Connect 24: Boys in Luv?

536 39 12
                                    

Connect 24: Boys in Luv?


Ellin's POV


Naging busy ang lahat para sa darating na recitals next week. Ngayon nalang ulit ang recitals after maging Coachella Tech ang school. Nakakamiss! And I thought this day will never happen again!

Buti nalang talaga at next week pa ang recitals dahil makakapag-cheer pa ako sa Bangtan Boys bago ko asikasuhin ang piece na napili ko.

"Gosh!!!" nagulat ako ng may marinig akong tumili. Sila Chowa at Wowa lang pala. "Ang hot ni Jimin!" dagdag pa ng dalawa habang nanunuod ng kung ano sa phone nila.

"Ano ba yan?" tanong ko ng makaupo sila sa tabi ko.

"Practice video nila para bukas! Ang solid ng bago nilang kanta! Pinakadabest!" Winona said.

"Pinakita nila sainyo?" I said, parang may kung anong nagtwitch sa dibdib ko. Bakit sa akin hindi nila pinakita?

"Yup! But Rap Mon said na ipost namin right after their performance tomorrow. Oh diba? Taray! Dudumugin na naman ang fansite namin dahil nasa amin na naman ang exclusive practice video! Fansite sunbaenims na talaga kami!" proud na sabi ni Chowa.

"Gusto ko din mapanuod!"

"Yah! Mahigpit na bilin ni Rap Mon na bawal ipanuod kahit kanino!"

"Kahit sa akin?"

The twins nodded.

Bumalik ako sa pagkakaupo ng ayos at nakapout na nagsulat nalang ulit ng notes. Ang daya naman nun eh! Bakit hindi ko pwedeng makita? Ah! Alam ko na! Pupunta ako mamaya sa practice nila.

Pagkatapos ng class namin, diretcho na ako sa empty classroom pero nakita kong nakasarado yung pinto. May nakalagay pang 'Do not disturb!' tapos may drawing na feeling ko si Jimin ang may gawa. Chaka ng drawing eh.

I knocked on the door at si Jin ang nagbukas noon. "Oppa! Panuod!" I said smiling.

"Mian, Ellin. You can't watch our practice now. Bukas mo nalang kami panuorin, sa URDB!"

"But--"

"Geh! Bye!" sabay sarado ng pinto. I was left there speechless. Grabe! Ang hostile naman ng Bangtan Boys ngayon?

Umuwi akong masama ang loob and kicking some of the stones I saw on the pavement. I never thought that I will be this upset because of a simple thing! I should stop acting up, hindi naman ako ganito dati eh! Who cares about Bangtan Boys anyway?

Malapit na ako sa apartment when I saw a black limo parked in front of the driveway. Napatigil ako and tried to look around. Ang daming bodyguards! Ang bongga! Lumabas mula sa apartment ang isang babae na nakasuot ng napakalaking sun hat na itim at shades. May nakasunod na lalaki na may dala ng napakalaking payong. I saw  the guard handed a spray bottle at nagspray ang babae sa kamay nito tsaka ibinalik.

Nakita ko naman si Manang Ason na nasa pintuan at nakaway sa babae. The woman did not waved nor look at her and went straight inside the limo.

Agad nagsialisan ang limo at ang tatlong kotse na kasama yata noon. Naglakad na ako palapit sa apartment at naabutan ko pa si Manang sa front door.

"Sino yun Manang?" tanong ko naman.

"Aba malay ko? Sabi niya titignan niya lang yung lugar so pinapasok ko nalang siya. Mukha namang hindi siya interesdong kumuha ng kwarto. Buti nalang kasi wala ng bakante." she replied and we both entered the apartment.

Sino ba iyon?


V's POV


Connect The DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon