Connect 3: Hope Connection

1K 47 7
                                    

Connect 3: Hope Connection

V's POV

 

 

Pangalawang araw na ngayon na nasa katawan ako ni Anya. Ang boring sa section A. Puro aral-aral. Blah blah blah.

Binuklat ko yung notes niya at sobrang linis niyang magsulat. Natawa ako dahil ang pangit niyang mag-doodle. Habang busy ako sa pagtingin ng doodle, nakita ko ang isang nakasulat sa taas ng notebook niya.

DREAM BIG.

Tss. Dami mong alam, Anya. Wala kang alam sa totoong buhay. Wala kang alam kung paano mangarap. Mahirap ang buhay sa labas ng Coachella. Mahirap mangarap ng mataas, masakit 'pag bumagsak ka. Mangarap ka ng totoo at realistic na pangarap. Oo walang masamang mangarap, libre ito pero hindi lahat ay natutupad.

"Ellin?" nagulat ako ng may tumapik sa balikat ko. Si Chocola.

"Huh?!"

"Anong answer sa number 4?" pabulong niyang sabi.

Napatingin ako sa room at lahat sila nakayuko at may pad paper. T-Teka-- nagqu-quiz ba kami?!

"Okay. Number 5!" nagitla ako sa sinabi ni Sir Pagayunan at kumuha agad ng pad paper tsaka sinimulang lagyan ng number.

"Ellin! Anong sagot sa number 5?" bulong naman nung Winona sa kabilang side.

Pucha. Ni hindi ko nga alam kung anong subject toh eh! Patay ako neto kay Anya!

(_   _ ;)

"ANO? ZERO? As in bokya? Itlog? 50%? V naman!" nagtantrums na naman siya sa harap ko. Naiirita ako pag gamit niya ang katawan ko tapos papadyak-padyak siya na parang bakla. Buti nalang gwapo ako, bawi pa rin!

"Malay ko naman dyan." tsaka ko tinapon yung notebook niya kung saan.

"Oo nga. Wala ka kasing alam! Ano nga bang maaasahan ko sayo!" bulyaw niya saken gamit ang sarili kong boses.

Nagpanting ang tenga ko dahil sa narinig ko. Tumayo ako sa pagkakaupo sa higaan niya, oo. Nandito siya sa kwarto niya.

"Hoy. Alam kong wala akong kwenta sa mga ganitong bagay pero 'wag mong ipagyabang saken 'yan ah."

"Bakit V? Kelan ka pa natuto na tulungan mo yang sarili mo para maging maayos ang buhay mo?!"

I clenched my jaw. "You only know my name, wala kang alam kung anong pinagdaanan ko." I said at tinignan siya ng masama pero hindi siya natinag at humakbang pa ito palapit saken.

Connect The DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon