"HOW'S YOUR sleep, Love?" Bungad sa akin ni Fidel nang pumasok ako sa kusina. "Nagpadeliver ako ng pagkain. Tara kain na tayo?"
"Kanina ka pa ba naghihintay?"
"Hindi naman. Kakarating lang ng pagkain natin, so obviously I just prepared it a minute ago before you arrived." Nilagyan niya nang pagkain ang plato ko. Napangiti ako nang makita ang galaw niya, he look so cute serving me a food.
"Sweet mo ngayon, ah?" Tukso ko sa kanya.
"I'm just happy, Love. At tsaka sweet naman talaga ako lagi, ah? Ikaw lang 'yong hindi." He chuckled.
"Malambing naman ako minsan, ah! Hindi nga lang palagi." Ismid ko sa kanya at sumubo ng pagkain. "Gusto mo bang maging sweet ako lagi sa'yo?"
"It's not that... I love the way you treat me. Mas nakakakilig kapag minsan ka lang nagmamatamis sa akin, pero mas ok parin 'yong everyday." He let out a sexy laugh. "Baka kapag napasobra tayo sa tamis magka-diabetes tayo pariho."
He's here again, trying to pull out an epic pick up lines.
"Corny mo." Natawa ako sa kanya at isinubo sa kanya ang abodong hiniwa ko. "Malambing na ba 'yan, Love?"
He shook his head and smiled. Tumango siya sa akin habang ngumunguya ng pagkain.
"Even you're not the sweetest woman in the world, I'll still fall for you. Seeing your smile makes me happy already. What else if you tried to be sweet? Baka pumutok na ako sa sobrang kilograms ."
Mayabang siyang ngumiti at kitang kita ko ang pantay niyang ngipin na mas maputi pa sa anidorong kakalinis palang.
"Flowery, eh? Masyado mo naman atang pinapataba ang puso ko." Hindi ko mapigilang mapangiti kaya nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
It hits me...damn hard.
I felt my cheeks burning. I'm sure I was red as tomato already right now.
"Namumula kana naman. Grabe ka talagang kiligin, no?" Panunukso niya dahilan upang mas lalo akong mamula. Bumusangot ako para pigilan ang pagngiti ngunit pati katawan ko at tinatraydor na ako.
God! How can he be this attractive? I'm so affected with all his sweet--corny words and actions.
"Ang kapal mo. Hindi ako kinikilig no!" I acted pissed even though deep inside me I seems about to explode because of unknown feelings he'd caused me. Gusto ko nang paypayan ang mukha ko dahil pakiramdam ko ay magliliyab ito nang wala sa oras.
Kinikilig ako. Para akong isang teenager na crinash-back ng crush nila.
"Lupit mo talaga idol. Ayaw pang umamin kahit halatang halata na. Harap ka nga dito kung hindi ka kinikilig? Pati nga tenga at leeg mo namumula narin." He was enjoying teasing me. I gulped hard when I felt his nose rubbing my ear, made me gasp in pleasure. "Com'n, Love. Face me."
Parang inaakit niya ako dahil sa tono ng boses niya. God! Alam ko namang nakakaakit talaga siya pero jusko naman Fidel huwag mo naman araw-arawin.
YOU ARE READING
HARD AND RUTHLESS
General Fiction"To love Kairus Fidel Sandoval, it means opening your legs wide, let him in and pound you day and night." [SPG] [R-18] NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! ⚠️READ AT YOUR OWN RISK! Started: December 4, 2020