Kabanata 5
Kasal
Mabilis akong tumayo nang sumarado ang pinto. Bumilis ang tibok ng puso ko, pilit ipinapasok sa utak ang huling sinabi niya.
He's unbelievable! Ibig niya bang sabihin ay kwarto niya mismo itong ginagamit ko? Kaya ba lahat ay gamit panlalaki maging ang kulay ng buong disenyo?
No! Alam kong hindi niya kwarto 'to. Sa laki ng bahay niya ay siguradong marami pang bakanteng kwarto at doon niya dapat ako itinapon. Ano namang plano niya para ipagamit sa akin kahit ang kwarto niya? Hindi ako naniniwala!
Pero dahil sinabi niyang babalik siya at dito matutulog, nagsimula akong mag-panic habang nakatayo sa harap ng pinto. Kahit na i-lock ko ito ng sampung beses ay mabubuksan niya parin dahil may susi siya. Oras na pumasok siya ulit ay susuntukin ko nalang siya ng diretso. Tama.
Nag-abang lang ako sa harap ng pinto. Idinikit ko pa ang tenga ko roon para lang marinig ang mga yapak niya sa labas. Pero wala akong marinig. Hindi ko alam kung dahil wala pa siya o sadyang hindi lang talaga rinig dito sa loob ang ingay mula sa labas. Naglakad-lakad ako. Hindi niya rin naman tototohanin, diba?
Hindi humiwalay ang mata ko sa pinto, hinihintay kong gumalaw ang doorknob dahil oras na mangyari iyon ay agad akong uumba ng suntok. Kahit masakit pa ang katawan at braso ko ay kaya ko parin naman sigurong sumuntok nang malakas.
Ilang sandali pa ang lumipas pero wala pa rin siya. Mag- aalas dyes na, baka nagbago ang isip niya?
Bumalik ako sa kama. Kabado parin ako at mas lalo akong hindi makakatulog kung ganitong hindi siya pumunta rito. Hindi dahil gusto kong dito siya matulog pero dahil paano kung pinapatagal niya muna at pumasok siya kapag tulog na ako? I should not sleep then!
Kaya ganoon nga ang ginawa ko. Nanatili akong nakamulagat at ni minsan ay hindi ako dinalaw ng antok. Siguro dahil maghapon akong natulog o dahil sa iniisip kong posibleng pagpasok niya. Pero ala-una ay wala parin siya. Niloloko niya lang ako!
Naging mabilis ang takbo ng oras. Nang mag-aalas singko na ay saka lamang bumigat ang pilik-mata ko. Pumikit ako hanggang sa nakatulog. Nagising akong alas-nwebe na ng umaga at muling naramdaman ang gutom tulad kagabi.
Bumangon ako at nag-atubiling sumilip sa labas ng pinto. Tahimik ang paligid. Sumilip ako sa hagdan at wala ring tao sa baba. Tumakbo ako at sumilip kahit sa labas ng bahay, wala ring tao kahit isa! Wala ang mga tauhan niya? Alas-nwebe na at sigurado akong nasa trabaho na siya, ibig bang sabihin ay ako lang dito mag-isa? Great!
"Kung may plano kang umalis ulit, huwag mo nang ituloy dahil baka maligaw ka lang."
Halos tumalon ako sa gulat. Kahit hindi ako tumingin sa likuran ko ay alam ko kung kanina boses iyon. Kasasabi ko lang na nasa trabaho siya, anong ginagawa niya dito?
"Anong ginagawa mo dito?"
Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Dahil bahay ko ito?"
Hinagod ko ang kabuuan niya. Tulad ko, suot niya parin ang suot niya kagabi. Wala ba siyang trabaho ngayon?
Hindi ako sumagot. Nilingon ko ang kusinang may naaamoy na mabango at masarap. Mas lalo akong nagutom.
"Bakit walang ibang tao ngayon?" tanong ko, winawala ang gutom.
"It's sunday. Wala akong trabaho."
Umismid ako. "Kaya wala kang tauhang kasama ngayon?"
Tinitigan ko siya ulit. Doktor siya, panggagamot lang ang alam niya at lagi siyang may kasamang tauhan. Baka pwede kong gamitin sa kanya ang napag-aralan ko sa martial arts para tuluyang makaalis dito? Sa tingin ko'y hindi siya marunong makipaglaban kahit malaki naman ang katawan niya.
BINABASA MO ANG
Selfless (Doctor Series #3) COMPLETED
Romance"Hahayaan kitang magalit at umalis, pero pakiusap... magpakasal muna tayo." Madilim pa sa mundong araw-araw na binabagyo, ganyan ang naging buhay ni Alexin Cervantes matapos sabay na mawala sa kanya ang kanyang mga magulang. Ang tanging naiwan sa...