Connect 11: Cheer Up Ellin

799 45 9
                                    

Connect 11: Cheer Up Ellin

V's POV

Nakatingin lang ako kay Anya habang nakangiti siya sa tapat ng bulletin board. Kakaalis lang ni Jhope.

Hinintay ko si Anya kasi nakita ko pa siyang nasa loob ng classroom niya. Kaya pala malungkot siya dahil sa ranking. Kung tatanungin niyo ko kung ano ang ranking ko, wag niyo ng alamin.

Siguro kung merong 250 students sa Grade 11, nasa 248 ako. May dalawa kasing mas bobo saken sa klase eh. Yung isa si Jimin, tapos yung isa di ko kilala. Basta oknoid yun. Hahahaha!

Eh si Leader nim naman kahit hindi mag aral mataas din sa ranking. Sabi niya kanina nasa 25th rank siya. Nung Preliminary ranking nasa 27th siya eh.

"ELLIN FIGHTINGGGGGGGGG!!!!" nagulat ako ng biglang sumigaw si Anya habang nakatingin pa rin siya sa bulletin board.

Abnormal. =_=

Sinundan ko lang siya habang naglalakad pauwi. Mukha akong stalker sa ginagawa ko. Teka bakit ko ba siya sinusundan? Tss.

Basta ang alam ko mas okay na toh kesa sumabay sa kanya. Baka sermonan lang ako. Lalo pag nalaman niya yung ranking ko.

"Nandito na ako Manang!" masigla niyang bati sa landlady ng apartment.

"Oh! Anya. Buti naman. Sabay pala kayo ni Sevanne?" ngumiti nalang ako kay Manang Ason. Lumingon naman si Anya saken.

"Bwo! Kasunod lang pala kita? Omo~ kumusta yung—"

"Omo mo mukha mo. Aakyat na po ako Manang." dumiretcho nalang ako sa kwarto ko at nagbihis.

Sa tuwing makikita ko si Anya, nakokonsensya ako. Lalo na nung nakita ko yung ranking. Alam kong wala akong konsensya pero-- hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko dahil ako ang may gawa ng mga quiz ni Anya ngayong term. Malamang dahil dun kaya bumaba ang ranking niya.

Buti pa si Jhope, kaya niyang mapagaan ang loob ni Anya. Ako hindi. Putcha. Oh ano ngayon? Sevanne pake mo ba kung masama loob niya? Putcha ka rin noh?

"Sevanne!!!"

Nakarinig ako ng pagkatok sa pinto. At oo. Si Anya yun. Mangungulit na naman. Wala akong nagawa kundi buksan ang pinto.

"Oh? Problema mo?!"

"Kumusta yung quiz mo? Maayos lang ba? Anong sabi ni Sir Pagayunan?" dire-diretcho niyang tanong.

"Malay ko dun. Basta pinasa ko yung papel ko. Bahala na siya dun." naglakad ako papunta sa sofa at sumunod naman siya sabay upo sa sahig.

"Hay nako. Ayusin mo na kasi yang mga subjects mo. Mag aral ka at maging mabait."

Connect The DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon