Kabanata 11

737 22 0
                                    

Kabanata 11

Ginusto

Gustong-gusto kong isipin na mali lahat nang haka-haka ko. Gustong-gusto kong isipin na marami akong alam na hindi ko lamang napagtuunan ng pansin. Pero wala. Wala akong alam.

Anong ibig sabihin nito? Hindi ba alam ni Rohan na kapatid niya si Claudia? O baka nga, posible kayang anak rin ni papa si Rohan at Yohan? Imposible! Kasi kung oo, sana hindi salungat si Rohan sa relasyon ng dalawa, diba?

Iilan lang 'yan sa tanong na gusto kong magkaroon nang kasagutan at tanging si Claudia lamang ang pwedeng makasagot nito oras na ito. Hindi si Rohan. O si Yohan. Si Claudia mismo.

Bumalik ako sa bahay. Wala akong ibang alam na dapat puntahan para lang makita ko siya. Dumiretso ako sa kwarto niya at agad pumasok doon nang hindi kumakatok. Nandito siya at mukhang kararating lang din. Ang mukha niya ay namamaga at ang mga mata ay pulang-pula sa kakaiyak. Marahil ay tulad rin nang akin.

"C-Claudia..." tawag ko. Agad siyang napalingon sa gawi ko at nakita ko agad ang galit niya para sa akin.

"Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang! Alam mo ba kung anong nangyari? Hah? Alam mo ba?!" sigaw niya.

Napapikit ako. Pareho kaming halos humagulgol na nang iyak. Alam kong masakit para sa kanya ang mawalan ng ina at ama pero nawalan rin ako. Nawalan rin ako ng pareho.

Gusto ko siyang yakapin at patahanin. Gusto kong sabihin sa kanya na kaya naming dalawa ito. Pansamantalang isantabi ang mga katanungang gusto kong sabihin sa kanya dahil ngayon, isa lang ang alam ko, ang damayan siya at pagaanin ang loob niya. Pero hindi ko magawa dahil ayaw niya akong lumapit.

"Umalis ka dito! Hindi kita kailangan! Wala kang kwentang anak! Wala kang kwenta!"

"H-hindi ko alam, Claudia.. hindi ko alam! Pinaalis niyo ako sa bahay na ito... wala akong alam."

Tuptop ang sariling bibig ay sinubukan ko ulit lumapit. Pero isang vase ang ibinato niya sa akin. Nagulat ako nang mabasag ito at ang ibang parte  ay tumilapon sa akin. Tuluyan akong napaatras at nilamon nang pagkabigo at galit. Gusto ko lang makatulong. Nawalan rin ako pero bakit ako ang sinisisi niya sa nangyari?

"Umalis ka na. Masyado ka bang nag-enjoy sa bahay ni Rohan, hah? Nahulog ka ba sa kanya kaya hindi mo na naisipan pang umuwi? Masarap ba ang buhay doon? Masarap ba?!"

Alam niya ang lahat? Alam na alam niya ang lahat? Kilala niya si Rohan, ibig bang sabihin ay magkapatid talaga sila?

May pagkakamali rin ako. Pangalan lang ng mama niya ang alam ko pero hindi ang apilyedong dinadala nito. Si Tita Karen, kahit na masakit ay pormal siyang ipinakilala ni papa sa amin ni mama kasama si Claudia. Pero dahil Sarviento ang dala nitong apilyedo, ibig sabihin ay dala-dala niya parin ang pangalan ng papa ni Rohan. Hindi ko kapatid si Rohan, diba? Hindi pwedeng mangyari 'yon.

"Ikaw lang ang kadugo ko rito, diba?" ngunit gusto ko paring makasiguro.

Tumawa siya. "Bakit? Ayaw mong maging kapatid si Rohan?"

Tiningnan ko siya nang masama. Nawala na lahat-lahat sa amin pero heto't hindi parin kami magkasundo.

"Bakit, Claudia? Bakit mo ginagawa' 'to? Na habang gumagawa ng paraan si Rohan na mapaghiwalay ang mama niyo at si papa ay gumagawa ka rin ng paraan para mapalapit sila?"

Agad 'yong pumasok sa isip ko. Alam kong gusto niyang magkatuluyan silang dalawa! Pero bakit?

"Nasaan ang utak mo? Naiwan ba sa bahay ng kapatid ko? Malamang  na gustuhin ko dahil parehong magulang ko ang pinag-uusapan dito! Gusto ko ring maranasang magkaroon ng kompletong pamilya. 'Yong makitang buo sila, masayang magkasama. Itinatama ko lang ang bagay na kinuha ng mama mo sa amin! Binabawi ko lang ang ninakaw niyo sa akin!"

Selfless (Doctor Series #3) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon