Prologue

1.8K 38 1
                                    

Prologue

"Disgraya! Umalis ka sa pamamahay na ito!"

"Narinig mo, diba? Get out! Get lost!"

Pilit akong yumuko para itago ang mga luhang alam kong kanina pa pinagp-pyestahan ng kanilang mga mata. Laglag ang aking mga balikat na naglakad sa harap nila ngunit biglang may humablot sa aking braso at sinakal ito nang pagkariin-riin. Napangiwi ako sa sakit.

"At saan ka pupunta?" aniya Claudia. Nakataas ang isa niyang kilay na kitang kita ang panggigigil sa akin.

Kay papa ako bumaling. "Kukunin ko lang po ang mga gamit ko."

"Ano? May mukha ka pa talaga para kumuha ng gamit?" si Claudia ulit ang sumagot. Mas dumiin ang hawak niya sa aking braso. Dahan-dahan ko itong binawi pero mas lalo lamang niyang idinidiin ang kanyang kuko.

"Wala na ba akong karapatan pati sa mga gamit ko?"

Hindi ko maiwasang maipakita ang iritasyon sa boses ko. Kung ito man ang maaaring mangyari sa akin sa araw na ito, gusto kong makipag-usap kay papa at hindi sa kanya.

"Papa said get out of this house! Bingi ka ba? Hindi ka ba makaintindi?"

"Kaya ko nga kukunin ang mga gamit ko. Aakyat lang ako at lalabas rin agad." pinilit kong maging mababa ang boses at huwag itong tuluyang mabasag.

Sinubukan ko ulit humakbang pero itinulak niya ako dahilan para matumba ako sa harapan nila. Ang mga katulong namin na nakikinig ay medyo napasinghap nang makita ang aking pagkakadapa.

"Iyan ang bagay sa'yo! Matapos kang kupkupin at buhayin, ngayon ay ganito lamang ang igaganti mo sa amin? Wala kang utang ng loob!"

Napapikit ako nang mariin, pilit iniinda ang kirot ng siko ko na siyang malakas na dumapo sa muwebles na sahig. Unti-unti akong tumayo at tumingin sa kanila. Sa sitwasyon ngayon, hindi ko inisip na magkakaganito ang pamamahay na ito oras na nawala si mama.

Halos tatlong buwan pa lamang ang lumipas nang namatay si mama. Presko pa lahat sa isip ko at hindi pa ako nakakalimot. Ang sugat na iniwan nito ay malalim parin. Walang araw na hindi ako nangungulila. Ngunit parang ako lamang, parang ako lamang ang nagluluksa.

"Papa..." I looked at him, almost begging. Nagbabakasakaling makita ko ulit ang aking ama na kaya akong ipatanggol sa marami. Umaasa ako na baka magbago ulit ang isip niya, na bawiin niya ang kanyang sinabi na isa lamang akong disgrasya.

"Get out. Kung hindi mo ako kayang tulungan, umalis ka nalang!"

My tears fell. This is too much. Hindi ko kayang pagbigyan ang hinihiling niya. I'm too young. I just can't!

"I can't do that, papa. Hindi ako pwedeng magpakasal dahil lang sa gusto niyo akong ipakasal bilang kabayaran! Hindi niyo ako pwedeng ipamigay nalang ng basta-basta..." nanghihina kong sabi.

After mom died, lahat ng negosyo ni papa ay bumagsak. Nabaon siya sa utang at nalulong sa iba't ibang larangan ng sugal. And now as his payment, ako ang ginagawa niyang pambayad. Gusto niyang ipakasal ako sa isang anak ng lalaking pinagkautangan niya nang sobrang malaking halaga. When he told me about this few weeks ago, hindi na ako pumayag. At ngayong pinipilit niya akong gawin ito, he's eager to send me off this house. He's willing to abandon me, my own father.

"Lumayas ka! Wala kang karapatang dalhin ang pangalan ko kung hindi mo kayang sundin ang mga sinasabi ko! Wala kang kwenta! Malayong malayo ka sa kapatid mo!"

"Kung ganoon, bakit hindi nalang siya ang ipakasal niyo?"

Ngumiti lang si Claudia. Habang ako, basang-basa na ang mukha dahil sa aking luha. She's confidently smiling. Iyong tipong alam niyang kahit ano pang sabihin ko ay hawak niya ang kwelyo ni papa.

Tatlong taon ang tanda niya sa akin. Pero dahil anak siya sa labas ni papa at hindi sa mas maagang panahon siya naipakilala sa aming dalawa ni mama, hindi ko na napag-aralang tawagin pa siya ng ate. Siguro'y dahil na rin sa nalaman ni mama na nagkaroon ng anak sa ibang babae si papa na inilihim niya sa mahabang panahon, nagsimulang magkasakit si mama dahilan para pagkaraan ng dalawang taon ay tuluyan na siyang namaalam. Wala akong sinisisi sa nangyari, at ayokong magkaroon ako ng dahilan para manisi.

"Bakit niyo ito ginagawa? Alam niyong hindi papayag si mama sa gusto niyo-"

"Your mama is dead!"

Idinuro ako ni Claudia at ang sinabi niya'y paulit-ulit na umikot sa pandinig ko. Ang pagkakasabi niya'y parang isang kagalakan na nagsasabing iyon lamang ang hinihintay niya para tuluyang maangkin ang lahat ng akin.

"Mama is dead, pero hindi parin tamang-"

"Stop your elusion! Masyado kang madrama! Umalis ka nalang kung ayaw mong pumayag!"

Umiling ako ng ilang beses. They can't do this to me. May karapatan ako kaya hindi nila pwedeng gawin sa akin ito, pumayag man ako o hindi sa gusto nilang gawin.

"You can't do this to me. I'm your daughter!" humahagulgol kong sabi. Alam kong hindi dapat ako umiiyak sa harapan nila pero hindi ko na kayang pigilan.

Hindi ko alam kung paano naging komplikado ang mga bagay na malumanay lamang dati. Kung nalulong si papa sa sugal dahil sa pagkawala ni mama, hindi parin tamang ako ang maging kabayaran. I'm still young to settle down, lalo na ang magpakasal sa taong hindi ko kilala. Hindi ko alam kung paano sila matutulungan gayong nag-aaral pa ako. But this kind of consequences? This is beyond their limits.

"Enough! Magiging anak lamang kita kapag pumayag kang magpakasal!"

Nanikip ang aking dibdib. Ang boses ni papa ay tila isang kulog na umalingawngaw sa loob ng bahay. Hindi lamang ako ang nakarinig kundi lahat ng taong nandito.

Sinubukan kong humakbang ulit ngunit muli akong naitulak ni Claudia. Mas malakas sa pagkakataong ito. Pabagsak akong napaupo pero pinilit ko paring tumayo. Si papa ay nawala na sa paningin ko. Tuluyan siyang umalis at tila walang pakialam kung anong pwedeng mangyari sa akin. He's not my father anymore. What happened to him? Nawalan ako ng ina, ngayon ay ama naman.

"Claudia, please..." wala na akong ibang magawa kundi ang magmakaawa. Oras na lumabas ako sa pinto ng bahay na ito ay wala akong ibang mapupuntahan. "Don't do this to me."

Ngunit muli lamang siyang tumawa. "I like you begging. Beg more."

Lumuhod ako sa harapan niya. Bahala na. Kailangan ko lamang nang matitirhan at hindi ko kayang umalis sa bahay na kinalakhan ko.

"Parang awa mo na... 'wag mo akong paalisin."

I heard her chuckled. Ang kanyang tawa ay naging mapanuring halakhak.  "I like you begging pero hindi ko sinabing papayag ako. Now, out! Get out!"

Hindi ako natinag. Nakayuko lamang ako at nakaluhod.  "Please..."

"Out!"

Nang hindi parin ako kumilos ay tuluyan na siyang naubusan ng pasensya. Hinila niya ako sa buhok at mabilis na hinila patayo at palabas ng pinto. Napangiwi ako sa kirot at nagpatianod sa sakit. Hinawakan ko ang kanyang kamay na nandoon at pilit itong binabawi.

"Hindi ka kasi madaan sa maayos na usapan! Diyan! Diyan ka nararapat!"

Para akong basurang basta na lamang itinapon sa labas ng pinto. Isang bagay na matapos magkaroon nang pakinabang ay basta-basta na lamang itatapon dahil wala nang silbi.

"Claudia-" ngunit bigla niyang isinarado ang pinto.

Ang mga tauhan ni papa na nasa labas at alam kong alam rin kung anong nangyayari ay nakatingin sa akin. Gusto kong humingi sa kanila ng tulong ngunit mukhang wala akong mapapala. Wala akong nakikita kahit kunting habag sa kanila, na para bang oras na nagpakita sila nang kaunting awa ay mawawalan naman sila ng trabaho sa kamay ni papa.

Laglag ang balikat na naglakad ako palabas nang mahabang lote ng bahay. Pinipigilan kong huwag humikbi. Saan ako pupunta ngayon? Saan ako pwedeng magpalipas ng gabi sa ganitong oras? Ni wala akong dalang gamit. Kahit cellphone ko ay naiwan ko sa kwarto, kahit pera.

Walang wala ako.

Mag-isang naglalakad sa dilim ng gabi. Walang mapuntahan. Walang pwedeng sumalba.

Selfless (Doctor Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon