Connect 23: Bangtan Broadcast

547 47 10
                                    

Connect 23: Bangtan Broadcast

V's POV

Natapos ang ferris wheel ride na hindi ko maalis ang mga mata ko kay Anya. Yung mukha niya kasi— dati ang sarap sampalin— ngayon... ang sarap— ahhh! Ewan.

Hindi ko marinig yung mga fireworks kasi mas malakas yung pagtibok ng puso ko. Nasobrahan ba ako sa kape? Naalala ko si Jimin, pinaghalo niya yung kape at cobra energy drink, ilang linggo siyang paikot ikot at ang sabi niya sobrang lakas daw ng tibok ng puso niya. Eh hindi naman ako tanga gaya ni Jimin para gawin yun, so ano toh?

"Omo! Ang daming pictures ni Suga! Fansite hyungie!" sabi nila Jin habang tinitignan yung camera ni Suga-hyung. Nakitingin din si Anya syempre. Epal yan eh.

Just then, nakita naming natakbo palapit sa grupo namin si Jungkook. Hinihingal pa siya at naghahabol ng hininga pero agad din siyang nag 90° bow sa harapan naming lahat.

"Gomawo, hyungs... noona. Maraming salamat!" he said it out loud.

"You're always welcome, Jungkook. Sige na, nandyan na yata yung sundo mo. See you at school." Rap Monster said.

"Okay! Penge pictures, Suga-hyung ah? Remembrance! Haha! Bye!" tsaka siya tumakbo palayo.

Pasakay na kami sa kanya-kanyang kotse ng makita ko na nagtatawanan si JHope at Anya. Bumabawi ata siya kasi laging ako ang kasama ni Anya simula kanina. Tss. Smooth move, hyung.

"Bye Jhope-oppa! See you at school!" malandi niyang pagsabi.

"You too! Ingat kayong dalawa ni Sev. Bye!" nakangiting sabi ni Jhope tsaka sumakay sa kotse.

Knock out na si Jimin na nakasakay sa kotse ni Rap Mon, si Jin at Suga naman may sarili ding kotse, pinakauna silang nagkaroon kasi sila ang magiting na Hyung Line. Actually, minsan ko lang gamitin tong kotse ko. Di kasi ako sanay. Naglalakad lang ako papunta sa school diba?

"I had fun!!!" excited na sabi ni Anya habang naglalagay ng seatbelt. "I never thought na ganun kasaya sa amusement park! Hinding-hindi ko malilimutan tong araw na toh! Ikukwento ko toh hanggang sa mga apo ko sa tuhod!"

Umikot nalang ang mata ko at nagsimulang magdrive. Wala pa sa kalahati ng biyahe, tulog na tulog na siya. Napagod din. I had to stop the car in every stop light and just look at her face. Ang himbing na ng tulog niya. Pansin ko ngang palagi na akong nakatitig sa mukha niya, pag nakangiti siya napapangiti ako. I had to hide my smiles kapag napapatingin siya saken baka kasi isipin niya natitimang na ako.

Nakarating kami sa apartment at agad kong ginising si Anya na tulog na tulog pa din. Ngayon ko lang napansin na hawak hawak niya yung penguin stuff toy na nakuha namin sa toy crane kanina. Pabo~

"Anya, wake up. Andito na tayo." niyugyog ko yung balikat niya pero walang epekto. I grunted at agad inilock ang pinto tsaka siya binuhat sa likod ko. Nilagay ko yung backpack ko sa may harapan para mabuhat ko siya ng maayos. I had to park the car a little bit farther kasi wala ng space sa tapat ng apartment. Pataas pa naman ang daan!

Connect The DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon