Kabanata 23

817 16 7
                                    

Kabanata 23

Akin ka Ngayon

"Anong..." napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Bigla kasing bumukas ang pinto at pumasok si Rohan.

"I want to sleep here with you." aniya at dire-diretsong lumapit sa akin at humiga sa tabi ko.

Hindi ako nakaimik. Nanatili ako sa pagkakaupo habang pinapanood siyang komportableng nahiga at humarap sa akin.

"At bakit kailangang dito ka matulog? This isn't your room!"

"This is my house. Saang parte rito ang hindi ko pagmamay-ari? Kahit ikaw ay akin. Buong-buo."

Halos malagutan ako ng hininga sa sinabi niya. We can't share! Hindi ako makakatulog kung katabi ko siya.

"I can't sleep, Rohan. Bumalik ka nalang sa kwarto mo at-"

"You slept very well last night. Magkatabi tayo sa kwarto ko. May angal ba ako?"

"You were the one who brought me there! I was drunk!"

"I'm drunk now, too." inaantok niyang sabi at humikab. "Sayo."

"Stop that. Baka gusto mong ako ang matulog sa kwarto mo?"

Napasinghap ako nang bigla niya akong hilain pahiga. Diretso akong natumba sa braso niya kaya mabilis rin niya akong niyakap habang nakaharap pa rin sa akin.

"Umalis ka sa ospital at nagalit sa akin ng walang dahilan. Sa tingin mo ba'y hahayaan kitang matulog mag-isa kung alam kong paggising mo, unang papasok sa isip mo ay takasan ako?" mahina niyang sabi habang inaamoy ang aking buhok.

"Sinadya mo talagang ilagay ang bag ko sa tabi ng ulo mo para lang magising ka kapag kinuha ko ito!"

"Nope. I didn't sleep either. Siniguro ko ring wala akong kahit isang segundong masasayang habang katabi ka. Pinanood kita magdamag... while you were sleeping."

Rohan, why so good with your words? Habang tumatagal ay hindi ko na alam kung ano pang isasagot sayo. Lahat ng sinasabi mo sa akin, pawang grupo ng mga salita na kahit sinong babae ay hihilinging marinig mula sa mga minamahal nila.

"Are you not scared of sleeping with me?" I asked.

"I am scared of not sleeping with you."

Inalis ko sa isipan ko ang mga nangyaring ako lang ang nagpalala. Ang mga sumunod na araw ay naging mas kapanuri-nuri. Nahihiya ako sa tuwing nakikita ko si Yohan pero sa tingin ko ay wala siyang alam na nakita ko silang dalawa ni Yuri. Ayokong malaman niya pa 'yon lalo na ang inakto kong si Rohan siya kaya ako naglasing at umalis ng ospital.

Gusto kong magtanong tungkol kay Yuri. Gusto kong itanong sa kanya kung tama ba ang iniisip kong si Rohan ang gusto niya habang mahal niya naman ang dalaga. Pero nahihiya ako. Hindi pa ata kami ganun kalapit para itanong ko ang mga pribadong tanong tungkol sa buhay niya. At kung si Rohan naman, ayoko ring isipin niyang interesado ako sa buhay ng kapatid niya kaya ako nagtatanong.

"Nag-text na ba sayo si Rohan?" tanong niya sa akin nang muli akong ipatawag sa opisina.

Umiling ako. "Wala akong cellphone."

Natigilan siya pero agad ring tumango, siguro ay alam kung anong ibig kong sabihin.

Tinanggap ko ang ibinigay sakin ni Rohan nong nakaraang gabi pero hindi ibig sabihin ay gagamitin ko ang mga ito. Ayoko lang. Ayoko munang muling pumasok sa kahit anong social media. Kung hindi ko ito gagamitin, mas makakaiwas ako.

"I see. Kaya siguro siya nagtext sa akin."

"Ano bang sabi niya?"

"He's inviting me for dinner. Sinabi niya ring sabihin daw sayo na hintayin mo siya sa labas ng mas maaga."

Selfless (Doctor Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon