Kabanata 16
Masikip
He wants me to come back. Pero saan? Bakit? Anong ibig niyang sabihin? Sinasabi niya bang may naiwan ako sa pag-alis ko? Na nawala ang sarili niya dahil umalis ako? Damn. Wala na bang mas mahirap na bagay kesa dito?
Hanggang kailan ko tatanungin ang sarili ko ng bakit? Diba siya naman ang nagpaalis sa akin sa bahay niya? Siya itong kinaladkad ako palabas ng bahay habang wala akong alam kung anong nangyayari, ‘yon ba ang dahilan kaya siya nak-konsensya ngayon at gusto niya akong bumalik?
“Hindi mo kailangang bumawi, Rohan. Nakalimutan ko na ang nangyari. Hindi na ako galit.” buong tapang kong sabi, pilit na inaayos ang sarili sa halos pagkakaduling sa sobrang lapit niya. Hindi ko alam kung bakit ni ang bawiin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya ay hindi ko magawa. Maging ang luha kong nasa bukawi na ng mga mata ko ay nagsi-atrasan.
“What are you still thinking? Na ginagawa ko ‘to dahil gusto kong bumawi? Makabayad sa lahat nang kasinungalinang nagawa ko sa'yo?” tanong niya pero sa ngayon, sa mahina ng boses.
Yumuko lamang ako ngunit ang isa niyang palad ay dumampi sa baba ko para iangat muli ang aking mukha. Nakakatunaw. Gusto kong tumakas ulit, hindi dahil ayokong sumama sa kanya pero dahil hindi ko gusto ang nagiging epekto niya sa akin.
“Anong meron sa inyo ni Yohan?” tanong niya ulit nang magtama ang mga mata namin na mas lalo kong ikinatigil.
“Ni Yohan? Anong ibig mong sabihin?”
“Sumama ka sa kanya kanina. Galing siya sa school niyo, diba? At inihatid ka niya sa tinutuluyan mo.”
“Nakita mo ang lahat ng ‘yon?” maang kong tanong rin ngunit hindi niya sinagot. Titig na titig lamang siya sa mga mata ko na para bang hindi niya ito pwedeng lubayan kahit isang segundo. Sa bawat iwas ng mga mata ko ay patuloy niyang hinuhuli. Hindi ko alam kung anong pwede kong gawin.
“Now tell me, anong meron sa inyo ng kapatid ko?” sobrang riin nang pagkakasabi niya.
Agad ko itong inilingan. “Wala. Nagkataon lang na nagkita kami at pauwi na ako kaya sumabay na ako sa kanya.”
“Really? Kung nagkataong ako ‘yon, sasabay ka ba sa akin?”
Maging si Yohan ay alam ang sagot sa tanong niya. Alam ni Yohan na kung nagkataong siya ang nakita ko kanina ay agad na sana akong kumaripas nang takbo.
“Of course, hindi. Hindi ka papayag lalo na kung sa bahay kita iuuwi.” dagdag niya at marahang hinaplos ang pisngi ko. Pinilit kong huwag pumikit dahil baka hindi ko lamang gustuhin ang maaaring sumunod na mangyari. This is so damn unbelievable. Why would I even feel this way? I remember the night he kissed me inside his car, kung nasaan kaming dalawa ngayon. Galit na galit ako nang gabing ‘yon pero nagawa ko paring magpaubaya. Galit na galit ako pero nagawa ko paring magpakalunod sa nakakalunod niyang halik.
“Because I can’t. Dahil hindi pwede…” napapaos ko ring sabi. Sa sobrang lapit namin ay hindi ko na kailangan pang lakasan ang boses ko para marinig niya ako.
“Si Claudia na naman ba? Hanggang kailan mo iisipin si Clauidia?”
“Hangga’t kasama kita.”
Nakita ko kung pano siya natigilan. ‘Yon ang totoong nararamdaman ko. Siguro ay dahil siya ang ginamit ni Claudia para mawala ako sa eksena.
O baka dahil… buong akala ko ay gusto niya talaga akong pakasalan kahit si papa ang dahilan. Na kahit may kunting rason ay magkaroon siya ng dahilan para maikasal sa akin. Pero wala. Pero hindi. Dahil lahat ng ‘yon ay pagppapanggap lamang para sa isang bagay na pare-pareho naman naming hindi nakuha.
BINABASA MO ANG
Selfless (Doctor Series #3) COMPLETED
Romance"Hahayaan kitang magalit at umalis, pero pakiusap... magpakasal muna tayo." Madilim pa sa mundong araw-araw na binabagyo, ganyan ang naging buhay ni Alexin Cervantes matapos sabay na mawala sa kanya ang kanyang mga magulang. Ang tanging naiwan sa...