyan. Susunduin ka ng Prince charming mo." He said playfully.








Hindi ko mapigilang mapangiwi dahil sa sinabi niya. What the hell is he doing? Nakikipagbiruan ba 'to sa akin?








"Huwag mo akong pagtripan, Craige! Makikita mo lalapat talaga tong kamao ko sa mukha mo." Banta ko sa kanya.









Malakas siyang tumawa sa kabilang linya. Hindi ko mapigilang mainis dahil sa kabaliwan ng kambal ko.








He never done this before. Siya pa nga ang humaharang sa mga manliligaw ko at kinikilatis ito ng maigi kung pasado ba sa kanya o hindi, at ngayon e rereto niya ako sa hindi ko kakilala?








HARD AND RUTHLESS Where stories live. Discover now