F R E Y AHINATID AKO ni Fidel sa bahay. Paglabas at paglabas ko palang sa kotse niya ay nakaabang na agad sila Mama at Papa sa gate at sinalubong kami.
Aalis na sana si Fidel ngunit inimbitahan siya ni Mama sa loob kaya wala siyang nagawa. Matalim ang tingin ni Papa sa kanya at pina-ulanan siya ng mga nakaka-intregang tanong.
"Ang bilis mong nakabingwit ng boyfriend, ah? Kahapon lang inasar at ini-inggit ka pa namin ng mama mo, ngunit ngayon may ini-uwi kana agad." Nakangiwing sabi ni Papa habang sinusuri si Fidel mula ulo hanggang paa. "Anong kailangan mo sa anak ko?"
Seryoso ang mukha ni Fidel at walang mababasang kaba sa kanyang mga mata. Parang sanay na sanay na siya sa ganito, hindi man lang nanginig ang labi.
"I'm courting your daughter po, Sir." Magalang niyang tugon at bahagyang yumuko. "I will take this opportunity to personally ask your permission, Sir. Gusto ko pong ligawan ang anak niyo." Dugtong niya.
Tumaas ang isang kilay ni Papa at nakakaloko siyang tinignan.
"Pano kung ayaw kong pumayag?" Hamon ni Papa.
Hindi ko mapigilang mapailing dahil sa pinapakitang ugali ni Papa. Hinaplos ni Mama ang kanyang balikat ngunit hindi niya parin nilubayan ng matatalim na tingin si Fidel.
"Wala po kayong magagawa, Sir. Gagawin ko po ang lahat para mapapayag po kayo." Walang bahid ng kayabangan niyang tugon, nagawa niya pang ngumiti sa ama ko.
Damn, Fidel! Filter your mouth, hindi ko pasanin ang konsensya kapag tinaga ka ni Papa. Jusko po.
"Tarantado ka palang lalaki ka, eh! Ang sabi mo hihingi ka sa akin ng permiso, tapos ngayon sasabihin mong wala akong magagawa kung sakaling ayaw kong pumayag? Walang respito! Walang modo!" Singhal ni Papa kay Fidel. Nilapitan ko si Fidel at hinawakan ang kamay niya.
Nagulat ako nang maramdaman ang panlalamig dito. Kung tutuusin mas malamig pa ito sa yelo nang madapuan ng aking kamay. Nag-aalala ko siyang sinulyapan at sinuri ang reaction niya. Namutla ang kanyang labi habang pilit na sumeseryoso.
"Papa, huwag mo ngang takutin si Fidel. Wala naman siyang ginawang masama, ah!" Sita ko kay Papa ngunit isang matalim na tingin lang ang natanggap ko dito.
Asan na ba 'yong magaling kong kambal? Dapat nandito siya, eh. para man lang maipagtanggol niya ang kaibigan niyang ito.
Namumutla talaga siya. Halatang halata dahil ang kanyang mapupulang labi ay tila pinahiran ng polbo. Natatakot siguro kay Papa. Sino ba naman hindi kapag ganito kasama ang pakikisama sa'yo?
"Sa akin wala, pero sa'yo meron!" Pasigaw niyang sagot. Mas lalong nanlamig ang kamay ni Fidel at hindi na niya nagawang depensahan ang sarili.
Sunod sunod ang paglunok niya habang nanginginig ang kamay. Hindi ko mapigilang matulala sa bawat pag galaw ng Adams apple niya. God! Ang sexy ng dating niya. Mas lalo siyang gumagwapo sa paningin ko!
Stop it, Freya! Mamaya na ang landian dahil nasa gitna tayo ng gyera.
Pinukol ng masamang tingin ni Papa si Fidel at kung nakakamatay man ang pagtitig, paniguradong kanina pa pinaglalamayan itong si Fidel.
Bakit ba nagta-tantrum itong si Papa? Gano'n ba talaga kapag matanda na, nagagalit nalang bigla kahit walang dahilan?
"Hoy Danny, huwag mong sigawan 'yang anak natin, ah! Masasakal talaga kita." Banta ni Mama sa kanya. My father's expression softened and relax.
YOU ARE READING
HARD AND RUTHLESS
Fiksi Umum"To love Kairus Fidel Sandoval, it means opening your legs wide, let him in and pound you day and night." [SPG] [R-18] NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! ⚠️READ AT YOUR OWN RISK! Started: December 4, 2020