Connect 7: Kook Project

1K 51 21
                                    

Connect 7: Kook Project

Ellin's POV

Nakalipas ang ilang linggo pa at naging tahimik na ulit ang buhay namin ni V. Wala ng nakakalokang palitan ng katawan. Yun nga lang, hindi nakukumpleto ang araw niya ng hindi niya sinisira ang araw ko. Lagi naman eh.

"Anya~" tawag nito saken pagpasok niya ng kusina. Bagong gising pa siya ang gulo-gulo yung buhok. Naghuhugas ako ng pinggan sa lababo.

"Wala ng breakfast. Kupad kupad mo kasi. Bahala ka dyan." sabi ko at nagpatuloy sa paghuhugas. Naramdaman ko siya sa likod ko at kinilabutan ako ng halos magdikit na yung katawan niya at likod ko.

Napaharap tuloy ako pero shete naman. Mas lalo tuloy akong nakulong. May inaabot pala siya sa hanging cabinet na nasa taas ng sink. Magkaharap tuloy kami at magkadikit yung katawan habang inaabot niya yung cereals.

"Aish. Anya ang aga aga naman kasi ninyong maghanda ng breakfast." nung maabot niya yung cereals, he leaned forward. Napapikit tuloy ako dahil halos yakapin niya na ako.

Pagbukas ng mata ko nakangisi siya saken habang hawak yung kutsara. Peste. Kumuha pala siya ng kutsara mula sa mga nahugasan ko na.

"Alam mo sabihin mo lang kung gusto mo ang katawan ko. walang kaso saken."

Hinampas ko naman siya agad. "Kapal mo!" tsaka ako tumalikod at nagpatuloy sa paghuhugas. Narinig kong may pumasok sa kusina. Si Manang Ason at parang nakaayos ito.

"Sevanne, Anya aalis ako."

"Saan kayo pupunta Manang? May date kayo?" walang kwentang tanong ni V.

"Ay ano ba Sevanne. Wala. Magbabayad lang ng bayarin. Iiwan ko muna kayo dito ha? Pasabihan yung ibang tenants na 'wag magpagabi."

Tumango kaming dalawa at nagpatuloy kami sa mga ginagawa namin. Pagkatapos kong maghugas iniwan ko si V doon. Pumunta ako sa kwarto at gumawa ng homeworks. Imbes na gumawa nakatulugan ko iyon.

Mehehehe. :3

Nagising naman ako sa magkakasunod na katok sa pinto. Pagtingin ko sa orasan sa desk kung saan ako nakatulog, alas tres na pala. Opps. Napasarap tulog ko.

"Sino ba yan?!" naiirita kong tanong habang papunta sa pinto.

"Open up!!! Faster." napakunot noo ko ng marinig kong si V pala yun. Istorbong kwek kwek. Tss.

"Oh?!" sagot ko kaagad pagbukas ko ng pinto.

Ang loko nakatulala lang saken? May dumi ba ako sa mukha? Yung mata niya bumaba sa may dibdib ko at--

Connect The DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon