Connect 17: V's Choices

789 41 22
                                    

Connect 17: V's Choices

Ellin's POV

Life is really made with choices. Sabi sa akin ng nanay ko, ginawa ni Lord ang mundo na may pagpipilian ang bawat isa. Kaya naman naniniwala ako na ang lahat ng gusto mong mangyari sa buhay mo ay magagawa mo kung iyon ang pinili mo.

Pumasok ako sa school na suot ang dating uniform. Meron din akong pulang tela sa sleeves ko at nagpaxerox na din ako ng ANTI-COACHELLA posters.

Oo. Pinili kong sundin ang kung sa ano ang tingin kong tama. At para sa akin, ang Coachella Tech ay isang maling desisyon na kailangang baguhin. Dapat ibalik natin ang Coachella School of Music and Arts!

Sino pa bang magsisimula ng pagbabago kundi ako! Ako si Ellinanya Valdez, and I'll be the first one to say NO.

"T-Teka— NOOOOOO!!! Kuya guard ano bang nagawa ko? Bat niyo ako kinakaladkad palabas? Kuya naman!!! Akala ko ba friends tayo! Sige na! BFF naman tayo eh! Kuya grabe! Ganyanan na talaga!" pangungulit ko sa mga guards na hinihila ako palabas ng campus.

"Manahimik ka Valdez. Hindi ka nakauniform! Umuwi ka at magpalit ka ng uniform!" sabi nung isang guard sabay bitaw sa braso ko.

"Pero nakauniform naman ako eh! Duh Kuya guards naman! Nakalimutan niyo na ba ang itsura ng uniform ng Coachella?! Pati ba naman kayo nakalimutan niyo na ang masasayang memories niyo sa school?! Hindi niyo ba namimiss ang mga estudyanteng tumutugtog at sumasayaw?"

The other guard rolled his eyes at tinuro ang isang lalaki na pumasok sa gate na naka-Coachella Tech uniform. Eww. Yuck!

"Ganoon ang itsura ng uniform na dapat mong suotin. Kaya pwede ba? Palitan mo na iyang suot mo kung ayaw mong ireport namin toh sa school admin." pagbabanta niya.

Tinapon ng isa pang guard ang bag ko tsaka sinarado ang gate. "At hindi namin namimiss ang mga sinasabi mo! Weirdo mo!" sigaw pa nito bago tuluyang bumalik sa mga pwesto nila.

Naiwan ako sa labas ng school. Hindi ako nagpatinag. Lahat nang napasok na estudyante binibigyan ko ng poster ng Anti-Coachella Campaign. Hindi ako susuko ng basta-basta noh!

"Tara na nga!" pangungulit noong isang babae sa kasamahan niya na napatigil sa akin.

"Sumama ka sa campaign ko. Ibabalik ko ang dating Coachella!" panghihikayat ko.

Her faint smile struck my heart. "Namimiss ko na ang pagkanta, Senior Ellin." napalitan ito ng isang malungkot na ngiti at mga luha.

"Halika na nga!" hinila na siya ng tuluyan noong kasama niya at pumasok na sa loob.

I sighed at kinuha ko ang bag ko tsaka mga gamit ko. Pumasok ako sa isang food establishment tsaka nagpalit ng baduy na uniform namin.

Connect The DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon