Connect 15: Coachella Tech

748 42 11
                                    

Connect 15: Coachella Tech

Ellin's POV

STUDENTS ARE NOT ALLOWED TO JOIN CONTESTS THAT INVOLVES THEIR SPECIAL COURSES. THIS SCHOOL IS NOW A TECHNICAL SCHOOL SO EVERY STUDENT SHOULD PRACTICE THEIR ASSIGNED TECHNICAL COURSES INSTEAD. -THE SCHOOL ADMINISTRATOR

Nalaglag ang panga ko ng makita ang nakapaskil sa bulletin board. Hindi pupwede toh! At sa katabi ng announcement nakadikit ang picture ng Bangtan Boys mula sa battle nila kagabi!

"Oh no..." nasabi ko nalang sa sarili ko habang nakatingin sa picture nila. Ano bang binabalak ng bagong school admin?!

"Ellin! Dali! Pinapapunta tayong lahat sa Auditorium. May mahalagang importanteng sasabihin yung bagong school admin!" biglang hila saken nila Chowa at Wowa.

"Wow. Mahalaga na, importante pa. Wow." nagawa ko pa talagang pansinin yun. Nagpahila nalang ako sa kambal papunta sa auditorium.

Pagpasok namin, mukhang lahat ay nagkakagulo at maingay. Lahat parang naguguluhan sa nangyayari. At nakakagulat na isang sementadong stage nalang ang naabutan namin. Ang auditorium ng Coachella ang isa sa pinakagusto kong lugar dahil dito kami lagi nagpeperform ng recitals. We showcase our talents on this stage. Napakalawak nito at elegante. Dati ay may brown na kurtina sa stage at may magandang lighting ito. Ngayon ay wala na. Isang payak na stage nalang ito ngayon. Walang buhay. Walang kulay.

Nahagip agad ng mata ko ang isang lalaki na parang nasa mid 40's na nakatayo sa gitna at may hawak na microphone.

"Students, settle down." marahang sabi ng lalaki sa harapan pero hindi nakinig ang mga schoolmates ko. Nagkakagulo parin sila.

Huminga muna ng malalim ang lalaki tsaka may pinindot sa kanyang phone tsaka may tumunog na nakakabinging ingay. Parang yung feedback sa speaker. Napaupo ako sa sahig habang nakatakip ang mga kamay ko sa tenga dahil sa sobrang sakit. Agad ding tumigil ang tunog pero mukhang hindi pa agad nakarecover ang tenga ko at parang nag eeecho pa ito.

"Much better..." sabi ulit ng lalaki sa unahan at natawa pa ito na makitang lahat kami ay nakatingin na sa kanya. "Mahirap pala kayong idisiplina. Pero hayaan niyo na. I'll teach you real discipline as the days go by."

Nanlaki ang mata ko. Real discipline?!

"Ako nga pala si Mr. Lee. Ako ang bagong school admin na papalit kay Mr. Hitman Bang. At dahil ako na ang mamamahala ng school na ito, inayos ko na rin ito ayon sa aking ninanais. Alam niyo kasi, I wanted to build a school where students are trained to learn the reality of the world, the hardships that you will all face once you stepped out of school. Kaya binago ko ang school na ito at ginawa kong isang Technical School!" masayang sabi niya.

Halos gumuho ang mundo ko ng tanggalin niya ang tela sa gitna ng stage at tumambad sa amin ang bagong logo ng school.

Connect The DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon