Connect 8: A Soft Hearted Monster

932 52 10
                                    

Connect 8: A Soft Hearted Monster

Ellin's POV

 

Nanunuod ako ng TV ng pumasok ang bagong gising na V sa sala at sumalampak ng higa sa sofa. Ginawa niya pang unan yung lap ko. Napatingin tuloy ako sa kanya na nakapaling lang ang ulo sa TV at parang walang pake na nakakaabala siya.

"Hoy. Kwek kwek ka. Mukha ba akong unan?" inis kong sabi. Imbes na sumagot tumagilid ito at humarap na ng tuluyan sa TV. Pinitik ko kaagad yung tenga niya. "Hoy!" sigaw ko.

"Aish! Ang sakit ah!" tinakpan niya yung tenga niya at nanuod pa din.

"Umalis ka sabi eh!" pagtulak ko sa ulo niya pero parang nakadikit ito.

"Shh! Ang ingay mo, Anya." pagsaway pa nito saken habang nanunuod ng tagalog version ng My Love from Another Star sa TV.

"Itutulak kita!" pagbabanta ko.

"Shh!!!" napairap ako at nanatili nalang na ganun. Aish. Ang tigas talaga ng mukha ng lalaking toh. "Aigoo! Malalaman niyang alien yung lalaki!" wow masyadong affected si Koya. Tss. =_=

"Tss. Ewan ko sayo. Di ka ba aalis o ano? Ang hassle mo." sabi ko habang nanunuod.

"Hindi. Dito lang ako."

"Wala ba kayong practice ngayon dito?"

Parang natigilan siya at tumayo. Nakaramdam ako ng ginhawa ng inalis niya ang pagkakapatong ng ulo niya sa lap ko. "Anong sabi mo?" he said quite serious.

"H-Huh? Ang sabi ko kung magpapractice ba kayo ng mga Beng-Beng boys dito sa apartment?"

"Hoy. BANG-TAN hindi BENG-BENG. Bobo mo." naiirita niyang sabi.

"Eh sa gusto ko Beng-Beng, may magagawa ka?"

Ginulo ni V ang magulo niyang buhok at sumandal nalang sa sofa. Buti naman. "Gusto mo lang yata kaming magpractice dahil gusto mong makita si Kook eh." nakapout niyang sabi habang nakahalukipkip at indian sit.

"Bwo? Ako? Eh mas bata yun saken. Sira ulo ka."

"Malay ko ba kung gusto ko yung mga mas bata sayo. Yung tipong ikaw ang magmomolestya."

Hinampas ko kaagad yung braso niya. "Sira! Umayos ka nga Sevanne. Mga naiisip mo." inirapan ko pa siya pagtapos.

"Pero di nga? Gusto mo ba si Kook?" tanong niya. Problema ba nito? Ang chismoso.

"Hindi ko siya type. Masyadong baby at suplado."

Nanahimik na siya pagtapos nun tapos nilipat ko na ang channel dahil URDB na. May performance daw ngayon si JHope eh. Ayie.

Connect The DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon