Maraming salamat po. Kay maesjb Leiym919 AniessaGabrielle at Shiela Marie Dagasdas, sa inyong apat na sobra-sobra kong nadama ang suporta, at sa lahat nang tahimik na nagbabasa, ang huling bahaging ito ay para sa inyo. Gracias!
Epilogue
I feel so unsafe right now. I keep so much pain inside myself. It has changed me into something I never meant to be. Kung ang takot, galit at awa sa sarili ang pagbabasehan, hindi ko alam kung anong mas mangingibabaw sa akin.
Bakit katulad ng mundo, bakit kailangan nating umikot para masabing patuloy na nabubuhay? Bakit kailangang makaramdam muna ng kirot para mapatunayang mayroon pa tayong pandama? O baka hindi katulad ng mundo, hindi naman tayo ang umiikot, tayo ang pinaiikot-ikot.
"Bakit tahimik ka diyan? Nasaan na ang matapang na-"
"Huwag mo akong gagalitin." matapang kong putol sa nagsalitang katabi ko.
Ang mga kamay ko'y kanina pa nakakuyom. Isang galaw lamang ang hinihintay ko mula sa kanila at tuluyan na akong sasabog. Ang takot ay gagawing mahina ang tao, ngunit hindi nang galit.
"Aba, mas tumapang!" sigaw nila at nagtuksuhan pa.
"Bakit kayo nandito? Bumalik ba kayo kay papa pagkatapos niyo siyang traydurin? Ang kakapal ng mukha niyo! Mapagsamantala! Bakit? Dahil wala na si papa? Kaya si Claudia naman? At nagpapagamit kayo sa kagustuhan niya?" puno nang panlulumo kong sabi.
Hinintay kong may gawin sila sa akin, pero wala. Nandito ako at lulan ng isang sasakyan dahil hiniling ko kay Claudia na makausap si Rohan. Pero hindi ako sigurado kung saan nga ba ako makakarating. Kay Rohan ba? O sa panibagong kapahamakan na kahit si Rohan ay hindi na ako kayang isalba pa?
Baka sa lahat ng bagay, ang pangaral lamang ni mama ang tama. Na sa huli, walang ibang tutulong sa akin kundi ang sarili ko. Na kailangan kong maging matapang hindi para sa ibang tao kundi para sa akin.
Nagpatuloy sa pagtakbo ang sasakyan. Nagpaubaya ako ngunit naging alerto ang aking diwa. Pero hindi, bigla nalang nandilim ang aking paningin dahil sa telang tumama sa aking mga mata.
"Bullshit! Alisin niyo ito!" sigaw ko at pilit itong inaalis ngunit kamay ko naman ang nagawa nilang itali.
"Bilis na. Nandito na tayo." rinig kong sabi nang nasa front seat. "Kanina pa tumatawag si ma'am Claudia."
"Damn you! Damn you!" halos malagutan na ako ng hiningang sigaw. Kung nakagapos at wala akong makita, paano ako manlalaban?
"Higpitan niyo ang tali! Baka maalis!"
"Mga walang hiya! Mga traydor!" pilit akong naglumikot at baka may magawa pa ako pero unti-unting naninikip ang lahat sa akin. Ang tali, ang hangin, ang pag-asa.
Tumigil ang sasakyan. Tumahimik ang paligid at wala akong ibang narinig kundi ang pagbukas at muling pagsara ng pintuan. Labis na takot na ang lumulukod sa akin dahil wala akong makita. Pero hindi, kailangan kong maging matapang. Si Claudia ang may kagagawan nito at hindi dapat ako matakot sa kanya dahil kapatid ko siya.
"Ano? Ilalabas na ba?" isang tanong na walang sumagot.
Muling bumukas ang pinto at may nagsibabaan. Isang kamay ang humila sa akin at kahit anong ginawa kong pagpiglas, nagawa nila akong ilabas.
BINABASA MO ANG
Selfless (Doctor Series #3) COMPLETED
Romance"Hahayaan kitang magalit at umalis, pero pakiusap... magpakasal muna tayo." Madilim pa sa mundong araw-araw na binabagyo, ganyan ang naging buhay ni Alexin Cervantes matapos sabay na mawala sa kanya ang kanyang mga magulang. Ang tanging naiwan sa...