HAPPY NEW YEAR, EVERYONE!!!......
PAGBALIK ko sa mga kasama ko ay saglit pa kaming nag kwentuhan bago ako pinatawag sa CEO's office. Wala parin ako sa mood simula no'ng nakita ko sa loob ng CR si Angel at ang kaibigan niya.
Hindi naman kami magka-away and I don't know the reason why I have to feel this way. It's not that I'm mad at her dahil may something sa kanila ni Fidel, for goodness sake! Wala akong paki-alam kung sinong babae ang nobya at kalandian niya.
"How's your adjustment in your new working environment, Miss Guzman? Hindi ka naman ba nahirapan?" Pambubungad na tanong sa akin ni Fidel.
Pinigilan kong pandilatan siya ng mata dahil sa sobrang pagka-irita. I don't get his question precisely. Anong akala niya, ilang oras lang makakapag-adjust na ako? Baliw ba siya?
"I'm currently adjusting pa po, Sir." Pilit na ngiti kong tugon. Umarko ang kanyang kilay kasabay ng pagguhit ng nang-iinis niyang ngiti sa labi. "Obviously, people can't adapt in different environment with a span of hour or day only. Kailangan 'yan ng saktong panahon at matagal na proseso, unless you don't know?"
The sound of sarcasm coming from my voice was very evident. I just shrugged it off and didn't give a damn attention on it.
"Is that how you talk to your superior, Miss Guzman?" He chuckled. "Full of hostility and despised. Very unprofessional and unethical."
Tila nakikipag biruan lang siya sa akin dahil halata sa mukha niya na nag-eenjoy siya sa usapan namin. Pero what he said towards me irks me. Gusto ko siyang bigwasan para sa gano'n ay maitikom niya sa kanyang mga bibig. God knows how much I'm trying my best to be professional, but here he is, continue to get on my nerves.
'Yong totoo, ano ba talaga ang dahilan niya at bakit niya ako pinatawag? Huwag mong sabihing pinatawag niya lang ako para tanungin kung kumusta ang first half day ko sa trabaho? Baliw ba siya?
"Well, you must know it from the start, Sir. It's not that we are stranger for you to ask such stupid question." Nakangiti kong saad habang tinitimbang ang reaction niya. If he wants me to be unrespectful and unprofessional Infront of him, then I will give it to him. Let's see if he can handle me.
Sa halip na magalit sa sagot ko ay mas lalong lang lumaki ang ngiti niya sa labi. Ako lang tuloy ang mas nainis. Ayaw ko mang aminin but It seems that I tasted my own medicine.
"Yeah, right! Yan din ang nasa isip ko." He shrugged. "We did more than just a mere acquaintance and a friend would do. So bakit pa tayo magiging pormal sa isa't-isa, hindi ba?"
My eyes squinted because of his words. Parang iba ang ibig niyang sabihin. Talagang sinusubok niya ang pasinsya ko.
"Be professional naman po." I grunted.
"Coming from you who talks to her superior rudely." He smirked. I gritted my teeth and let out a heavy sigh. Damn him! Hindi ko naman siya tratratuhin ng gano'n kung maayos siyang superior, diba? "Anyways, sabihin mo sa team niyo na may meeting tayo later. 'Yon lang naman ang sadya ko."
Meeting your ass! 'Yon lang naman pala ang sadya mo e, bakit mo pa ako pinapunta dito kung pwede mo namang e utos nalang sa mga empleyado mo. Dami mong dada!
Is he trying to play a victim? It's not that I am the head of the architect Department para ako ang ipatawag niya dito. Anong akala niya sa akin, tanga?
"Copy, Sir! I will relay it to them. Can I take my leave now?" Matabang kong sabi. Hindi na nakipag-talastasan.
"Alright," tugon niya habang nakangiti parin sa akin. Madiin akong pumikit habang nakatingin sa sahig upang itago ang nanlilisik kong mga mata. "See you later, then...Freya."
Hindi na ako nagsalita at tumango nalang. Mabilis kong nilisan ang office niya at nag-martcha papunta sa elevator. Malakas ang tunog na nanggagaling sa aking sandals, ngunit isinawalang kibo ko lang ito. Wala akong paki-alam kung naririnig niya ito at pinagtatawanan niya ako. Makakarma karin sa mga kalokohan mong lalaki ka.
As I enter our office all eyes drifted to me. I combed my hair to look presentable in front of them because I know for fact how haggard I am due to earlier's encountered with the devil.
"Ano raw sabi ni Mr. CEO?" Tanong no'ng pinakabata na kasama ko. Humugot pa ako ng malalim na hininga bago siya binigyan ng sagot.
"May meeting daw tayo later." Nakangiti kong tugon. "Iyon lang."
Umugong ang Iba't ibang reaction galing sa mga kasama ko. Ngunit mas nangingimbabaw ang nainis dahil mababawasan daw ang time nila sa pamilya, actually tama naman talaga sila. There should be a strict and clear separation between working and family time and it must apply in all aspects and instances. Kung gusto niyang maiwasan ang pagrereklamo ng mga manggagawa sa kompanya niya, he better not snatch the time they supposed to be spending with their respective family, friend, or etc.
"Thank you for informing us, Miss Guzman." Our head architect tapped my shoulder. "Alright, everyone! Let's resume to our work!" He said with hype.
Mabilis na lumipas ang oras at pinatawag na nga ang buong architect department sa meeting room. We discussed about the design requested by one of our biggest costumer na gusto nitong ipa-change sa sinuggest ng team.
"They want the interior more elegant and eye pleasing. I suggested several ideas but they resort to white with a touched of black and gold. I guess we just have to change the color of the approved design and fix it according to the expectation of our costumer. This is a huge deal, I want you all to work on this one."
"Yes, Sir! You can count on us!" Mabilis na tugon ng department head namin, and everyone agreed to him.
"Since you're a newbie here, Miss Guzman. Do you have any ideas in mind?" Tumingin si Fidel sa akin na kinagulat ko. Nanlaki ang mata ko dahil sa sobrang pagka-gulantang. Hindi ko alam ang isasagot ko o kung sasagot ba ako.
"As of now, I don't have, Sir. I think we can come up later on upon working with the new design." I responded. He smirked and nodded.
"Alright, then. I hope you can contribute a lot in our company, Miss Guzman. Anyways, that's all. Meeting adjourned."
Mabilis na umalis ang mga kasama ko dahil anong oras na rin. Sinadya talaga akong pinaiwan ni Fidel sa meeting room kasama siya para paulanan na naman ako ng mga nakakainis na salita.
"You did great in your first day." Sarcastiko niyang sabi.
"Thank you." Tipid kong tugon.
"Let's go. I'll drive you home." He smiled.
"No thanks." Pilit na ngiti kong tugon.
"I insist." Nang-iinis siyang ngumisi sa akin. Hindi na ako nakipag away at sumunod nalang sa gusto niya. Wala namang silbi ang pagrereklamo ko kung siya ang kabardagulan ko. Lagi naman akong talo sa huli, skills niya na ata ang mangpikon kaya sobrang galing niya.
"Pagbibigyan kita ngayon. Wala nang susunod." I sighed. Pinipigilan ang aking inis.
"Huwag kang nagsalita nang tapos, Freya. You know me very well. Kapag gusto ko, gagawin ko ang lahat para mapasakin ito." What he said made my mouth gape, at nauna siyang lumabas sa meeting room at iniwan akong gulat at hindi pa nakakarecover sa sinabi niya.
TO BE CONTINUE...
Thank you for reading!!!
Announcement!
I have a new story entitled "The Amnesiac Heart" it's a romantic and Dramatic story. If you feel like reading it, please do visit my profile and support it. Thank you!
YOU ARE READING
HARD AND RUTHLESS
Ficción General"To love Kairus Fidel Sandoval, it means opening your legs wide, let him in and pound you day and night." [SPG] [R-18] NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! ⚠️READ AT YOUR OWN RISK! Started: December 4, 2020