Kabanata 7
Ring
Hindi maalis sa isip ko ang sinabi niya. Anong bagay ang matagal nang sira? Anong hindi niya makalimutan? Masyado itong malalim para maintindihan ko iyon nang ganoon kababaw. Nagpapaliwanag siya pero mas lalo lamang akong naguguluhan.
Natapos ang araw na iyon na hindi na kami muli pang nagkibuan. Laking pasalamat ko dahil ayoko nang madagdagan pa ang mga iniisip ko. Naging abala siya, siguro'y inasikaso niya ang mga nahuling tauhan ni papa?
Pero imposibleng pakawalan niya ang mga ito tulad nang gusto kong mangyari, dahil oras na ginawa niya ay malalaman ng lahat kung anong ginagawa niya sa likod ng papa ko.
Nakatulugan ko ata ang ganoong pag-iisip. At gumising akong wala na siya. Ang naabutan ko na lamang sa baba ay si kuya, iyong tauhan niyang pinagtanungan ko tungkol sa trabaho niya nakaraang araw.
"Nasa trabaho na siya, ma'am. Bilin niya sa amin na paggising mo ay dalhan ka ng pagkain sa taas." sabi nito. May iilan pang tao sa labas ng pinto. At talagang pati pinto ay may bantay? Iniisip niya bang tatakas ako?
"Kuya, hindi mo naman ako amo kaya 'wag mo akong tawaging ma'am."
Naiilang ako. Kahit sanay ako sa bahay dahil marami ring tauhan si papa, hindi naman sila nagt-trabaho sa pamilya namin para tawagin ako ng ganoon.
"Bilin rin po sa amin ni sir iyon, ma'am."
Napasimangot ako. Ganito ba siya sa mga tauhan niya kahigpit?
"Wala naman siya dito, kuya. Hindi mo ako kailangan tawagin nang ganyan kung wala siya." nakangiti kong sabi. Hindi ko siya kailangang pilitin kapag nandito si Yohan, talagang mainitin ang ulo niya kaya naiintindihan ko kung takot sila sa kanya.
Hindi siya sumagot, yumuko lamang.
"Dito na ako sa kusina kakain, kuya. At saka hindi ako tatakas, sabihan mo silang huwag masyadong alerto."
Itinuro ko ang mga tao sa pinto na kulang nalang ay mag-panic habang nakamasid sa akin. May plano akong tumakas pero hindi ngayon. Wala si Yohan kaya kakain muna ako nang marami.
"Sige po."
Napailing akong pumunta sa kusina. Kumain ako nang marami. Hind ko alam kung bakit pero dahil wala siya dito ay bumalik lahat nang gutom ko nitong nakaraang dalawang araw. Iniisip ko rin sigurong pagbalik niya mamaya ay hindi na naman ako makakakain nang maayos. Kailangan kong mag-isip ng iba pang paraan para magbago ang isip niya. Paano ko naman aalisin ang galit sa puso niya? Masyado itong matigas dahil para iyon sa papa niya. Tulad nang mga sinabi niyang makahulugang pilit ko paring iniintindi hanggang ngayon.
Nag-iisa lang ba siyang anak? Siguro? Kasi noon, akala ko ay nag-iisa rin ako. Pero dumating si Claudia sa buhay namin. At mas nauna siyang dumating sa buhay ni papa bago ako.
Siguro'y isang oras akong nagtagal sa kusina. Paglabas ko ay nandoon parin kung saan ko iniwan sina kuya. Hanggang sa may naisip akong itanong ulit, lumapit ako at nakita ko ulit kung paano nag-panic ang mga kasama nitong nasa pinto.
"Kuya..." tawag ko.
"Po?" aniya.
"Uhm... amo niyo si Yohan, diba? Ilang taon na siya?"
Alam kong imposibleng malaman ko 'yon mula sa kanya kaya sa tauhan niya na lang ako magtatanong.
Pero hindi siya agad nakasagot. Nagsalubong lang ang mga kilay niya at nagkatinginan rin ang mga nasa pinto.
"Si sir Rohan po ang amo namin, ma'am."
Napaawang ang mga labi ko, hindi sigurado sa narinig. "Rohan?" pag-uulit ko. Hindi Yohan?
BINABASA MO ANG
Selfless (Doctor Series #3) COMPLETED
Romance"Hahayaan kitang magalit at umalis, pero pakiusap... magpakasal muna tayo." Madilim pa sa mundong araw-araw na binabagyo, ganyan ang naging buhay ni Alexin Cervantes matapos sabay na mawala sa kanya ang kanyang mga magulang. Ang tanging naiwan sa...