Kabanata 9
Video
Parang mga tambol na tumutugtog habang wala sa tuno, ganyann kagulo ang buong sistema ko sa sobrang bilis nang tibok ng aking puso. Kahit ngayong nakabalik na ako sa kwarto ay hindi parin iyon nagbabago. Sa tingin ko'y habang tumatagal ay mas lalong lumalala, habang tumatagal ay mas lalong nagwawala ang kailalim-laliman ko.
Hindi ko alam kung paano ko siya naitulak nang malakas at mabilis na tumakbo palabas. Sa pagkakataong ito ay hindi na kilos niya ang kinatatakutan ko kundi ang mga bagay na sinasabi niya. Kahit alam kong imposible o dahil lamang sa isang bagay na sadyang pakay niya sa akin, hindi ko parin maiwasang makaramdam nang kakaiba.
Mas lalong hindi na nagiging tama ang mga nangyayari. At lalong mas hindi ko na alam kung paano siya muling haharapin.
Nagawa pa akong tawagin ni Yohan nang makita niya ang malalaki kong hakbang paakyat ng hagdan. Halos tatlong baitang ang ginawa ko para agad na makabalik sa sariling silid. Hindi ko na siya nagawa pang lingunin sa pagmamadali o sa takot na baka nasa likuran ko lamang si Rohan at nakasunod. Gayunpaman, hindi nakatakas sa paningin ko ang malagkit na titig ng kasama niya sa akin.
Ilang oras ang lumipas at may kumatok. Agad akong nilukuban nang panibagong kaba nang maisip si Rohan. Pero nang marinig ko ang tauhan niyang tinawag ako ay nakahinga ako nang maluwag. Binuksan ko ang pinto at nakita ko agad ang hawak niyang tray.
"Pinahahatid po ni sir. Kumain na raw po kayo." aniya. Iniabot sa akin ang tray ng pagkain at akma nang aalis.
"Uhmmm..." pigil ko sa kanya. "Bakit niya ipinaakyat?"
"Alam niya raw po kasing hindi kayo bababa ngayon. Babalikan ko nalang po ang pinagkainan niyo pagkatapos."
"S-sige. Salamat."
Bumalik ako sa loob at ilang minutong pinagmasdan ang laman ng tray. Talagang wala akong planong kumain ngayon dahil sa mga eksenang nangyari pero hindi ko naisip na magpapaakyat siya ulit dito. Akala ko'y mas pipiliin niyang mamatay ako sa gutom dahil sa ginawa kong pagtulak sa kanya.
Kaya inubos ko nalang lahat nang laman nito kesa masayang. Ako na rin ang nagbaba nang pinagkainan ko pero siniguro ko munang wala ako ni isang taong masasalubong sa baba. Luckily, wala nga. Tahimik na ang buong bahay at sa tingin ko'y wala ng ibang tao dito kundi kaming dalawa lamang. Siguro'y nakauwi na rin si Yohan? O 'yong kasama niyang may kutsilyong mga mata na halos nananaksak?
Ang palaisipang kami nalang dalawa ang nandito sa bahay na ito ay naging kalabit sa mga paa ko para lumipad nang mabilis pabalik sa taas. Ayokong makita siya. Lalo na sa oras na ito.
Lumipas ang buong gabi. At nang magising ako sa panibagong araw, alam kong panibagong digmaan na naman ang maaari kong kaharapin.
Naligo ako at nag-ayos ng sarili at sinigurong sobrang taas na ng sikat ng araw bago lumabas. Nasa trabaho na ba siya? Sana.
Ngunit ni isa ay walang tao. Wala siya. Wala rin ang mga tauhan niya. Kahit nang sumilip ako sa labas ay wala ring nagbabantay at wala ring ni isang sasakyang nakagarahe hindi tulad nang dati.
Natigilan ako. Totoo bang walang tao rito? Ako lang ba mag-isa?
Bumalik ako sa loob at bahagyang tumingin sa taas. Hindi ko alam kung saan ang kwartong tinutuluyan niya ngayon pero dahil wala kahit ang sasakyan niya ay baka nga wala siya. Pero nakakapanibago, bakit niya ako iniwang mag-isa dito?
Pumunta ako sa kusina, may mga pagkaing nakahanda sa mesa at halatang kakaluto lamang. Wala nang ibang bakas na may taong nanggaling rito bukod sa mga pagkain.
BINABASA MO ANG
Selfless (Doctor Series #3) COMPLETED
Romantizm"Hahayaan kitang magalit at umalis, pero pakiusap... magpakasal muna tayo." Madilim pa sa mundong araw-araw na binabagyo, ganyan ang naging buhay ni Alexin Cervantes matapos sabay na mawala sa kanya ang kanyang mga magulang. Ang tanging naiwan sa...