Don't forget to vote and comment.
.....
KINAUMAGAHAN ay late na ako nagising. Paglabas ko sa guess room ay hindi ko nakita si Fidel. Naka bukas ang pinto ng kwarto niya ngunit walang tao sa loob.
Asan na naman kaya ang lalaking 'yon?
Naglakad ako papalapit sa kusina at tinignan kung andon ba talaga siya, ngunit muli akong nabigo dahil wala siya dito o ni bakas man lang ng anino niya.
My brows creased when I saw a sheet of paper in the table. Bumilis ang tibok ng puso ko at kinuha ang piraso ng papel at binasa ang nakasulat dito.
Hi, Love. Sorry kung maaga akong umalis at hindi na kita hinintay pang gumising. Pinatawag kasi ako ni Mommy dahil may emergency daw sa bahay. By the way, Ininit ko na ang pagkain kagabi. Kumain ka ng marami, ah?
-K
Kay Fidel ito. Sulat kamay niya ito kaya hindi ako pwedeng magkamali. Mabigat ang bawat buntong hininga ko bago tinignan ang pagkain na niluto ko kagabi. Hindi ko maiwasang pangiligan ng luha nang makitang hindi man lang niya ito nagalaw.
Gano'n ka importante ang sadya ng Mama niya para hindi man lang makakain kahit isang subo ng niluto ko para sa kanya? Damn! That absorb!
I don't want to be over acting but I can't help it. I hate this feeling. Hindi niya pa kasi nagawa ito sa akin, ngayon palang.
Masama ang loob ko habang inaayos ang sarili. Inilagay ko ang mga pagkain sa tupperware at kumatok sa pinto ng katabing unit ni Fidel para ibigay nalang ito.
Total hindi niya na naman ito makakain kaya mas mabuti pang sa iba ko nalang ito ipakain. I don't want to eat it, nakakawala kasi ng gana.
Pinigilan ko ang pagtakas ng luha sa mata ko. Bumukas ang pinto sa katabing unit in Fidel at bumulaga sa akin ang isang matandang ginang.
"Hello po, Nanay. Galing po ako dito sa tabi niyong unit. Hindi kasi namin nakain ang ulam namin kagabi kaya maraming natira." Inabot ko sa ginang ang dalawang malaking tupperware. "Malinis po 'yan at kakainit palang. Sana magustuhan niyo."
Umaliwalas ang mukha ng ginang at kinuha ang inabot ko.
"Abay, maraming salamat dito." Inamoy niya ang tupperware at muling ngumiti. "Ang bango. Paniguradong masarap ito. Salamat dito, Hija."
Nagpaalam ako sa matandang ginang at dumiritso na sa parking lot. Nagdrive ako diritso sa Starbucks para mag order ng kape.
Pilit kong iwinawaksi ang pagdududa sa sarili ko. Whatever happened I have to trust him. That's how relationship works, right? Hindi dahil sa nangyari kagabi ay dapat ko na siyang pagdudahan.
"Freya?" Gulat na bungad sa akin ni Tristan. May kasama siyang maganda babaeng nakabusangot sa tabi niya. "A--Anong ginagawa mo dito?"
Saglit akong nagulat nang makita siya. Pinanliitan ko siya ng mata dahil halata ang kaba sa boses niya. Para siyang kriminal na pinaghahanap ng mga pulis.
YOU ARE READING
HARD AND RUTHLESS
General Fiction"To love Kairus Fidel Sandoval, it means opening your legs wide, let him in and pound you day and night." [SPG] [R-18] NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! ⚠️READ AT YOUR OWN RISK! Started: December 4, 2020