Kabanata 4

901 26 2
                                    

Kabanata 4

Alright

"That's it? Then from now on, turuan mo ang sarili mong mahalin ako."

Napawi ang lahat nang nararamdaman ko para sa kanya, inis, galit at pagkamangha. Kahit tinalikuran niya ako pagkatapos sabihin iyon ay hindi ko parin makuha kung anong ibig niyang sabihin. Ni hindi malinaw sa akin kung ano ang sinabi niya, basta nalang siya umalis.

Sinundan ko siya at lumabas ako ng kusina. Naabutan ko siyang paakyat na sa ikalawang palapag kaya agad akong tumakbo para habulin siya.

"Yohan!" hinawakan ko ang braso niya at malakas siyang hinila paharap sa akin. Nabigla siya sa ginawa ko, inalis niya agad ang aking kamay na para bang napaso siya kahit na sa simpleng paghawak ko.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong sabi, hindi pinansin ang naging reaksyon niya. Gusto kong sabihin niya na mali ang iniisip kong siya ang lalaking posibleng ipakasal sa akin. Napakaimposible!

"I told you stop calling me-" pagalit niyang sabi at tumigil, tumingala siya na para bang may pinipigilan siyang kung ano.

"Ang sabi ko ay anong ibig mong sabihin."

Wala akong pakialam kung ayaw niyang tawagin ko siya sa pangalan niya!

"Sagutin mo ako! Hindi ikaw ang ipapakasal sa akin, diba?" mabilis kong sabi. Dahil kung siya, talagang mas maguguluhan ako kung bakit ako napunta rito.

Huminga siya nang malalim at mariing pumikit. Ganoon rin ata ang ginawa ko.

"At kung sabihin kong oo?" aniya.

Halos mangatog ang aking tuhod. Napakaraming tanong na naman ang sumagi sa utak ko pero kahit ni isa roon ay wala akong masagot. Siya ang lalaking tinutukoy ni papa? Kung gayon ay anong ginagawa ko dito? Ayokong ikasal pero nandito ako sa bahay ng taong ipapakasal sa akin!

"P-paano nangyari..." hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Wala akong mahanap na salita.

Alam kong hindi lang iisa o dalawang tao ang pinagkakautangan ni papa at isa na ang pamilya niya. Pero simula nang magising ako kagabi hanggang ngayon, ni minsan ay hindi sumagi sa utak ko na maaaring siya ang lalaking iyon.

"Tumakas ka dahil ayaw mong magpakasal sa akin. Pero kahit ganoon, nagawa ka paring iligtas ng mga tauhan ko."

Kumuyom ang mga palad ko. "Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo. Galit ka kay papa kaya imposibleng pumayag ka sa gusto nila. Ikaw dapat ang unang humindi!"

Tiniis kong huwag mabasag ang boses ko. Unti-unti na namang may bumabara sa aking lalamunan. Ayokong umiyak, kahit na ilang beses niya na akong nakitang nalulunod sa sarili kong luha.

"Sa tingin mo ba'y gusto ko rin ang sitwasyong ito? Kaya nga ako galit sa papa mo, dahil wala na siyang maipambayad at ikaw nalang ang kaya niyang ibigay."

Nanliit ako sa sarili ko dahil sa sinabi niya. Agad nahulog ang luha ko at muling naalala na itinakwil ako ng sarili kong ama dahil hindi ako pumayag sa bagay na ito. Habang ngayon, nandito ako, muling isinampal sa akin ng lalaking gustong ipakasal sa akin na kayang-kaya lamang akong ipamigay ng sarili kong magulang.

Katumbas ko lang ba ay pera? Ang halaga ko rin ba ay tulad lamang ng pera?

"I'll pay you. Ako ang magbabayad ng lahat-lahat. Bigyan mo lang ako nang kaunting panahon para makagawa ng paraan." sagot ko at agad pinalis ang luha sa pisngi ko.

"I don't think so. Hindi ko alam kung kaya mong bayaran."

Mas lalo akong nanginig sa paraan ng pagkakasabi niya nito sa akin. Natakot ako sa maaaring halaga ng utang ni papa na iniisip niyang hindi ko kayang bayaran. Hindi ko rin alam kung paano, pero bahala na. Ayaw kong magpakasal at ayaw niya ring magpakasal sa akin. Gagawa ako ng paraan, gaano man kalaki ang halagang kailangan niya.

Selfless (Doctor Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon