Kabanata 17
Kid
“Mas masikip ang kama para magtabi tayo. Pwede namang ikaw lang ang doon, eh. Dito nalang ako o di kaya kung ayaw mo talaga, sa baba nalang ako ng kama.” pamimilit ko parin sa kanya kahit na tapos na kaming kumain. Kanina pa ako nagsasalita pero parang wala siyang naririnig. Ni kahit isang emosyon man lamang sa mukha niya ay wala akong mabasa.
“Kung ayaw mong dito ako matulog, pwes tatabi ako sa'yo.” sabi niya at tumayo. Naglakad siya papasok ng kwarto ko kaya agad akong sumunod.
“Paano ako papayag na sa labas ka matulog? Kahit maliit na couch ay wala ako, ako ang nakatira dito kaya okay lang na ako ang matulog sa labas.”
“Your bed isn’t that small. Pwede tayong magkasya kung pipilitin natin.”
At bakit kailangang ipilit kung meron namang option? "Mahihirapan tayo! Sasakit ang katawan natin! Mahihirapan ako, Rohan!” mahina ngunit pasigaw kong sabi. At mas lalong hindi ako makakatulog kung ganoon nga ang mangyayari!
“Tatagilid ako magdamag para mabigyan ka nang mas malaking espasyo. Okay lang na mahirapan ako kung ikaw naman ang katabi ko. Okay lang na sumakit ang katawan ko kung ikaw naman ang dahilan.”
Sinasadya niya talaga! Damn. Hindi ko alam kung anong isasagot ko gayong kahit isipin ko mang pinaglalaruan niya lang ako ay seryosong mukha niya naman ang nakikita ko.
Bumuntong-hininga ako saka napatingin sa isa pang pinto kung nasaan ang banyo. Umirap ako sa kanya at pumasok doon para makapagbihis. Fine. Nanalo na naman siya. Pero oras na makatulog siya, lilipat ako sa baba. Hindi ako pwedeng magpuyat ngayon dahil alam kong bukas ay may malaking bagay ako na dapat asikasuhin pagkatapos ng klase. Kailangan kong ayusin ang nangyaring gulo kanina sa restaurant. Alam kong sa sandaling umalis ako kanina kasama siya ay samu’t-saring opinyon na ang inisip ng mga katrabaho ko laban sa akin. Baguhan lamang ako at ganoong eksena na ang ginawa ko. Baka nga pati ang pagtingin ni Yuki sa akin ay nagbago na rin.
Ilang sandali pa ay lumabas ako suot ang isang pares ng pajama. Ang kabuuan niya agad ang sumalubong sa akin na labis kong ikinagimbal. He’s wearing nothing but a boxer short! Inalis niya ang kanyang dress shirt pati na ang pang-ibaba niyang damit! Naisip ko sa loob ng banyo na wala siyang pamalit na damit pero hindi sumagi sa isip ko na maghuhubad siya nang ganito ngayon! Damn again! Lahat ng ideyang naglalaro sa isip ko ay naiisip ko nang pasigaw dahil sa nakikita ko!
“Hindi ako sanay matulog ng balot. Nakita mo na ako nang ganito kaya hindi naman siguro masamang makita mo ulit.”
Uminit ang mukha ko, halos sasabog na nga ata ito. Oo, nakita ko na nga pero madilim ang loob ng kwarto niya, isa pa'y agad rin naman siyang nagbihis at lumabas. This one is different!
“Sino bang nagsabing may masama? I don’t mind at all.” ngunit ‘yan ang sabi ng traydor kong isip. Siguro'y dahil ayokong isipin niya na naapektuhan ako dahil sa katawan niya? Sino nga bang hindi maaapektuhan kung ganitong klaseng katawan ang aaligid sa loob ng kwarto mo?
Hindi siya sumagot. Ewan ko kung kumbinsido siya sa sinabi ko. Naglakad siya papuntang kama at confident na humiga do’n na para bang siya ang may-ari at ako ang makikitulog. Ngayong kitang-kita ko nang nakahiga siya ay mas lalong lumiit ang kama. Sakto ang haba nito ngunit ang epasyo ay halatang masikip. Kung hindi siya tatagilid ay malamang na magdamag na magdidikit ang mga balat ng braso namin.
Lumapit na rin ako doon at akma nang hihiga nang makita ko siyang tumigilid ngunit paharap naman sa pwesto ko. Agad akong natigilan. Dapat ay sa kabilang bahagi siya humarap!
“What? Tatayo ka na lang ba diyan?” aniya at pumikit. Ang isa niyang braso ay nakaunan sa kanya. Sinamantala ko ang pagkakapikit niya para humiga. Tinakpan ko agad ang katawan ko ng kumot. Gusto ko rin siyang kumutan kasi nakalabas masyado ang katawan niya pero oras na ginawa ko ‘yon, alam kong iinit lamang sa ilalim ng kumot.
BINABASA MO ANG
Selfless (Doctor Series #3) COMPLETED
Romansa"Hahayaan kitang magalit at umalis, pero pakiusap... magpakasal muna tayo." Madilim pa sa mundong araw-araw na binabagyo, ganyan ang naging buhay ni Alexin Cervantes matapos sabay na mawala sa kanya ang kanyang mga magulang. Ang tanging naiwan sa...