Connect 22: Jungkook's Date

616 43 38
                                    

Connect 22: Jungkook's Date

Ellin's POV

Awkward akong nakaupo sa isang long table na nasa loob ng empty classroom a.k.a. practice room ng Bangtan Boys. Gusto ko sanang bigyan pa ng tips si Jungkook para sa nalalapit niyang date kay Junghwa bukas.

Nakaupo ako sa kabilang side habang busy ang Hyung line sa mga ginagawa nila. Parehong scroll ng scroll sa mga phone nila sila Jin-oppa at Suga-oppa. Hindi na ako nakatiis at binasag ko na ang katahimikan.

"Jin-oppa, ano yang ginagawa mo?" I asked and tried to lean forward.

Nakangiti naman akong tinignan ni Jin at pinakita ang screen ng phone niya. "Nagdownload ako ng Del Monte Kitchenomics app. Madami daw recipes dito eh. You know naman, kailangan ko ng reference!" he giggled and continued scrolling his phone.

Oo nga pala, mahilig magluto ang isang to. Minsan nga, siya pa ang nagdadala ng pack lunch nila Jungkook at Jimin. Minsan naman, nagdadala lang siya ng cake at cookies kasi gusto niyang ipagyabang na  bumili siya ng bagong oven. Typical Jin.

Humarap ako kay Suga na seryosong-seryoso sa pagkalikot sa phone niya. "Suga-oppa, ano yan?" I asked him.

Seryoso siyang tumingin saken tsaka pinakita ang screen ng phone niya. Di ko masyadong magets. Parang nag eedit siya ng selca niya.

"This is the newest photo editor that I downloaded, you peasant. Ito lang naman ang pinaka-swag na app kasi madaming filter!" he said in a monotonous voice habang hawak niya yung phone niya. Pinakita niya saken kung paano mag-edit at maglagay ng kung ano-ano sa selca niya.

"T-That's interesting! Ahe he he!" napipilitan akong tumawa. Ang weird talaga nito. Ang hilig sa filter eh ang kinis naman niya.

"Oy! Ellin!!!" nakita kong pumasok na sila Jimin, Rap Mon, JHope at V. Umupo sila sa tapat ko.

Jimin went straight to Suga. "Hyung! Selca tayo!!! Bagong app ba yan? Tara try na natin!" sabay tabi kay Suga at ngiti.

"Pwede ba Jimin, kung gusto mo ng selca gamitin mo phone mo!" pagtanggi sa kanya ni Suga.

"Ayaw mo bang kasama ako sa selca mo?"

"Mukha bang gusto ko?"

Malungkot na umupo si Jimin katabi ni Rap Mon na busy sa laptop niya. May suot din siyang headphones at parang nag-eedit sila ni Jhope ng kanta na gagamitin nila sa Semis ng Rookie Battle.

"Sali ako!" masigla sabi ni Jimin ng mapunta ang atensyon niya sa dalawa.

"Jimin, rap line lang ang gagawa dito," sabay pagtaboy ni Rap Mon sa kanya.

"Oo na! I got no jams! Grabe!" sabay nguso niya at umupo sa tapat ko. "Ellin! Nakakapagod mag-aral! Paano ba ako tataas ng ranking?"

Connect The DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon