Connect 5: Before Bangtan

991 49 8
                                    

Connect 5: Before Bangtan

 

 

Ellin's POV

 

 

Nakaupo ako sa maduming kwarto ni V. Oo, nandito ako sa kwarto niya. Pinapanuod ko siyang magsayaw. Actually kakatapos ko lang ituro yung steps ng routine nila. Diba ako yung umaattend ng practice nila? Ayun.

"Hoy. Anya, ituro mo na yung sunod." makatawag ang isang toh akala mo pinapasweldo ako eh.

"Opo. Eto na po." nagpagpag ako ng pwet at tumayo sa malaking salamin sa kwarto ni V. Infairness, eto lang ang gusto ko sa kwarto niya, mala-dance studio. Yun nga lang nakakasusot ang daming naka-bikini na babae. Tss.

"Paano yung sunod? Bilis." iritado niyang sabi.

"Wow teka lang po ah. Iniisip ko pa eh." inaalala ko pa yung steps sa bandang chorus, atat masyado ang kwek kwek na toh eh.

Nagsimula kami at pinatugtog ni V ang beat, ang alam ko sasabayan nila ng rap ang performance nila habang nasayaw. Mabilis maka-pick up si V, ngayon ko lang siya nakitang sumayaw kaya hindi ko alam na magaling din siya. Pero wala ng gagaling kay JHope. Mehehehe.

"Hoy V, hindi mo man lang sinabi na kasama niyo dati sa Bangtan si JHope!" bigla kong sabi.

Napatigil siya sa pagsayaw at nagulat ako ng naging seryoso ang mukha nito. Dumilim ang aura niya ng mabanggit ko si JHope.

"Ano?!"

"Sabi ko hindi mo man lang sinabi na kasama niyo sa grupo si JHope dati. Alam mo namang crush ko yun eh." sabi ko.

Tumaas ang kilay niya. "Crush? Crush mo si Jay Hyung?!" tanong niya at natatawa.

"Hoy! Walang nakakatuwa dun ah! Tsaka 'wag mo nga siyang matawag na Hyung magka-klase kaya kayo!"

"Hah. Talagang sinabi mo saken na crush mo si JHope Hyung ah. Paano kung sabihin ko iyon sa kanya--" hindi niya na naituloy ng sumakay ako sa likod niya.

"Yah!!! You wouldn't!!! It's a secret!!!" namumula kong sabi habang hawak ko yung nguso niya at nakasakay pa din ako sa likod niya.

"Argh! Get the fuc k off Anya! You stupid pig!" pilit niya akong tinatanggal sa pagkakakapit ko sa likod niya.

"Promise me you'll not tell anyone!"

"Aish! Immature!"

"PROMISE ME!!!"

"Fine! Fine! I will not tell your stupid nonsense secret! Now get off!" agad akong umalis sa likod niya. Kita ko namang nainis ito dahil alam kong mabigat ako kahit mukha akong payat. Mehehe.

Connect The DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon