Kabanata 24
Run
"Baby... are you mad?"
Inaantok na nagmulat ako ng mga mata. Nakaunan ako sa braso ni Rohan habang nakapalupot naman sa aking baywang ang isa niyang kamay. Nakauwi na kami sa rest house niya. At kahit ilang beses ko nang sinagot ang tanong niya ay tila ayaw niyang maniwala sa sagot kong hindi ako galit.
"Inuwi mo ako sa bahay, ba't mo parin ako dinala rito?" tanong ko. Buong akala ko'y gusto niya na talaga akong bumalik sa bahay.
"Gusto mong doon nalang?" sumimangot siya. "Galit ka nga."
Natawa ako. "Ilang beses ko bang sasabihin hindi nga ako galit? Iniisip ko lang naman na gusto mong umuwi na ako sa bahay tapos ngayon... binawi mo rin naman agad ako."
"That was your home. Ako na ngayon ang bago mong bahay. Kaya sakin ka laging uuwi."
I chuckled. Para siyang batang nakasimangot.
"I'm not mad, Rohan."
"Believe me or not, hindi ko talaga niligawan si Lian. They're both happy now, kasal na nga ata. A month after I've done that shameful thing... umalis ako at nag-umpisang magpatayo ng sarili kong-" I put my thumb on his lips. Hindi nga sabi ako galit, bakit kailangang magpaliwanag pa siya ng paulit-ulit?
"Totoo man 'yon o hindi... that was your past and I was not here at that time. Pero, naniniwala ako sa mga sinasabi mo. You love me, that's all that matters for me now."
"That was a past? You were part of my past! Ikaw lang naman ang nakita ko sa buong buhay ko. You were my past... my present and my future."
Tumagilid ako para humarap sa kanya. Hinaplos ko ang kanyang mukha ngunit hinuli niya ang kamay ko at paulit-ulit itong hinalikan. Ano pa nga bang mahihiling ko? Nawala man sa akin ng sabay si papa at mama, may dumating naman na bago.
Lumipat ang paglalaro niya sa singsing na suot ko. Pareho kaming nakatingin dito at siguro'y pareho rin kami ng mga iniisip ngayon.
"Pwede bang akuhin ka ng buong-buo kahit hindi ka pa handa?" mas pagod ang boses niyang tanong.
"Hindi pa ba?" inaantok na rin ako. Inaantok dahil sa malalambing niyang hawak.
"I wanna marry you right now. Isa bagay lang ang pumipigil sa akin."
Kumunot ang aking noo at mas lalo siyang tiningala. "Akala ko ba'y walang kahit na anong bagay ang pwedeng pumigil sa isang Rohan Sarviento?"
"Mayroon. Ikaw."
"Ako? Pinipigilan ba kita? O kahit ba gusto kitang pigilan sa lahat ng ginagawa mo, may magagawa ba ako kung gusto mo talaga?"
Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Tila nanghahamon ito at may isang bagay na iniisip na sa ngayon ay tuluyan ko nang hindi mabasa.
"What? Anong iniisip mo?" dugtong ko lalo't mula sa pagiging seryoso ay bigla siyang ngumiti nang pagkalawak-lawak.
"Nothing. Masaya lang ako na isiping maihaharap rin kita sa altar balang araw. Wala ako ni isang pangakong hindi tinutupad, lalo na sa mga bagay na may kaugnayan sayo."
Muli akong may naalala. Gusto ko talagang malaman kung anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya kanina. May kinalaman iyon kay mama, anong hindi ko alam?
"About what you've said earlier... 'yong tungkol kay mama. Anong ibig mong sabihin?"
Hindi siya agad nakasagot. Sumeryoso ulit ang mukha niya at isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan.
BINABASA MO ANG
Selfless (Doctor Series #3) COMPLETED
Storie d'amore"Hahayaan kitang magalit at umalis, pero pakiusap... magpakasal muna tayo." Madilim pa sa mundong araw-araw na binabagyo, ganyan ang naging buhay ni Alexin Cervantes matapos sabay na mawala sa kanya ang kanyang mga magulang. Ang tanging naiwan sa...