Connect 21: Girl Problems

869 45 34
                                    

Connect 21: Girl Problems

Ellin's POV

Naglalakad ako sa hallway ng building namin ng mapansin ko si Jin sa locker area. He seemed like he's looking from left and right trying to see if the coast is clear. Malaki ang lockers ng Coachella so any musical instruments that are hand carried can be stored inside. So I wasn't surprised when Jin opened his locker and went inside.

Some of the students do that, either to sleep or hide. Lalapit na sana ako sa locker ni Jin when a group of girls passed by. Omo. Upperclassmen yung iba sa mga yun, same grade level nila Jin at Suga. At ang alam ko, sikat din yung mga babaeng yun eh. Their group is called EXID, composed of different girls from different levels din.

After the girls passed by the locker area, lumabas na din si Jin. Aalis na sana siya ng bigla akong sumulpot sa tabi niya.

"Hi Jin!" panggugulat ko.

"Ay shet na Hello Kitty! Pucha naman! Ellin naman eh!" minsan talaga medyo beki din ang aura nitong si Jin eh pero hindi ko nalang pinapansin.

"Sino type mo sa EXID?" tanong ko kaagad.

His face turned red in an instant! Ah yeah! I got you! "W-Wala! Bakit naman ako—"

"I saw you! Nagtago ka sa locker to catch a good glimpse of them. Sino ba dun?"

"Cut that out Ellin!"

Kilala ko naman silang lima. Yung leader nila si Soljin at si LE naman yung isa pang member na nasa grade 12. Si Hani at Hyelin nasa grade 11 at si Junghwa yung nasa grade 10. Cute silang lahat at ang major nila ay vocals din. Nakita ko na ang group recitals nila at sobrang ganda nga ng mga boses nila.

"Sino ba kasi do—"

"Hoy Jin!" nagulat ako ng biglang lumapit samin yung isang babae na member ng EXID. Yung si LE, ang alam ko pinakamasungit siya eh.

"B-Bakit?"

"Pengeng pera. Bibili lang ako ng lunch." grabe naman pala to kung makautos eh!

"Kapag binigyan ba kita, sasabihin mo na sa akin ang number ni Junghwa?"

"Hindi. Asa ka pa."

"Okay. Eto oh." sabay abot naman ni Jin ng pera. Ngumisi siya kay Jin bago umalis. Hinintay siya ng iba pa nilang member bago naglakad na ng tuluyan papunta sa Caf. Yung totoo?!

"Jin!!! Pumapayag ka na kinukuhanan ka niya ng pera?!!" hindi ko maitago ang pagkadismaya ko.

"She can take all my money if she wants." parang nahypnotized na sagot saken ni Jin habang nakatingin sa kawalan.

Connect The DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon