Kabanata 3
Yohan
Hindi ko alam kung gaano kahimbing ang naging tulog ko. Minsan akong naalimpungatan nang may naghatid ng pagkain ngunit dahil labis na inaantok ay muli akong nakatulog. Ewan ko kung ilang beses iyong nangyari. Hindi ko na rin napansin kung ilang beses na may pumasok at kung ilang tao ang sumubok na kausapin ako. Dahil na rin siguro sa sakit ng katawan at hindi ko pagtulog nang magdamag kagabi ay nagawa kong magpahinga maghapon.
Nang magising ako ay madilim na ulit ang paligid. Agad akong napabangon nang makitang wala na ang sinag ng araw na nanggagaling sa bintana. Kumakalam na rin ang tiyan ko at naisip na kagabi pa ako hindi kumakain.
"I'm starving." bulong ko sabay linga sa paligid. Madilim kaya kinapa ko ang lamp shade sa gilid at binuksan iyon. Isang bultong nakaupo sa harap ng kama ang halos nagpatalon sa akin.
"What the hell?! Huwag mo akong ginugulat!" hawak ang dibdib na sigaw ko sa kanya. Totoong nagulat ako!
Hindi siya natinag o nagulat man lang sa naging reaksyon ko. Tahimik lamang siyang nakaupo at matamang nakatingin sa akin. Kanina pa ba siya dito? Pinanood niya ba ako habang natutulog?
Tumayo agad ako sa inis at nagtungo sa banyo. Isinarado ko ang pinto. Nakakainis. Sa totoo lang, mas gusto ko pang magpabugbog kesa magulat sa ganoong paraan.
Tumingin ako sa salamin. Hindi naman magulo ang mukha ko pero inayos ko parin ito maging ang suot kong damit. Maya't maya'y narinig ko ang pagtunog ng tiyan ko kaya napapikit ako.
"Gutom na ako..." bulong ko sa hangin.
May biglang kumatok kaya agad akong napaayos. Alam ko kung sino kaya hindi ko ito binuksan.
"Lumabas ka diyan." may awtoridad niya na namang sabi.
Gusto ko nang umalis dito. Kung wala siyang planong saktan ako, bakit ayaw niya parin akong paalisin? Dahil na rin siguro nakatulog ako ay kaya ko nang makapag-isip nang mas maayos. Hindi niya ako kailangang kupkupin dahil lang sa nalaman niyang pinalayas ako sa bahay.
Nang maramdamang wala ng tao ay saka lamang ako lumabas. Pero nakatayong siya sa harap ng pinto ang agad kong nadatnan, ang isang kamay niya ay nakatukod sa pintuan kaya nagulat na naman ako nang buksan ko ito.
Nagtimpi akong huwag ulit siyang masigawan. Umiwas ako sa braso niya at naglakad pabalik sa kama.
"Hindi ka raw kumain maghapon. Gusto mong mamatay?" tanong niya, nasa pintuan parin.
Hindi ako sumagot. Gutom ako kaya pinagsisisihan ko nang hindi ako kumain.
"Hindi ka kumain pero nagrereklamo ka ngayong gutom ka na."
Narinig niya ba ako? Malamang! Sinabi ko kaninang gutom ako bago ko pa nalamang nandito siya sa loob!
"Nakatulog ako." tipid kong sagot sa mababang boses.
"Gising ka na. Kumain ka na."
Tiningnan ko ang lamesang pinagpapatungan nila ng pagkain, walang tray doon ngayon. Anong kakainin ko?
"Wala akong gana." pagsisinungaling ko, nahihiyang magtanong kung anong pwede kong kainin gayong wala namang pagkain dito ngayon.
"You're killing yourself. Kung papatayin mo ang sarili mo sa gutom, sana pala ay hindi nalang nagsayang ng mga bala ang mga tauhan ko para iligtas ka."
Hindi niya ba makuha ang punto ko? Kung alam niyang gutom ako, sana'y binigyan niya muna ako ng pagkain bago niya sinabing kumain na ako!
"Gutom ako pero wala akong gana."
BINABASA MO ANG
Selfless (Doctor Series #3) COMPLETED
Romance"Hahayaan kitang magalit at umalis, pero pakiusap... magpakasal muna tayo." Madilim pa sa mundong araw-araw na binabagyo, ganyan ang naging buhay ni Alexin Cervantes matapos sabay na mawala sa kanya ang kanyang mga magulang. Ang tanging naiwan sa...