Kabanata 21
Drunk
"Sumama ka sa akin."
Napalingon ako sa likuran ko, it was Yohan again. Nasa labas ako ng building at hinihintay si Gab dahil nagkasundo kaming lalabas ngayon. Maaga pa naman at hindi pa darating si Rohan.
"Sama? Sa'yo?" nagtataka kong tanong.
"Yup. May pupuntahan tayo." aniya at itinuro ang sasakyan niyang hindi ko alam kung paano nakarating sa harapan namin.
Naglakad siya at lumapit doon. Habang ako'y nanatili sa kinatatayuan ko. At saan naman kami pupunta?
"Diyan ka nalang ba?"
"Saan ba tayo pupunta? Hinihintay ko si Rohan."
Gab isn't an excuse. Kapag sinabi kong si Gab ang hinihintay ko, baka mas hilain niya ako paalis rito.
"Rohan is waiting for you, too. Tara na." binuksan niya ang front seat.
Hindi ako sumagot. Hindi ko siya maintindihan.
"He texted me. Dalhin raw kita ngayon sa ospital."
Napamaang ako. Sa ospital na siya mismo ang may-ari?
"At bakit raw?"
Umiling siya. "Ba't di ka nalang sumama at nang malaman natin kung bakit?"
Yumuko ako at nagdesisyong sumama nalang. Besides, hindi ko pa napupuntahan ang ospital niya.
"Nagsasabi ka ng totoo, diba?" 'di ko maiwasang itanong habang nagmamaneho siya.
Malakas na tawa ang naging sagot niya.
"Are you that scared? It hurts, you know. Nagtitiwala ka sa kapatid ko pero sa akin hindi."
"It's not like that..."
Baka kasi hindi sa ospital ang totoong punta namin. Paano kung dumating si Rohan at hanapin ako? Wala akong cellphone. Tiyak na magagalit 'yon sa akin kapag nalaman niyang sumama ako kay Yohan nang hindi niya alam.
"Natatakot kang baka pagselosan ako ni Rohan?"
"Hindi rin." mabilis kong sagot. Ayokong isipin niya iyon lalo't magkapatid sila.
"We're twins. Aminado akong pareho kami ng mukha. Well, sabi ng iba'y kahit ang physical feature namin ay halos pareho. Alam ko kung anong iniisip ni Rohan. I've been thinking that way also. Pero... alam kong may isang bagay kang minahal sa kanya na hindi mo makikita sa akin. At doon siya nakakalamang. Doon siya nakakasiguro."
Humigpit ang hawak ko sa seatbelt. Tiningnan ko siya at masyadong seryoso ang titig niya sa kalsada.
"Bakit mo nasasabi 'yan? Dumating ba sa puntong nag-away kayo dahil sa iisang babae?"
"Nabanggit na ba sa'yo ni Rohan?"
"Ang alin?" kunot-noo kong tanong. Posible kaya ang iniisip ko?
"Na gusto ka niya dati pa."
Muli kong naalala ang sinabi niya sa akin. Na bata pa lang ako nang una niya akong makita. Na noon pa nila alam na kapatid ako ni Claudia sa ama.
"N-nabanggit niya nga sa akin."
"Ibig sabihin no'n... sa iisang babae lang umikot ang mundo ni Rohan. Sa'yo lang. Bata pa rin naman kami nang makita ka namin." natawa siya sa huli niyang sinabi. "Naaalala mo no'ng araw na nalaman mong may kambal siya? No'ng nagkita tayo sa kusina at akala mo, ako siya. Hindi ba't 'yon din ang araw na binigyan ka niya ng singsing nang ipatawag ka niya at iwan ako?"
BINABASA MO ANG
Selfless (Doctor Series #3) COMPLETED
Romance"Hahayaan kitang magalit at umalis, pero pakiusap... magpakasal muna tayo." Madilim pa sa mundong araw-araw na binabagyo, ganyan ang naging buhay ni Alexin Cervantes matapos sabay na mawala sa kanya ang kanyang mga magulang. Ang tanging naiwan sa...