Kabanata 15
Come Back
Hinayaan ko siyang ibaba niya ako sa mismong tapat ng apartment na inuupahan ko. Hindi ko na naitanong pa kung ano talaga ang totoong sadya niya sa school namin o kung nagkataon nga lang ba talaga ang pagkikita namin kanina.
"I won't tell Rohan about this. Malalaman niya kung saan ka nakatira kung gugutuhin niya talaga, kahit hindi ko sabihin." sabi niya sa akin bago ako bumaba ng sasakyan. Isang ngiti at kaway lamang ang naging sagot ko bago ako tuluyang nagpaalam.
Tulad ng mga nagdaang araw, pipiliting kong maging maayos habang nasa trabaho. Si Yuki agad ang laging hinahanap ng mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit pero kapag si Yuki ang kausap ko, pakiramdam ko'y lahat ng pagod ko maghapon ay nababawasan.
"Ano ba 'yan. Inaabangan ko pa naman ang pagsulpot ulit no'ng lalaki, eh. Hindi ko tuloy alam kung talagang concern talaga siya sa'yo." nakasimangot niyang sabi pagkatapos naming nai-serve ang mga orders sa isang mahabang lamesa.
"Hindi na 'yon babalik. Pinagsabihan kong huwag na siyang babalik kaya hindi mo na ulit siya makikita."
Mas lalo siyang sumimangot. "Eh, paao kung bumalik? Maniniwala ka na ba sa akin na mahal ka niya?"
Pinandilatan ko siya at sininyasang hinaan ang boses dahil baka may makarinig sa amin. Baka mapagalitan pa kami dahil nagch-chismisan sa oras ng trabaho.
"Hindi nga kasi ganoon 'yon, Yuki. At kung babalik man siya, babalik siya pero hindi para sa bagay na sinasabi mo."
"Pustahan talaga tayo, kapag bumalik 'yon at inayawan mo pa ulit? Aamin na siya tungkol sa nararamdaman niya. Hindi ko alam kung sadyang duwag lang siya o ikaw ang manhid. Ewan ko sa inyong dalawa." mahaba niyang sabi at iniwan akong hawak-hawak ang isang tray. Umiiling na sinundan ko siya para kumuha ulit ng ilang mga orders.
"Alexin!" narinig kong tawag sakin ng manager namin. Halos lahat kami ay napalingon sa lakas nang pagkakasabi nito ng pangalan ko. Minsan akong sumulyap kay Yuki na sa akin rin nakatingin at 'di ko maiwasang makaramdam nang kaba dahil baka pagagalitan niya lang ako kaya niya ako tinatawag.
"Yes, sir?" tanong ko at mabilis na lumapit sa kanya.
"Table seven, one red wine good for two heads." mabilis rin nitong sagot at agad akong tinalikuran para kausapin din ang ibang staff. Nakahinga ako nang maluwang. Akala ko ay ano na.
Kumuha ako ng isang bote ng red wine at dalawang goblet. Maingat pa akong lumabas ng counter dahil lahat ay halos nagmamadali sa kahahatid ng ibang mag orders. Kaya nga kahit anong antok pa ang nararamdaman ko ay agad ring nawawala dahil sa ganitong ambiance ng restaurant.
Lumapit ako sa table seven at maingat na inilipag sa table nila ang bote ng wine ganoon na rin ang baso.
"Thank you, ma'am and sir." nakangiti kong sabi at akma nang aalis ngunit isang kamay ang pumigil sa pulsuhan ko. Agad akong tumingin sa may-ari ng kamay na 'yon, at napigil ko ang aking paghinga nang makita si Rohan at nang tingnan ko kung sino ang kasama niya, si Claudia.
Nag-iwas ako nang tingin. Isa sa mga rules ng restaurant ay ang hindi pagtingin mata sa mata ng mga customers kung hindi naman kami kinakausap kaya madalas ay nakayuko lamang kami at nakatingin sa mga pagkaing inihahanda namin habang nags-serve. Kung sana pala ay kanina pa ako tumingin, mas maaga ko pa sanang nalaman na nandito sila. Damn shit.
"Ahmm..." wala akong masabi habang pilit kong binabawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Ang ibang lamesa na katabi lamang nila ay sa mga kamay na namin nakatingin.
"What are you doing, Rohan? Let go of her hands." mahina ngunit may riing utos sa kanya ni Claudia. Bakas na bakas sa boses niya ang pagkairita dahil sa nakikita.
BINABASA MO ANG
Selfless (Doctor Series #3) COMPLETED
Romance"Hahayaan kitang magalit at umalis, pero pakiusap... magpakasal muna tayo." Madilim pa sa mundong araw-araw na binabagyo, ganyan ang naging buhay ni Alexin Cervantes matapos sabay na mawala sa kanya ang kanyang mga magulang. Ang tanging naiwan sa...