Connect 4: Upclose with Bangtan

1K 49 11
                                    

Connect 4: Upclose with Bangtan

 

Ellin's POV

 

 

Gaya ng sabi ni V, pumunta nalang ako sa practice ng Bangtan. Hindi na ako nag-abala na pumasok sa klase, late na din naman ako eh. Isa pa, dahil malapit na ang recitals, mas uunahin nga talaga ng mga schoolmates ko na magpractice kesa umattend sa academic classes nila.

Ang Coachella ay hindi ordinaryong school lang na nag-ooffer ng K-12 program. Oo pagpasok mo Grade 7 ka, pero pagdating ng Grade 11, pwede kang mamili ng major na kukunin mo.

Pwedeng Musical major, kung mahilig kang tumugtog. Vocal major gaya ko na golden voice. Dance major kung mahilig kang sumayaw. Literature major kung mahilig kang magsulat at Arts major kung mahilig kang magdrawing.

Bawat major may kanya-kanyang sub groups. Sa Musical major may piano, violin, cello, guitar etc. Sa Vocal major merong soprano, bass, opera, pop, ethnic etc. Sa Dance major, pwedeng ballet, hip hop, pop, theater etc. Literature major, novel writing, poetry, sonatas, song writing etc. At ang Arts major na may abstract, realism, pop culture, grafitti, mural etc.

Oh diba astig?

"V! Finally!" Jimin greeted me. "Akala ko iinjanin mo na kami eh!" sabi niya pa at umakbay saken.

"Hindi noh-- uhh napasarap lang yung tulog ko." ginawa ko pa yung signature move ni V na pagkuskos ng ilong.

Ngumiti sila saken. "Mukhang wala ka ng sapi. Akala ko papasok ka na naman sa klase eh. Tara practice na tayo." tsaka ako hinila ni Jin.

Marunong din naman akong sumayaw at hindi ko alam pero mukhang nagugustuhan ko ang mga steps na ginagawa ni Kook para sa kanila. Masyado lang maangas at panglalaki yung steps pero medyo keri. Mabagal nga lang bago ako makasabay sa kanila. Magkasama sa paggawa ng steps si Kookie at Yogi.

Kung titignan mo sila, magagaling din pala silang sumayaw. Si Jimin naman ang kulit at laging nakakapit saken. Si Yogi laging naka lollipop at tahimik na nakikinig ng music habang nagsusulat. Ngayon ko lang nalaman na sila ni Rap Mon ay nagawa minsan ng kanta. Si Jin tahimik lang sa isang gilid. Pero nung nilapitan ni Jimin, nagtulungan pa silang guluhin si Yogi habang nagsusulat. Si Kook? Ayun kain ng kain. Patabaing maknae lang ah? Si Rap Monster naman busy sa laptop.

Lumapit ako sa Leader nila at tinignan kung anong ginagawa. Nagulat ako ng pinapanuod niya yung performance ni JHope noong Tuesday sa URDB. Omo. Fan din siya ni JHope gaya ko! *U*

Tumingin si Rap Mon saken at ngumiti. "He can dance, huh?" he asked me pero ewan parang kakaiba talaga yung pagkakatanong niya.

Tumango lang ako, pinipigilan ko kasi ang sarili ko na mag-fan girl eh. Nagpatuloy si Rap Mon sa seryosong panunuod.

"Yah V! Tara practice ulit tayo!" tawag ni Yogi saken, mukha nainis siya sa kakulitan nila Jin at Jimin.

Connect The DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon