Kabanata 18

800 27 1
                                    

Kabanata 18

Want

Tahimik kaming naglakad hanggang sa makapasok kami sa sasakyan niya. May isang bagay akong gustong sabihin pero parang hindi tamang ngayon ko ito sabihin. Alam ko kung bakit siya galit, pero wala naman akong ginawang masama, diba?

"Sa bahay tayo ngayon uuwi." sabi niya habang nagkakabit ng seatbelt. Napamulagat ako.

"S-sa bahay mo?" kinakabahan kong sabi.

"Sa bahay natin."

Lihim akong napakurap-kurap. Bahay natin? Bahay namin? Sa bahay niya?

Hindi pwede! Kailangan kong bumalik sa restaurant para ayusin ang ginawa niyang gulo kagabi!

"Rohan, I can't. Kailangan kong makipag-usap sa manager ko at ayusin ang nangyari kagabi. Kailangan kong bumawi dahil kung hindi... tiyak na masisibak ako sa trabaho." mabilis kong sabi habang hindi siya nilulubayan ng tingin. He is now driving, hindi parin makatingin sa akin.

"You're not going back. Hindi ka na magtatrabaho."

Ano? "No! Kailangan ko nga sabi ang trabahong 'yon! Kahit hindi ko sabihin kung bakit ay alam kong alam mo." naiirita na ako. Hindi pwedeng mawala sa akin ang trabaho ko dahil hindi ko alam kung makakapaghanap pa ba ako ng bago gayong abala na ako sa pag-aaral. Isa pa, kulang pa ang naipon ko para ipambayad sa natitirang tuition fees ko.

"Rohan, please... I'm going with you but not this time. Just let me fix-"

"Kinausap ko na ang manager mo at sinabi kong hindi ka na babalik. Binayaran ko na rin kanina ang natitirang amount sa account mo. I'll take you home now, ipapasunod ko nalang ang mga gamit mo. I'll take you to school and fetch you every day. Walang lakad na hindi ako ang kasama mo. That's a command Alexin, that's not a request nor a question for you to say no."

Napamaang ako at hindi makapaniwala sa narinig. Is he joking? Alam niya ba kung ano ang mga sinabi niya? Nakipag-usap na siya sa manager ko? At anong sabi niya? Binayaran niya ang amount sa account ko?

"Bakit mo ginawa 'yon? Sinabi ko bang makialam ka? Hindi porke pumayag akong matulog nang kasama ka kagabi ay gagawin mo na ang lahat nang gusto mong gawin! That was not part of your responsibility!"

Alam kong mali ang sinabi ko pero hindi parin tama ang ginawa niya. Naiiyak na ako. Gusto kong patunayan sa sarili kong kaya kong mag-isa, o kaya ko paring itaguyod ang sarili ko kahit na tanggap ko nang kasama ko siya. Pero ang gawin niya ang mga bagay na 'yon nang wala akong pahintulot? Para niya na ring sinabi na hindi ko kaya. Na mahina ako, na wala siyang tiwala sa akin.

"You're my responsibility."

Pumikit ako at hinilot ang sariling sentido. Bumaling ako sa bintana at nanatili nalang na tahimik. Ayokong magsalita dahil baka may masabi lamang ako na hindi maganda. Damn. Just damn it.

"I'm sorry. Alam kong magagalit ka pero ginawa ko parin. I have no choice... hindi ko kayang makita kang nagkakandarapa sa pagtatrabaho sa gabi kung may magagawa naman ako. Alam kong kaya mo pero hindi ko kaya. I can't let you see that way."

"Nahihiya ka ba sa trabaho ko?" mapait kong sabi. Hindi ko rin maiwasang isipin 'yon ngayon. Wala namang masama sa trabaho ko, diba? Dapat ba akong maniwala sa sinasabi niya?

"May bagay ba akong dapat na ikahiya pagdating sa'yo?"

"Then stop doing this! Huwag mong ipamukha sa akin na hindi ko kaya! Na hindi ko kayang gawin ang lahat ng bagay kung wala ka! Kung wala ang tulong mo!" nakapikit pa rin ako, natatakot akong kapag nagmulat ako at tumingin sa kanya ay mahulog na ang luhang ang tanging pumipigil lamang ay pagkakapikit ng mga mata ko.

Selfless (Doctor Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon